Chapter 1
"Happy birthday to you, happy birthday to you!" Sabay naming kanta ng mama habang nasa harap namin si papa at parehas naming suot din n'ya ang birthday hat.
Isang maliit na strawberry cheesecake ang nakalagay sa gitna ng lamesa habang nakapalibot ang ilang pagkaing in-order namin sa fast food kong na saan kami.
Wala kaming pakilam kahit na may ilan ding costumer sa fast food na 'yon ang napapatingin sa table namin, kaarawan ng papa ko ngayon, pinilit pa s'ya ni mama na mag-day-off para lang dito.
Nang matapos ang kanta, tinignan ni papa si mama na para bang 'yon din ang una nilang pagkikita at saka s'ya tumingin sa'kin, inabot n'ya ang ulo ko para guluhin ang buhok ko, napa-pout naman ko.
"Nag-abala pa kayo," sabi n'ya.
"It's traditional hubby, alangan naman makalimutan naming handaan ang pinakagwapo kong asawa, diba Charlie," sabay tingin sa'kin ni mama.
"Tama si mama," saka ko tinignan si papa, "diba sabi mo palaging tama si mama at hindi s'ya nagkakamali."
Bigla na lang humalakhak si papa dahil sa sinabi ko at napa-iling.
"Sige na pa blow the candle na," excited kong wika.
"Oo na, oo na," ngiting sabi ni papa.
Pero bago pa man gawin ni papa 'yon, lahat kami napa-sulyap sa labas pati rin ang lahat ng nasa fast food napabaling sa labas, may iilang napatayo dahil sa ingay na naririnig namin sa labas, may ilang nagtataka rin sa labas nang makita nila ang nagsisitakbuhan at nagkakagulo.
Sabay-sabay kaming napa-sigaw sa gulat nang makarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril, nanigas ako sa kinauupuan ko, sa mura kong edad hindi ko alam kong anong gagawin ko.
Palakas ng palakas ang ingay at mga putok ng mga baril, papalapit ng papalapit sa'min, nagsisitakbuhan na ang mga tao sa labas, ga'nun na rin ang ilang costumer ng fast food, nakikisabay na rin sila sa dagsa ng tao.
"Umalis na tayo rito at baka madamay tayo sa kaguluhan," wika ni papa.
Tumayo si papa at inalis ang birthday hat na suot n'ya, napakaseryoso ng mukha n'ya pero nanginginig ang mga kamay n'ya, binuhat na n'ya ako, tumayo na rin si mama ngunit bigla s'yang napahawak sa bilugan n'yang tyan, buntis si mama, kahit anumang oras pwede na s'yang manganak, pinagpapawisan s'ya.
Do'n ko nakita sa mga mata ni papa ang takot, "Kristel ayos ka lang ba?"
Nanginginig ang kamay ni mama'ng naka-hawak sa lamesa para suportahan ang sarili.
Tumango-tango s'ya, habang hawak pa rin n'ya ang tyan na kumikirot, "oo, labas na susunod ko."
Hindi nakipagtalo si papa at lumabas s'yang kasama ako habang naka-sunod si mama sa likuran naming iika-ika maglakad.
Hindi ko alam kong ano ba talaga ang nangyayari pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang mga oras na 'yon.
Nakikipag-siksikan na kami sa mga taong gusto nang makalabas ng mall, magulo, maingay, may ilan nang nasasaktan dahil sa pagmamadali ng lahat, nang biglang may makatulak kay mama, nagulat ako sa nangyari ni hindi man lang s'ya tinulungan, lalo s'yang napasigaw sa sakit.
"Kris!" Tawag ni papa kay mama, binaba n'ya ko at nilapitan si mama na nasa sahig at nahihirapan.
"Punyeta unahin mo ang anak mo!" Sigaw ni mama.
Naiiyak na ako sa nangyayari, "papa?"
Tinignan ako ni papa at muling binalik ang tingin kay mama, hindi n'ya siguro alam kong anong gagawin, kong sino ang uunahin n'ya sa'min, nasa gitna kami ng nangkakagulong mga tao.
YOU ARE READING
Project Null
Science Fiction(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
