Chapter 2
Maaga kong gumising kahit na late na akong naka-tulog, kailangan ko pang paglutuan ng almusal ang kapatid ko bago kami pumasok, grade 5 si Conan at isa naman akong second year college sa forestry, hindi ko nga alam kong bakit ito ang kinuha ko.
Dahil nasa casa pa ang kotse ko, kailangan naming mag-commute ni Conan, kailangan ko s'yang sabayan maglakad papunta sa school nila na may ilang metro sa'min bago ako sumakay para pumasok.
Naka-hawak ako sa bag n'ya habang naglalakad kami, malapit na kami sa tawiran nang mapansin kong red na ang stoplight, kasabay ng ilan huminto rin ang ilan sa sidewalk, naka-hawak pa rin ang kay Conan.
Naririnig ko ang busina ng kotse sa kalsada at harurot ng mga iilang naglalakihang truck, pati na rin ang mga daldalan ng mga kasabayan namin sa sidewalk tungkol sa mag-jowang sinulot din ng isang batang artista at tungkol sa isang sikat na basketball player na kailangan magpa-times two drug test.
Napansin kong busy si Conan sa kanyang phone kaya hinayaan ko na lang s'ya.
May mga nagsisigawan sa likuran namin, may ilang napasulyap do'n, kaya sinundan ko rin kong saan sila naka-tingin, pero sobrang bilis ng pangyayari.
"Tabi!!!" Sigaw ng lalaki na hindi ko kilala, mabilis s'yang tumatakbo papalapit sa'min habang may hawak na bag na pambabae.
"Magnanakaw!" Sigaw ng dalawang pulis na humahabol sa kanya.
Gumilid ang mga tao at walang gustong makialam sa nangyayari, bigla n'ya kaming naitulak ni Conan kaya nabitawan ko s'ya, napaupo naman ang kapatid ko sa lupa habang ako napahawak sa kong kaninong hindi ko kakilala dahil nawalan ako ng balanse.
Patuloy sa pagtakbo ang lalaki palayo sa mga pulis kahit na maraming humaharurot na kotse sa kalsada.
"Ang cellphone ko!" Sigaw ni Conan.
Napatingin ako sa cellphone n'ya na nasa kalsada tumalsik sa pagkakatulak sa'min ng lalaki.
"Conan wag---"
Ngunit huli na ang lahat, hindi ko s'ya nahabol nang tumakbo pa s'ya patungo sa cellphone n'yang nasa kalsada, nanlaki ang mga mata kong naka-tingin sa kanya.
Nanginginig ang katawan ko sa takot, pinapagitnaan s'ya ng mga humaharurot na kotse, hindi s'ya maka-alis sa puwesto n'ya, gusto kong dumiretso ngunit napapaatras ako sa tuwing may paparating na kotse.
Sinulyapan ko ang stoplight ang tagal mag-green, tinignan ko ang mga taong nasa paligid ko, wala silang pakialam kong mamamatay man 'yong kapatid ko, hinayaan lang nilang picturan at video-han.
Mga walang kwenta! Sigaw ko sa utak ko.
Naglakas na ako ng loob na tumakbo para tulungan ang kapatid ko.
"Naku 'yong babae!" Sigaw ng babaeng kolehiyala.
Punyeta kayo! Sigaw uli sa isip ko.
Nang maka-lapit ko sa kapatid ko, hingal na hingal akong yinakap s'ya, "jusko," bulong ko, nanginginig pa rin ko, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Isang malakas at nakakabinging busina ng truck ang aking narinig, napasulyap ako sa kanan ko at isang ten-wheeler truck ang papalapit sa'min, nanlaki na ang mga mata ko.
"Ate," napakapit lalo si Conan sa'kin, hindi ako maka-kilos sa puwesto ko parang nabato ang mga paa ko.
Pinikit ko ang mga mata ko at hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kapatid ko.
Sa ilang minutong pagkakayakap kay Conan at naka-pikit, wala akong naramdaman na kahit na anong sakit sa katawan ko, ganito ba 'yon pagmamamatay, parang wala lang?
STAI LEGGENDO
Project Null
Fantascienza(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
