CHAPTER 32

199 14 2
                                    

ASH POV

"Chris kain na"

Pero tulad noong mga nakaraang araw ay hindi na naman nya ako pinansin,

Simula noong nag-usap sila ni Yana ay ganito na ang maging pakikitungo nya sakin

Napangiti ako ng mapait at kumain ng mag-isa, ilang araw ng ganito at medyo nasasanay na rin ako sa malamig nyang pakikitungo sa akin, wala akong magagawa kundi ang tanggapin ang lahat

Aakyat na sana muli ako sa taas ng biglang dumating si Liam, nakalimutan ko na sasamahan ko nga pala sya ngayon sa ospital para patingnan si Liyan

Agad namang tumakbo ang bata papunta sa akin at agad na nagpabuhat

"Kumusta ang baby Liyan namin" binuhat ko sya at hinalikan sa pisngi, sobrang namiss ko ang batang to

Yumakap naman sya sa akin

"Ganon ba yun, si Liyan lang ang kinukumusta?" biro sa akin ni Liam 

"Magkasama lang tayo nung isang araw, napaka balat sibuyas mo naman" ganti ko sa kanya

"Liyan ano nga yung ipaparinig mo kay Ash?" tanong nya kay Liyan at lumapit sya sa aming dalawa, naguguluhan ako sa sinasabi nya pero matyaga lang syang nakatingin sa bata at iniintay ang sasabihin nito

"Ma-ma" gulat akong palingon kay Liyan

"Baby isa pa nga, parinig nga ulit" excited na sabi ko sa kanya, antagal ko ng itinuturo sa kanya ang salitang yun kaya sobrang saya ko na marinig yun

Nahihirapan pa syang bumigkas dahil medyo may problema sa dila nya kaya bumubwelo pa sya

"Ma-ma" niyakap ko sya ng sobrang hipit 

"Pakinig mo yon? Ako ang nagturo sa kanya nyan" pagmamalaki sa akin ni Liam

"Ang lakas mo den naman eh ako ang nagturo sa kanya ng ganyan nung wala ka, wag mong solohin, may ambag kaya ako sa pagtuturo sa kanya" pagkontra ko sa kanya

Buti nalang talaga dumating tong mag-ama na to, kahit papaano ay nawala ang stress ko sa pakikitungo sa akin ni Chris

"So ano ready kana ba, yan na ba suot mo? okay lang naman sakin na mukha kang Yaya ni Liyan" pang-aasar sa akin ni Liam

"Hoy Mr. Chavez ang kapal naman ng mukha mong sabihan ako ng mukhang katulong, kahit ganito ang suot ko, MAGANDA AKO!,

Kahit magulo ang buhok ko, MAGANDA AKO!

Kahit hindi pa ako naliligo MAGANDA AKO!

Ikaw kapag di ka naligo at di ka nakaayos Gwapo ka ba?" pagtataray ko sa kanya

"Oo" aba ang lakas naman talaga ng tiwala sa sarili ng lalaking to

"Wow ah, hiyang hiya naman ako sa confidence mo" tugon ko na parang di makapaniwala sa sinabi nya

"Oo maganda ka kahit ganyan ang suot mo" nagulat ako sa sinabi nya

"Maganda ka kahit magulo ang buhok mo at maganda ka kahit hindi ka pa naliligo" seryosong sabi nya habang diretsong nakatingin sa akin

Kahit tapos na syang magsalita ay hindi nya inalis sa akin ang paningin nya, dati napakadaling basahin ng iniisip nya mula sa mga matang yan, pero ngayon wala akong mabasang kahit ano. 

Mukhang wala syang planong magsalita, kaya ako na ang bumasag ng katamikan 

"Sige maliligo na ako para makaalis na tayo, natawagan ko na si Khai, nasabihan na nya si Dr. Three, sya yung titingin kay Liyan" ibinigay ko na sa kanya si Liyan

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now