CHAPTER 44

176 15 0
                                    

ASH POV

Pagkatapos ng nangyari ay hindi na namin nakita ulit si Yana

Siguro nga ay hindi pa talaga sya handa na harapin yung katotohanan, kasi ramdam ko naman na mahal na mahal nya si Chris.

Kaya nga nya nagawang siraan ako, pero kahit na ganon ay wala ako itinatagong galit laban sa kanya, mas pipiliin ko na lang na intindihin ang dahilan nya kaysa naman araw-araw kong ibaon ang sarili ko sa galit

Bispiras na ng pasko kaya wala na rin kaming pasok ni Chris, and ngayon din dadating sina Loves, pero baka hindi na sila dumiretso dito dahil sa Resort naman kami magcecelebrate

"Excited ka na ba?" tanong sa akin ni Chris habang isinasarado yung zipper ng bag nya

"Oo naman, namiss ko silang lahat. ikaw ba excited ka na muling makita si Kuya?" biro ko sa kanya habang isinasarado na rin ang bag ko

Nagkibit balikat naman sya "Hmmmm, okay lang na magkita kami pero okay lang din na hindi

Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ay bitter pa rin ang kapatid ko, hindi nalang sya humanap ng sarili nyang lovelife at baka sakaling maunat na yung palagi nyang nakakunot na noo

"Isusumbong kita kay Kuya

Kinuha ko na ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto, pero mas mabilis pa rin talaga sya sakin kaya agad nyang nahawakan ang kamay ko at hinila nya ako papalapit sa kanya

Ikunulong nya ako sa yakap nya habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin

"Kaya mo akong isumbong?" inilapit pa nya ang mukha nya sa mukha ko

"Oo kaya ko" mayabang na sagot ko sa kanya

Akala ata ng lalaking ito ay matatakot ako sa mga paandar nya

"Aba lumalaban ka na ah" sabay ngisi nya sa akin

Akmang hahalikan na sana nya ako ng biglang kumatok si Ate Tina

"Hoy kayong dalawa, bilisan nyo na dyan kayo nalang ang iniintay. Nandon na ang pamilya ni Ash kaya bilisan nyo, baka magalit na naman yung kapatid nyang leon kapag di nya agad nakita si Ash"

Pareho kaming natawa ni Chris kay Ate, halos lahat talaga sila ay takot kapag nagagalit si Kuya, well hindi ko naman kasi sila masisisi dahil kahit ako ay takot kapag nagagalit yun

"Wala na si Ate, pwede na nating ituloy" hahalik na sana sya pero iniharang ko ang kamay ko sa labi nya

"Bahala ka dyan" itinulak ko ang ulo nya at nauna ng lumabas

Okay na sana kanina dumating lang si Ate

Napatawa naman ako sa naisip ko, at napailing na lang

Halos kalahating oras din ang byahe bago kami nakarating sa Resort na pagmamay-ari ng kaibigan ni Loves

"Hello po, Welcome to Potsie Resort. It's our pleasure to have you here" bati sa amin ng manager nila pagkapasok palang namin sa loob

Agad din naman kaming bumati sa kanya, sinamahan nya kami hanggang sa makapasok kami sa loob at mailagay ang gamit namin sa kwarto. 

Akala ko ay magkasama na naman kami sa kwarto ni Chris, pero syempre dahil nandito si Kuya, sigurado ako na hindi yun pumayag, kaya sya ang kasama ko sa kwarto

"Ash wag mo akong mamimiss ah" madramang saad nya habang pumapasok sa room nila ni Ate Tina na katapat lang ng kwarto namin 

"Baliw ka talaga, bilisan mo na dyan para makababa na tayo" pumasok na ako sa kwarto ko at iniayos ang gamit ko

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now