CHAPTER 7

270 27 12
                                    

ASH POV

Nagmamadali akong bumaba sa sasakyan dahil mahuhuli na ako sa klase ko ngayong hapon

Hindi kasi ako agad nakaalis ng bahay kasi si Lola hindi pumayag na hindi ako sumabay sa kanya ng lunch, tapos sya pa ang naglagay ng pagkain sa plate ko. Ang dami ng nilagay nya kaya hindi ko kaagad naubos.

Kaya heto ako ngayon tumatakbo sa gitna ng field para hindi malate, bawal dumaan dito pero bahala na kaysa naman malate ako, major subject pa naman yun. 

Natanaw ko si Alex sa may unahan ng building, ang bait talaga ng bestfriend ko talagang inintay pa ako. Si Alex lang yung kaclose ko dito kasi hindi nman ako masyadong umiimik dito sa school.

Hingal na hingal kong tinapik si Alex

"Ho-hoy bess, whooooaaaahhhh. Tara na ma-malalate na tayoh" hinihingal pa na sambit ko at akmang hihilahin ko na sana sya pero pinigilan nya ako

Gulat akong napatingin sa kanya

"Bess ano na, malalate na tayo. Tara na" Hinila ko ulit sya. 

Nagulat ako ng bigla na lang syang humalakhak sya ng tawa

"Hoy ano tatawa ka nalang ba dyan, late na tayo oh

Hindi sya sumagot at tumawa lang sya ng tumawa

"Kung ayaw mong pumasok,bahala ka dyan basta ako papasok na ako"

Tumalikod ako at akmang papasok na sa loob ng pigilan nya ako

Pinilit nyang pakalmahin ang kanyang sarili mula sa pagtawa nya kanina

"Ano bess??" natatarantang tanong ko sa kanya

Ano ba namang nangyayari dito sa bestfriend ko. Ngayon pa nagkaron ng topak eh late na nga kami

Natatawa man ay pinilit pa rin na magsalita ni Alex

"Bess kasi, wahahhahhahahahah wait----

Ayun tumawa na naman ng tumawa

Kumunot naman ang noo ko, senyales na naiinis na ako sa ginagawa nya. 

"Bess kasi walang klase ngayong hapon, may emergency meeting daw kasi lahat ng teachers. Nandito kasi kuya mo kaninang umaga eh may presentation ata sya ngayon at nandon ung mga teachers" halata na pinipigilan pa rin nya yung pagtawa

"WHAT!!, so you mean tumakbo ako sa field para lang sa wala?" bagsak ang balikat kong tanong kay Alex

Nasapo ko nalang ang noo ko ng maalala ang pagtakbo ko sa field kanina.NAKAKAHIYA

"OO ganon na nga girl, mukha kang engot na tumatakbo kanina sa field PARA LANG SA WALA" talagang ipinagdiinan nya yung 'para lang sa wala'

"Nakakainis naman si Kuya eh, hindi manlang nya sinabi sakin na may presentation chenes pala sya edi sana hindi na ako nagpunta dito" napabuntong hininga nalang ako para kahit pano ay mawala yung inis ko

"Ngayon mo lang din ba nalaman na walang klase kaya ka nandito?" tanong ko sa kanya habang hinahanap yung panyo sa bag ko

"Hindi girl kaninang umaga ko pang alam, may klase kasi ako ng 10 am kanina

"Kanina mo pang alam, Bakit hindi mo manlang sinabi sakin?" halos sumigaw na ako sa sobrang inis

"Girl kumalma ka nga, hindi ko sadya sinabi sayo kasi bukod sa akala ko ay alam mo na kasi nga diba kuya mo yung may presentation, eh nagtatampo ako sayo" pag iinarte ni Alex

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now