CHAPTER 37

199 13 0
                                    

AMOR POV

Walang mapaglagyan ang kaba na nararamdaman ko

Posible kayang bumalik sa ala-ala ni Ash ang lahat?

"Hello Dr. Smith, remember the case of my granddaughter? I think we have a problem"

Problemado kong saad sa kausap ko

"I think we should set an appointment once she gets here, Okay. Thank you

Pagkatapos kong tawagan ang Doktor ay agad kong idinial ang number ng anak ko

"Hello Mike"

"Yes Loves, napatawag ka" dinig ko pa ang ingay mula sa meeting na dinaluhan nya

"Importante ba yang meeting na yan?" May awtoridad na tanong ko

"Hindi naman masyado, patapos na rin, Bakit? Is there something wrong?"

"We need to talk about Ashley, sa tingin ko ay may naaalala na sya

Dinig ko naman na may kinausap sya sa kabilang linya, nawala din ang maingay na tunog ng background

"Pano nyo nasabi na may naaalala na sya, I thought gumana yung treatment? Bakit biglang ganito?" bakas ang pag-aalala at kaba sa boses nya

"Hindi ko rin alam, that's why dapat mapatingnan agad natin sya kay Dr. Smith. Ayaw ko ng maulit pa yung dati, nawala na sa atin si Azhley at hindi ko hahayaan na mawala rin sa Atin si Ashley

"Loves, kumalma ka. Hindi makakabuti kung magpapanic tayo kaagad, we need to be sure kung anong gagawin natin" halatang pinakakalma rin nya ang kanyang sarili

"I will book an appointment with the doctor at papupuntahin ko na dito sina Ash, sumunod na kaagad kayo dito ni Natalie, at ikaw na ang bahalang magsabi kay Leo

Kahit anong mangyari ay hindi na pwedeng bumalik sa ganoong state si Ashley, nagkamali kami noon, at hindi na dapat png maulit ang pagkakamali na yun

"Take care and wait for us" saad nya bago tuluyang pinatay ang tawag

Hindi ko alam kung tama ba o mali ang desisyon na ginawa namin 15 years ago, pero noong mga panahong iyon ay tingin namin ay yun ang makabubuti para sa lahat

*Flashback*

Pagkatapos naming malaman ang nangyari ay agad na kaming nagtungo sa ospital

"Sorry Mrs., pero isa lang po sa kanila ang nakaligtas"

Parang bumagsak bigla ang mundo namin dahil sa sinabi ng doktor, wala pa man syang sinasabi kung sino ang nakaligtas ay sobra sobra na kaagad ang paghihinagpis namin

"Sino Doc?" lakas loob na tanong ni Mike

Alam kong napakahirap para sa kanilang mag-asawa ang nangyari, madalas silang walang oras sa kambal lalo na kay Ashley

"Kasama pong nagdala dito ay yung driver nyo at sya na rin po ang nagbigay samin ng ibang impormasyon, if tama po ang names na ibinigay nya, ang nakaligtas po ay si

Pakiramdam ko ay bumagal ang ikot ng mundo, lahat kami ay nakatutok sa pangalang sasabihin ng doctor

Ashley Gomez"

"No, Azhley, No!" hindi na napigilan pa ni Natalie ang kanyang pangungulila sa bata

Alam namin na, one day ay basta nalang kukunin sa amin si Azy, pero hindi namin inakala na sa ganitong paraan , hindi namin inasahan na magiging ganito kaaga

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now