CHAPTER 12

188 21 7
                                    


ASH POV

Its been a while since nagwalk out si Kuya at hanggang ngayon hindi pa rin sya umuuwi o tumatawag sa akin. Tinitext ko sya pero hindi sya sumasagot, sabi ni Mom tumawag daw sa kanya si Kuya at sinabi na okay lang naman daw sya at nasa condo lang sya.

Sina Mom naman ay pumunta na ulit sa ibang bansa dahil tambak daw ang trabaho nila ngayon

Wala naman na syang kailangang ikagalit eh dahil mukhang wala namang kasalan na magaganap

*Flashback*

Nakatulog na ako kakaiyak dahil sa nangyari.

Hindi kasi ako sanay na galit si Kuya, hindi ako sanay na ganon sya.

Hinidi pa rin sya umuuwi kahit lunch time na

Kasalukuyan akong nagkakape sa may veranda ng matanaw ko si Chris, mukhang wala din syang tulog dahil nanununtok yung eye bags nya

Umupo sya sa harapan ko at ipinatong ang kape na dala nya sa table

"Ash we need to talk, this whole scenario" bumuntong hininga pa sya "mahirap syang gawin, i mean kakakilala lang natin sa isa't isa tapos nagkasundo pala ang mga Lolo natin? Ang hirap lang paniwalaan ng lahat" he looked down

Halatang stress na stress sya sa nangyayari

"Are you against it?"

"Syempre against ako, bakit ikaw ba payag ka?

Uminom muna ako ng kape bago ko sinagot ang tanong nya

"Ahm for me kasi, mahalaga sakin kung anong gusto ni Lola, and I know ayaw nya na mabalewala ang napagkasunduan ng Lolo mo at ng Lolo ko, hindi naman sa sinasabi ko na payag na payag ako sa kasunduan nila pero pakiramdam ko kasi kailangan kong sundin ang nakasulat dun" paliwanag ko sa kanya

Muli syang bumuntong hininga, ganon ba kahirap para sa kanya na sundin ang kasunduan

"I guess mag kaiba ang point of view natin about dito, wala ka bang boyfriend or special someone?

Umiling ako

"I am not in a relationship right now at never pa, sabi kasi ni Lolo noon na kapag pumapasok ka daw sa isang relasyon at nagmahal ka, may portion sa puso mo na mapupunta sa taong yun kahit hiwalay na kayo. So hindi ko na maibibigay yung buong puso ko sa taong nakatadhana para sakin at mamahalin ako ng lubos kaya hangga't maaari ay iniintay ko ang taong para sakin, gusto ko kasi na kung sino ang una ay sya na rin ang huli

Kay sarap pa rin alalahanin ng mga payo ni Lolo

"Well kung hinihintay mo pala yung taong para sayo, bakit papayag ka sa kasunduan?" tanong nya at umilong uminom ng kape

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya, nahihiya ako na tingnan sya. 

Nagbaba ako ng tingin bago sumagot

"Bakit sa tingin mo ba, hindi ba ikaw ang taong yun?" Hininaan ko ang boses ko pero sapat pa rin yun para mapakinggan nya.

"Sa tingin ko ay hindi ako ang taong yun"

Napatingin ako sa kanya, hindi sya nagbibiro, seryosong seryoso ang mukha nya

Tiningnan ko sya na tila ba kinukwestyon ang kanyang sinabi

"Hindi ako ang taong mamahalin ka ng lubos dahil may mahal na akong iba

Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang binibitawan ang mga salitang iyon

Let Me Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon