CHAPTER 33

191 15 19
                                    

CHRIS POV

Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa hang over, di naman pala totoo na makakalimot ka dahil sa alak, lalo mo lang mararamdaman yung sakit

Akala ko pag nalasing ako mawawala sa isip ko lahat ng nangyari pero lalo lang naging malinaw sa akin ang lahat

Lalo lang naging malinaw na mahal ko sya, at patuloy ko pa ring naaalala ang kalokohan nya

Kung alam ko lang na hindi rin pala ako makakalimot edi sana hindi nalang ako naglasing, ansakit sa ulo

Napapikit nalang ako ng madiin dahil parang binibiak yung ulo ko sa sobrang sakit, hindi na ako uulit pa. Scam naman pala na makakalimot kapag naglasing

Bumangon ako para pumunta sa C.R. at maghilamos, isinahod ko lang ang ulo ko sa may faucet, ang sarap sa pakiramdam ng pagdaloy ng tubig sa buong mukha ko

Ramdam ko ang lamig nito pero hindi nito maapula ang nagliliyab na galit sa loob ko

Blanko akong nakatingin sa tubig habang inaalala ang nangyari kagabi

*flashback*

Nagulat ako ng bigla syang dumating, kitang kita ko yung pag-aalala nya, nahuhulog na naman ako sa emosyon ng mga mata nya

Hindi na ako pwede pang madala sa mga matang yun, akala ko kasi hindi nakapagsisinungaling ang mata pero dati na nyang ipinakita sa akin ang ganitong tingin pero pagpapanggap lang pala ang lahat

"Ano na naman bang kailangan mo, lakas din ng amats mo pati dito sinundan mo pa ako" inis na saad ko, hanggang maaari ay ayaw ko na pakitaan nya ako ng kabutihan dahil alam ko naman na walang katotohanan ang lahat ng ito

"Sinusundo lang kita, sinabi kasi nina Krist na andito ka daw at walang mag uuwi sayo" Lumapit sya sa akin at inalalayan ako

Walang dahilan para alalayan nya ako ng ganito dahil wala namang ibang nakatingin sa amin, hindi nya kailangang magpanggap

"Ashley, di mo kailangang gawin to, wala namang nakatingin eh, tumabi ka nga dyan ! di kita kailangan!" kumalag ako sa pagkakahawak nya 

Pero sadyang lasing na ako kaya hindi pa ako nakakalayo ay parang umiikot na naman ang paningin ko

Buti na lang at muli nya akong naalalayan 

"Hindi mo kaya, just let me help you, please" pakiusap nya, hindi na ako tumanggi dahil siguradong hindi ko rin naman kayang maglakad mag-isa

Isinakay nya ako sa kotse, kung saan man nya nakuha ang kotseng ito ay wala na akong pakialam 

Napapikit nalang ako matapos nya akong alalayan papasok, mas sumasakit ang ulo ko dahil sa liwanag 

Ramdam ko ang paglapit nya sa akin para lagyan ako ng seat belt, amoy na amoy ko ang pabango nya, sobrang lapit nya sa akin, gusto ko syang hilahin at yakapin pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko dahil nananaig pa rin ang galit na nararamdaman ko

Napamulat ako at sobrag lapit ng mukha namin sa isa't isa, paglingon nya sa akin ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na halikan sya

I kissed her slowly and passionately, 

Sana maramdaman mo na mahal kita, 

Sana maramdaman mo na nahulog ako sa kasinungalingan mo

Dahil baka ito na ang huling beses na iparamdam ko sayo ito

"I Love You Chris" dinig ko ang salitang binitawan sya 

Let Me Love You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon