CHAPTER 5

262 30 10
                                    

ASH POV

"Hoy! Umayos ka nga nagugusot yung bed sheet ko!" Sigaw ko kay Chris

Aba't feel at home na feel at home ang loko, parang hindi natakot kay kuya kanina eh

Hindi ko alam kung maawa ba ako o matatawa sa kanya, kasi ang epic talaga ng mukha nya kanina. Mukha syang takot na takot kay kuya. Hindi man lamang sya makasubo ng pagkain kanina.

Nandito sya sa room ko ngayon kasi we need to do something. 

Something Unforgettable 

Something na ngayon ko palang gagawin

Kaya kinakabahan talaga ako, kasi syempre hindi ko alam ang kalalabasan nitong gagawin ko.

-Flashback-

Katatapos lang namin kumain ng dinner at kasalukuyan kong hinahanap si Chris.

Si kuya kasi eh, kung ano anong pinagsasabi kanina eh papayag din naman pala, takot na takot kaya ako

Asan ba kasi yung lalaking yun, wala naman sa room nya, wala rin sa living room. 

Baka lumayas yun ah, masyado atang natakot kay kuya.

Lumabas ako para tingnan sya sa garden, malay ko ba kung gusto palang magpahangin ng mokong na yun at nandun nga sya

Mukhang malalim iniisip ng isang to, dinibdib ata masyado yung mga sinabi ni kuya kanina

"Iniisip mo pa rin ba yung nangyari kanina?" tanong ko ng medyo makalapit ako sa kanya

"Hindi naman" sagot nya habang nakatalikod pa rin sakin

Hindi daw eh halata naman na iniisip nya

"Asus, halata naman na iniisip mo pa eh. Wag mo na isipin yun ganun lang talaga si kuya. Sa pamilya parang sya yung pinaka may awtoridad pero syempre iginagalang pa rin nya sina Lola at yung parents namin" pagpapaliwanag ko sa kanya

"Hindi ko na talaga iniisip" pagmamatigas pa nya

Kung ayaw nyang aminin sakin ay irerespeto ko nalang desisyon nya

Pabalik na sana ako sa loob ng maalala ko ang dahilan kung bakit ko sya hinahanap kanina

"Can i ask you a favor?" seryosong tanong ko sa kanya

Lumingon naman sya sakin

"OO naman , ano yun?" napangiti ako dahil sa pagpayag nya

Lumapit ako sa kanya para ibulong ang favor na nais kong hingin. Kailangan kong ibulong kasi baka may makarinig eh masira pa yung plano ko. 

"Tulungan mo ko na sorpresahin si Lola sa birthday nya" bulong ko kay Chris

Lumayo ako ng konti sa kanya 

"Ano game ka ba?" kinakabahang tanong ko

Hindi sya sumagot, nakatulala lang sya na mukhang ewan

"Hoy!" hindi pa rin nya ako pinapansin, ano bang problema netong isang ito

Makakatikim na talaga to ng sapak

"Hoy ano game ka?" tinapik ko sya sa balikat para matauhan

Halata naman na nabigla sya

"Game Saan?" nagtatakang tanong nya

Niloloko ata ako netong isang ito eh, malinaw naman pagkakasabi ko kanina ah

"Tingnan mo, di ka pala nakikinig sa sinabi ko" inis na sabi ko sa kanya

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now