Chapter 31
(Jesse)
Ngumiti ako kay Camille para sabihing nagpapasalamat ako sa kanya para tulungan kami kay Conan, inaapoy s'ya ng lagnat, wala akong magagawa kong di ang pagalingin s'ya ng bahagya sa sakit n'ya, napapagod na rin ako sa paglalakbay kaya hindi ko na kaya, tinawag namin s'ya para tulugin ako ni Camille na kaya magpatulog.
Ngitian din n'ya ako pabalik, saka s'ya tumabi kay Ian na nakayukong nakasandal sa puno.
Isa-isa kong pinagmasdan ang mga kasama namin, may ilang mukhang hindi pamilyar na kabataang napasama sa'min.
Napatingala ako sa madilim na kalangitan nang maramdaman kong may pumatak na tubig mula sa ulo ko, hanggang sa sunod-sunod na patak at hanggang sa lumakas.
"Lintik naman oh! Kong minamalas ka nga naman!" Bulyaw ni Gaile habang tinatakpan n'ya ang ulo n'ya.
"Dalian ninyo!" Tumakbo na naman kami paalis sa puwesto namin, kailangan naming maghanap ng matutuluyan o kahit na ano na hindi kami mababasa o magkakasakit.
"May kweba ro'n!" Napasulyap kaming lahat nang ituro ni Althea ang isang direksyon, tama nga s'ya may kweba sa di kalayuan.
Nagmadali kaming tumakbo patungo ro'n.
Isa-isa kaming pumasok do'n, hanggang sa tuluyan na kaming magkumpulan sa loob, lalong lumakas ang ulan sa labas at lumamig ang hangin, napakadilim naman sa loob.
Bigla na lang lumiwanag at pare-parehas kaming napasulyap kay Althea na may apoy sa mismong palad n'ya, 'yon ang kapangyarihan n'ya bilang Null, apoy, muli kaming nagkaroon ng liwanag pero hindi ko alam kong magkakaroon pa ba kami ng liwanag sa buhay namin.
"Sa tingin ko kailangan nating maghanap ng mga kahoy para kahit papaano magkaroon tayo ng pang laban sa lamig," suwestyon n'ya.
Walang nag-aksaya ng oras at isa-isa silang naghanap ng kahoy sa loob ng kweba, maliit man o malaki na pwedeng magamit, madalas na si Gaile ang nagiging lider sa grupo namin sa paglalakbay pero halos lahat sila nagbibigay ng maitutulong.
Pinag dikit-dikit nila sa gitna ang mga kahoy na nakuha nila at saka ito pinaapuyan ni Althea, salamat sa kanya nagkaroon na kami ng liwanag, hindi din matatakot ang ilang batang kasama namin.
"Gutom na ako, jusko," narinig kong sabi ni Alto sa tabi ko, napasulyap s'ya sa'kin, "ikaw ba Jesse, gutom ka na rin ba?" Tanong n'ya na may ngisi sa labi n'ya, hindi man n'ya sabihin pero nararamdaman kong sobra na s'yang napapagod, lahat kami.
Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.
Napasulyap ako kay Quinn na nakapikit na sa isang tabi habang yakap-yakap si Conan, kamusta na kaya si Charlie? Ang ate n'ya, sana naman ligtas s'ya o walang nangyaring masama sa kanya, pero may sinabi si Alto sa'min na s'yang kinagalit ni Gaile, hindi ko alam kong totoo bang nagawa 'yon ni Ted sa'min, pero ang tatagal na naming magkakasama.
Lahat kami tumakas sa Camp kasama si Ted, si Ted ang tumulong sa'min makatakas kaya pa'nong magagaw n'ya 'to samin, s'ya ang bumuo ng grupo, matagal na kaming magkakaibigan, kaya ang akala ko kilala na namin ang isa't isa, inaalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin.
Nakita ko si Ian na nasa isang tabi habang katabi si Jordan.
