CHAPTER 42

173 14 0
                                    

ASH POV

Pagkalabas namin sa Airport ay sinalubong kaagad kami ni Kuya Jun

"Ako na po ang magbubuhat ng mga bagahe nyo"

Kinuha nya ang maletang dala dala ko

"Pati yang sa iyo Chris ako na ang magdadala"

"Naku kuya wag na po kaya ko na naman" pagtanggi ni Chris

Pero mapilit talaga si Kuya "Ako na para mahawakan mo ng maayos ang kamay ni Ash" panunukso pa nito

Kaya walang nagawa si Chris kundi ibigay sa kanya ang bagahe

Nagkatinginan naman kami at natawa nalang sa panunukso ni Kuya

Pagkauwi ay naabutan namin si Lola Anita sa may living room

"Lolaaaaaa!"

"Ashley hija, okay ka lang ba? may mga sintomas pa ba? kailangan ka bang bantayan palagi? anong sabi ng doktor"  sunod sunod na tanong nya sa akin

Inalalayan ko ulit si Lola para makaupo sya "Lola wala po kayong dapat ipag alala, kontrolado ko na po yung sitwasyon ko ngayon. Hindi na po ako ulit magagaya sa dati

Nagulat ako ng mapansin na umiiyak na pala sya "Lola, wag na po kayong umiyak"

"Kasi nakita ko kung anong ginawa mo sa sarili mo noon, hanggang maaari ay ayaw ko ng maulit pa yun, hindi ko na kakayanin na makita ka na magkaganon ulit" Sobrang emosyonal ni Lola, ngayon ko narealize kung gaano kalala ang nangyari sa akin noon

Kahit naman ako ay hindi na papayag na maulit yun muli

"Lola thank you po sa pag-aalala, magtiwala po kayo sa akin, wala na pong mangyayari na ganon

Ikinuha naman sya ni Chris ng tubig na maiinom,dahil nahihirapan syang kumalma

Mahal na mahal talaga nya ako dahil hindi naman sya magkakaganito kung hindi eh, 

"Lola wag na po kayong mag-alala, babantayan ko naman po ng maayos si Ash" sabay akbay sa akin ni Chris

Di naman kami nakaligtas sa mapanuksong mata ni Lola

"Sige hijo,aasahan ko yan ah, alam ko naman na hindi mo pababayaan si Ash

Natutuwa akong tingnan sila, halos lahat sa pamilya ko ay ipinagkatiwala na ako kay Chris, mukhang si kuya nalang ang bitter

Pagkatapos noon ay umakyat na kami sa taas para magpahinga, hindi na kami kumain dahil kumain na kami sa airport kanina 

"Wala ba akong GoodNight kiss?" nakangusong saan ni Chris ng nasa tapat na kami ng kwarto namin

"Wala" mataray na sagot ko

Ngumuso naman sya at dirediretsong pumasok sa kwarto ko, kaya agad ko syang sinundan

"Bakit dito ka pumasok, sa kabila ang kwarto mo" puna ko sa kanya

"Ano namang masama na dito ako matulog, bawal ba?" at nauna pa syang humiga sa kama

"Eh may kwarto ka nga, bakit dito ka tutulog pwede naman don" sabay turo ko pa sa kwarto nya

"Sige doon ako tutulog" bumangon sya at naupo sa kama

"Yan madali ka naman palang kausap" tumalikod ako sa kanya at iniayos ang gamit ko sa cabinet

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang yakap nya at parang kinikiliti ako ng hininga nya

Let Me Love You [COMPLETED]Where stories live. Discover now