Chapter 25

381 23 8
                                        

Chapter 25

Tapos na ang party, madaling araw na’t gising pa rin ako, hindi ako makatulog, naalala ko na naman ‘yong nangyari kanina, ang daming tao at nagawa n’ya ‘yon, mali, nagawa naming ‘yon, kaya agada kong tumakbo at nagtago, hindi na ako nakapagpaalam, dumiretso ako sa kubo para matulog pero hindi ko magawang makatulog at hindi rin ako dinadalaw ng antok, pabaling-baling ako sa kama.

May ilan pang naglilinis at nag-aayos ng kalat pero halos lahat ay natutulog na at nagpapahinga, kumawala ang buntong-hininga ko at bumangon, anong gagawin ko?

Sinilip ko sila Camille, Gaile at Jesse sa mga kama nila at mahimbing na natutulog.

Tuluyan na akong umalis sa kama, nag-unat-unat ako, ano kayang iniisip ni Jordan? Nakakahiya ako, bakit hindi ko man lang s’ya tinulak? Ano ginusto ko rin? Para akong tanga, ang init, kaya tuluyan akong lumabas ng kubo, niyakap ako ng malamig na simoy ng hangin.

Tinanaw ko ang ilang naglilinis sa malayo ng mga kalat, naningkit ang mga mata ko nang may matanaw akong pamilyar na mukha sa kumpulan ng mga naglilinis din, ang pamilyar n’yang fedora hat, bumaling din s’ya sa’kin, totoo ba ‘tong nakikita ko, si Night ba ‘yon?

Kinusot ko ang mga mata ko at muling tinanaw ang puwesto n’ya, ngunit wala na s’ya, bigla akong kinabahan, hindi ako nakuntento naglakad pa ako papalapit, nandoon ba ‘yong grupo n’ya? Hindi maari, biglang nag-echo sa isip ko ‘yong sinabi ni Jacob sa’kin.

“Ang guild ay hindi basta-basta makikita sa mata ng normal na tao, may nakapalibot na barrier or harang sa palibot nito, habang nabubuhay si Nyra, nanatiling malakas ang barrier at hindi ‘yon basta-basta masisira, hindi ka rin makakapasok sa barrier ng ga’nun kadali, kasi dumikit lang ang balat ng isang normal na tao sa harang pwede ka nang mamamatay, so sabihin mo nga sa’kin pa’no ka magiging normal na tao kong nakapasok ka ng kadali sa guild?”

Maaring mga null lang ang pwedeng makapasok sa loob ng guild, mas lalo akong kinabahan, maari kayang mahanap nila kami ng ga’nun kadali?

Nagulat ako nang kumulog ang kalangitan, biglang bumuhos ang ulan pero nanatili akong nakatayo sa puwesto ko, habang ang ilan ay nagsisitakbuhan para hindi mabasa, sila Conan, tama sila Conan.

Agad akong tumakbo papunta sa kubo nila na medyo malayo sa’min, ‘yong pagmamadali ko ay naging takbo, basang-basa ako at wala na akong pake alam na tumalsik ang putik sa sweatpants ko.

Malapit na akong makalapit sa sa kubo nila nang biglang humarang si Ted, hindi ko alam kong saan s’ya nang galing, nakatitig s’ya sa’kin, hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha n’ya.

“Ted?” Tawag ko sa kanya, “nakita ko sila---”

“Sorry.”

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi n’ya, “bakit ka nag-sorry?”

Hindi s’ya sumagot, lalo akong kinabahan, ang daming sinaryong pumasok sa isip ko, “sumagot ka, bakit ka nag-sorry?!”

Hindi s’ya sumagot, bagkus isang ingay mula sa mansion at ilang kubo, mga sigawan, ang kasunod nu’n nagkalat ang mga kabataan sa labas kahit na umuulan, biglang nagliyab ang mansion, kanya-kanyang takbo ang lahat, nakita ko si Celeste na isa-isa pinapatamaan ng sandata n’yang nang gagaling sa mga palad ang ilan na makita n’ya, bigla na lang bumubulagta sa lupa, lalong lumakas ang ingay, may ilang mga batang nag-iiyakan, nakita ko si Jacob nakadapa sa lupa habang nakatumba ang wheelchair n’ya, sinusubukan s’yang tulungan ni Nyra. Samu’t saring null power ang nakita ko, pero parang mas malakas pa rin ang grupo ni Percival.

May ilang nakikipagsuntukan kila Billy at Percival pero lahat ‘yon ay kayang patumbahin ng dalawa. Ang isang napakatahimik at napakatiwasay na lugar ay naging mala-impyerno nang makarating sila.
Hindi ko na pinansin si Ted pero hindi pa ako nakakalayo nang bigla n’ya akong higitin, humarap ako sa kanya, agad kong hinila ang kamay ko sa kanya kaya nabitawan n’ya ako halos sumubsob ako.

Project NullWhere stories live. Discover now