Umalis ako sa tabi ni Alto at pumunta sa puwesto ni Ian, nang mapansin n'ya ako ngitian n'ya ako, tumabi ako sa kanya.
"Ayos ka lang?" Tanong n'ya sa'kin.
Tumango naman ako, ang hirap, sobrang hirap na sa buong buhay mo hindi mo man lang nasabi ang gusto mong sabihin, in born na sa'kin na ganito ako.
Tinuro ko s'ya at agad naman n'yang nakuha ang ibig kong sabihin.
Ngumiti s'ya sa'kin na lalong nagpasingkit ng mga mata n'ya, tumango s'ya bago sumagot, "okay naman ako."
Pero bakit sila, kaya naman kaya silang magsabi ng nararamdaman o kong ano pa man, mas nanatili silang magsabi ng hindi totoo o mas madali sa kanila ang magsinungaling kahit na nakikita naman sa kanila na hindi sila ayos, hindi ko na lang pinansin kasi magaling ang mga tao sa ganito ang magkunwari.
May sasabihin pa sana si Ian nang marinig naming magsalita si Gaile sa gitna ng pananahimik ng lahat habang malapit s'ya sa apoy, kitang-kita sa likod ng kanyang madungis na mukha ang pagod n'ya.
"Wala ba tayong gagawin? Gusto ba ninyong ganito na lang tayo habang buhay at hintaying mamatay ang kada isa satin sa gutom?"
Nanatiling tahimik ang lahat maliban sa isa.
"Syempre hindi," biglang sabat ni Alto.
Sinamaan s'ya ng tingin ni Gaile kaya yumuko na lang s'ya.
Muling humarap si Gaile sa lahat.
"Pa'no tayo makakapag-isip ng tama kong lahat tayo pagod at wala pa tayong kain," wika ng isa sa mga kasama namin na hindi ko kilala.
"Dapat ang una nating isipin kong saan tayo kukuha ng makakain," suwestyon ni Camille.
"Pa'no nga tayo kakain kong hindi pa tayo nakakalabas ng gubat?" Bigla na namang sabat ni Alto pero walang pumansin sa kanya.
Tinaas ni Carter ang kamay n'ya at tumayo, "kaya kong malaman kong gagamitin ko ang kapangyarihan ko, diba iniiwasan natin galawin ang mga kapangyarihan natin para rin hindi tayo makaagaw ng atensyon o ma-detect ng mga null detector, pero sa tingin ko malayo naman na tayo sa kanila, kaya kong malaman kong makakalabas na tayo sa gubat o kong matatagalan pa ba tayo."
Lahat kami natahimik at pinanood ang susunod n'yang gagawin.
Nang ipikit n'ya ang mga mata n'ya at muli n'ya itong idilat, wala akong makita kong di puros puti, bigla na lang s'yang nagsalita na para bang may nakalatag na mapa sa harapan n'ya.
"Isang kilometro pa ang lalakarin natin bago tayo makalabas sa gubat, lalabas tayo sa isang maliit na siyudad, maari tayong makakuha ng makakain do'n kong mag-iingat tayo, maraming tao, pero wala akong nakikitang police null na pwede sa'ting humuli, maari nating magamit ang ilan nating kapangyarihan para magtulungan-tulungan," pinikit n'ya ang mga mata n'ya at sa pagdilat n'ya muling bumalik sa normal ang mata n'ya.
Interesting ang kanyang kapangyarihan, ngayon lang ako nakakita ng katulad n'ya.
"Ako nang bahala sa lahat," biglang sabat ni Jordan kaya napasulyap kami sa kanya, alam ko minsan lang s'ya magsalita pero alam mong may maitutilong s'ya sa grupo kahit na mas madalas s'yang tulala simula nang makaalis kami sa Guild.
-------
Note: Short update, one last chapter from other character of Project Null saka tayo babalik sa POV ni Charlie, comment naman dyan guys, thank you for reading.
ESTÁS LEYENDO
Project Null
Ciencia Ficción(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
