Chapter 45
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lang ako sa ingay ng aking paligid. Pagdilat ng mga mata ko umiikot na ang pulang ilaw sa buong silid at wala na si Jordan. Agad akong umalis sa higaan at hindi pa rin tumitigil ang ingay. Ngayon ko lang napagtanto na para bang nagkakagulo ang buong sanctuary. Bigla na naman akong dinapuan ng kaba at takot. Unang pumasok sa isip ko si Conan at ang mga kasamahan ko.
Nawawala ang mga null lalo na si Jesse at paglabas ko ng infirmary may nakahandusay na sundalo galing sa camp sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. Patay-sindi ang ilaw sa pasilyo at napasulyap ako sa kanan nong marinig ko ang ingay mula ro'n na para bang nagsisigawan. Agad akong tumakbo at bago pa man ako makalapit isang malakas na pwersa ng hangin. Sa sobrang lakas nu'n natumba ako sa sahig, hindi ko nagawang makatayo lalo na't hindi ko malabanan ang hangin at agad akong napatago sa 'king mga braso nong yumanig ang buong sanctuary dahil sa isang pagsabog.
Nawala ang malakas na hangin kaya agad akong tumayo kahit nanginginig ang tuhod ko. Agad akong lumabas sa pasilyo at nang tuluyan na akong nakalabas hindi ko inaasahan ang aking nakita. Napakagulo ng sanctuary, nagkalat ang mga gamit sa sahig, mga nakahandusay na null at mga sundalo dahil sa biglaang gulo. Hindi ko alam kong nananginip ba ako dahil kakagising ko pa lang mula sa pagkakatulog.
Nakita ko na lang na nakikipaglaban ang mga null ng sanctuary laban sa mga null ng camp. Lumulutang ang tubig sa eri habang nasa loob nu'n ang mga sundalo ng camp at si Richmond ang may gawa nu'n. Pinagtutulungan kuryentihin nila Gaile at George ang mga kalaban. Habang ginagamit naman ni Alto ang kapangyarihan niya para maging yelo ang iba pang kalaban. Napapalibutan sila ng kalaban at mga sundalo.
"ATE!!!"
Napasulyap ako sa kabilng pasilyo nong makita ko si Conan na kinakaladkad ng dalawang sundalo palayo sa grupo. Naging alerto ako at habang nagkakagulo sa paligid ko tumakbo ako. Wala na akong pakialam kong matatamaan ako. Natigilan ako at halos tumigil ang paghinga ko nong babagsak ang salamin galing sa taas.
Tumigil ito sa eri at may ilang pulgada ang layo sa mukha ko. Sinundan ko ito ng tingin nong lumipad ito patungo sa isang gilid at do'n nabasag. Atomatiko akong napasulyap kay Quinn na nakikipaglaban sa isang null. Hindi ko na nagawang magpasalamat dahil kailangan kong habulin si Conan.
Tuluyan na akong nakasunod sa kanila at nakita ko na lang na nakaharang si Percival sa kinatatayuan ko. Ngumisi lang siya sa 'kin bago pa man ako makalaban agad na niya akong sinipa, natumba ako ng malayo sa kanya at nakita ko na lang na nagwawala si Conan. Hindi niya magamit ang kapangyarihan niya dahil may suot itong bracelet katulad ng pinapasuot sa amin nong nasa Camp kami para hindi kami makapanglaban.
"Madali kang mauto, Charlie," wika niya.
Agad akong tumayo at hindi na sinayang ang oras. Agad akong kumuha ng sirang upuan. Gagamitin kong pang hampas sa kanya, pinangsangga lang niya ang braso niya at hindi man lang nasaktan. Kinuha at inagaw niya sa 'kin 'yon. Bago pa man niya ako mahampas gamit ang sirang upuan. Agad akong umilag at sinipa siya sa maselang parte ng katawan niya.
Hindi siya nakaangal at agad siyang bumagsak sa sahig na hawak 'yon.
Nakita ko na lang si Conan na hawak nong dalawang sundalo at pumasok sila sa isang portal papunta sa camp.
