Chapter 48
Bago pa man makarating ang mga kalaban sa pasilyo kong na saan kami agad kong pinindot ang pulang button sa katabi ng rehas na pinto do'n sa kulungan ni Ted, nagtaka siya at nagulat sa 'king nagawa pero wala na akong oras para tanungin o ipaliwanag pa ang kailangan niyang gawin. Hindi pa rin siya nakibo sa kinatatayuan niya at nakatingin lang sa kanya. Kaya hinila ko siya palabas do'n at sobra siyang nagulat sa 'king ginawa.
"A-anong ginagawa mo?"
"Kailangan mo kong tulungan kahit na anong mangyari," wika ko kahit nakatuon ang atensyon ko sa paparating na kalaban.
Kinuha ko ang mahabang lamesa, mabigat dahil gawa 'yon sa bakal at pinanghawak ko ang mga kamay ko ro'n. Buong lakas kong itinulak ang bakal na lamesa at bigla na lang lumitaw ang mga kalaban. Napasigaw ako sa bigat nu'n pero mas binilisan ko pa. Nagulat sila at nagtaka sa 'king ginawa ngunit huli na ng mapagtanto nila. Bago pa man sila makalayo o makaganti sa 'kin dalawa ang natamaan ng bakal na lamesa mula sa mga sundalong dumating. Sa lakas ng impact nu'n agad silang natulak, hindi sila agad nakahawak sa railings nong tumilapon sila, kasabay ng pagbasag ng salamin na bakal at pagbagsak nila sa ika-unang palapag ng sanctuary. Rinig na rinig ang paglagapak nila sa sahig.
Humarap naman ako sa mga kalaban ngunit si Ted naman ang lumaban sa kanila. Seryoso lang siyang nakatitig sa mga ito at sa isang iglap sila na mismo ang nagbabarilin sa mga kakampi nila. Hindi nila alam na nagamitan na sila ng kapangyarihan ni Ted gamit ang isip nito..
Hinila ko na si Ted palayo ro'n at nakita ko na lang ang ilang nagtatago dahil sa takot na masaktan silan kahit na null sila.
"Lumaban kayo, gamitin ninyo ang kapangyarihan ninyo bago tayo ang ubusin nila!" Sigaw ko sa kanila at sana naintindihan nila ako.
Sa isang pasilyo na daanan namin nakita namin ni Ted na pinagtutulungan ng dalawang sundalo ang isang bata walang kamuwang-muwang. Agad kong hinila ang isa at inundug sa pader na bakal ngunit nagawa pa niyang manlaban kahit na nagdurugo na ang ulo niya. Hinila niya ako at kinulong ng pagkakasakal sa kanyang braso. Tinapakan ko ang paa niya at marahas na inundug ang sarili kong ulo sa kanya. Napabitaw siya at bumgasak sa sahig. Nakita ko na lang ding may black ang eye ang isa at bulagta na sa sahig.
Agad kong pinindot ang pinakamalapit na emergency alert system ng buong sanctuary. Ilang segundo lang na lalong umingay ang alert system sa buong gusali at mas lalong nagkagulo ang mga null. Humarap ako kay Ted at tumango sa kanya.
"Tawagan mo sila at utusan na lumabas ng gusali na ito," seryoso kong wika sa kanya.
Tumango naman siya at ipinipikit ang kanyang mga mata na para bang nag-concentrate siya sa kanyang gagawin. Marami-rami ang kailangan niyang kausapin sa pamamagitan ng isip at ilang minuto lang ang makalipas nong marinig ko rin siya sa 'king isip.
'Lahat ng makikitang sundalong maaring mapanakit sa inyo ay maaring kalabanin at gamitin ang pagiging null ninyo. Iligtas ang bawat isang null at lumabas na kayo rito. Magmadali!'
Idinilat ni Ted ang mga mata niya at bago pa man siya mapalingon sa 'kin bigla na lang siyang bumagsak sa sahig. Sobrang bilis ng pangyayari at sobra akong nagulat. Nakita ko na lang na may patalim na nakatusok sa kanyang sikmura at agad akong napalingon kong saan 'yon nanggaling, kay Karina. Nakatayo siya sa dulo ng pasilyo at nakita ko na lang kong paano lumabas ang mga patalim sa kanyang kamay. Narinig ko na lang si Ted na sumisigaw sa sakit.
Agad ko siyang dinaluhan at kinuha.
"Anong ginawa mo sa kanya?" Sigaw ko kay Karina na papalapit sa direksyon namin.