"Hindi!!!" Paghahabol ko sa kanila ngunit tuluyan na itong nagsara bago pa man ako nakalapit.
Nakita ko na lang na papalapit sa 'kin sila Jesse at Ian.
"Kinuha nila si Conan, kailangan natin silang habulin," sabi ko sa kanila na puno ng pag-aalala ang mga mata kong nakatitig sa kanila.
Hindi ko alam kong kanino nakipaglaban si Ian dahil puno ng dugo ang damit niya at braso.
"Hindi tayo pwedeng sumunod ng ganu'n lang," sabi ni Ian.
Hindi ko alam kong kanino at sino ako hihingi ng tulong sa kanila. Puno ng galit ang puso ko at hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nakatitig lang ako kay Ian pero puno ng takot ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin.
"A-ayos ka lang, Charlie?" Nauutal niyang tanong.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko lalo na ang kapangyarihang dumadaloy sa katawan ko ng mga oras na 'yon.
"Ako ang gagawa ng paraan," bigla ko na lang siyang hinawakan ang balikat niya na siyang kinagulat niya.
Alam kong ngayon ko lang 'to nagawa ngunit hindi ko alam kong bakit nararamdaman ko ang kapangyarihan niya. Saka ako bumitaw, gulat na gulat pa rin siya ngunit si Jesse lang ang mukhang nakaintindi sa gagawin ko at napailing siya sa 'kin. Hindi ko siya pinansin tumakbo ako papalabas ng pasilyo, ikinumpas ko ang kamay ko at agad na lumabas ang portal sa eri kong saan may naglalabanan din nasa mataas kaming gusali kaya bago pa man 'yon magsara kailangan ko ng makapasok kong hindi babagsak ako sa pinakamababa at maaring mamatay 'pag hindi ako nakaligtas.
"Charlie 'wag!" Sigaw na narinig ko kay Ian habang hinahabol niya ako.
Natigilan din ang lahat at sa pagkakataon na 'yon para bang bumagal ang oras. Agad akong sumampa sa railings bago ako tuluyang tumalon sa papasarang portal. Saka lang nila napagtanto ang gagawin ko. Naririnig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko ngunit mas uunahin ko ang kapatid ko kesa sa sarili ko.
Pagpasok ko sa portal at nong magsara ito agad na umalingawngaw ang alert sounds sa buong gusali ng camp. Agad na dumating ang mga sundalo, inihanda nila ang mga baril nila at agad na nagpakawala ng bala galing do'n. Pinangharang ko ang kamay ko at kinontrol ang mga baling paparating sa 'kin. Huminto sila sa eri na siyang kinamangha at kinagulat nila. Itinulak ko sa hangin ang dalawa kong kamay saka naman lumipad pabalik sa kanila ang mga bala. Huli na nong makatakbo sila dahil agad na natamaan sila ng bala na galing din sa kanila.
Lahat ng mga sundalong sumugod sa 'kin ngayo'y nakahandusay na sahig at nagkalat ang mga dugo nila sa puting sahig. May dalawang sumugod sa sundalo, agad kong sinipa ang isa at pinilipit ko naman ang kamay nong isa bago ko tuluyang binali ito. Kasabay ng pagsigaw niya sa sakit at pagtunog ng buto niyang nabali.
Hindi ko na makilala ang sarili ko at nakikita ko na lang na nakikipaglaban ito sa mga papasugod pang sundalo. May isa pang grupo pa ng sundalo ngunit ginamitan ko sila ng hangin para tumilapon sila sa di kalayuan. Sa isang iglap bigla na lang lumitaw ang inosenteng si Zaquea na para bang hinihintay niya akong dumating. Nawala ang pagka-inosente niya lalo na nong ngumisi siya sa 'kin.
"Kumusta ka na, Charlie?" Mapang-asar niyang tanong.
-----
Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Wattpad mababasa ang kwento na ito. Kong malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad sa totoong author nito. Maraming salamat.
YOU ARE READING
Project Null
Science Fiction(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