Muli kong sinulyapan si Ted at namumutla ang mukha nito. Patuloy ang pag-agos ng kanyang dugo. Alam kong amy galit ako sa kanya pero hindi sa ganitong paraan gustong makaganti sa ginawa niya sa 'kin. Gusto kong pagbayarin niya ang ginawa niya sa magandang paraan, hindi ang mamamatay.
"Hindi kailangan mabuhay ang mahihina at nagpapadala sa emosyon Charlie. Hindi sila nababagay sa mundo natin na matira-matibay." Ngisi niyang wika.
"Pa-tawad... Patawad, u-malis k-a n-a," nauutal na wika ni Ted habang bumubulwak ang dugo sa kanyang bibig.
Dahan-dahan akong tumayo nong binitawan ko si Ted. Hinarap ko siya at sa pagkakataon na ito wala na talaga akong awang nararamdaman sa mga null na katulad nila. Hindi ko kailangan lumapit sa kanya para lang lumaban at malaki na rin ang pasasalamat ko na ganito ang kapangyarihan ko. Pinakiramdaman kong uli ang pagdaloy ng kapangyarihan sa 'king katawan. Bigla na lang siyang tumigil at napaawang ang labi. Mababakas sa kanyang mukha ang sakit na nararanasan niya ngayon katulad ng ginawa niya sa mga biktima niya. Ipaparamdam ko sa kanya kong gaano kasakit ang kanyang kapangyarihan bilang null.
Nabitawan niya ang mga hawak niyang patalim at napasulyap sa 'kin na lumuluha ng dugo.
"Ta-tama na!" Sigaw niya hanggang sa bumulagta siya sa sahig.
Dahan-dahan napupunit ang kanyang balat dahil sa mga tusok galing sa loob ng kanyang katawan. Hanggang sa tuluyan na siyang nalagutan ng hininga na nakalabas ang mga patalim sa kanyang katawan, sa mukha at mga mata. Nong mahimasmasan ako at makita siyang naliligo sa sarili niyang dugo. Muli kong binalikan si Ted ngunit sa pagkakataon na ito wala na siyang malay. Bigla na lang tumulo ang luha ko at nanghihinayang dahil maari pa siyang magbago.
"Ted," tinawag ko pa ang pangalan niya at nagbabakasakali ngunit wala na talaga akong maramdaman na pintig ng kanyang pulso.
"Charlie!"
"Ate!"
Lumingon ako kung saan nang gagaling ang mga pamilyar na boses na 'yon. Nakita ko na lang si Conan na patakbong papalapit sa 'kin, si Alto, si Ian at Camille na puros may mga galos sa katawan at mukha nila. Hindi agad ako nakaimik nong makita ko silang papalapit sa 'kin lalo na nong yakapin ako ni Conan. Mas lalo gusto kong maiyak kasi nakuha nila si Conan ng ligtas.
"Halika na! Kailangan na nating umalis dito!" Sigaw ni Ian.
Tinulungan nila akong makatayo at nakita ko na lang ang sarili kong hinihila nila papalayo kay Ted. Sa isang iglap wala na akong nagawa lalo na nong pumasok kami sa portal na gawa ni Ian. Lumabas kami sa kakahuyan, nagkalat ang mga null, muli kong nakita sila Jordan ngunit wala sila Gaile, ang mas malala pa ro'n napapalibutan kami ng mga sundalo na galing sa camp at nakatutok ang mga baril nila sa amin.
Mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Conan, nagpapakiramdaman kaming lahat at wala man lang gumagalaw. Tanging mabigat na paghinga, mabilis na tibok ng puso ang nararamdaman ko, takot dahil pakiramdam ko kahit na anong gawing pagtago at pagtakbo namin palayo sa kanila. Mahanap at mahanap nila kami. Bigla na lang nahawi at nagsigilid ang mga sundalong nagbabantay sa amin nong may papalapit sa amin.
Nakita ko na lang si Mrs. Ramirez na may dugo sa kanyang kanang pisngi at may hawak-hawak na ice bag na nakapatong sa ulo niya. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin at nagulat na lang kami ng bigla niya akong hilahin sa damit ko palayo kila Conan.
Nabitawan ko si Conan sa kamay nong humarang agad ang mga sundalo para hindi makalapit ang grupo nila Jordan. Lalong nagkagulo ang lahat nong marahas na itinulak ako ni Mrs. Ramirez sa lupa. Napasubsob ako ro'n at hindi agad nakaimik. Naikuyom ko ang mga kamao ko sa lupa sa panggigigil sa kanya.
-----
Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Wattpad mababasa ang kwento na ito. Kong malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad sa totoong author nito. Maraming salamat.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Project Null
Научная фантастика(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
