Chapter 9
Habang nasa biyahe kami ay walang nagsasalita, maririnig lang ang ingay na galing sa radyo at sinasabayan pa ni Alto ang kumakanta habang tumatambol sa upuan na akala mo nasa isang band concert.
Nasa pinakalikuran ko ng kotse naka-upo habang yakap-yakap ko pa rin si Conan, gusto kong magtanong sa kanila kong anong ginawa nila sa kapatid ko at tulog na tulog pa rin kahit na anong gising ko kaya hinayaan ko na lang.
Napasulyap ko sa dalawang pamilyar na eco bag na malapit sa upuan ko, 'yong mga pagkain na galing sa'min halos paubos na rin, isang araw pa lang ang nakakalipas pero parang limang araw na nilang kinain, napakarami nu'n.
Nabigla ko sa kinauupuan ko nang may humawak sa noo kong may sugat, nakita ko na lang si Jesse na hinahawakan mismo ang sugat ko, nilayo ko ang ulo ko para hindi madampi dahil napakahapdi at napakasakit.
"Ano ba!?" Dahil sa sigaw ko lahat sila napasulyap sa'kin maliban kay Quinn na nagmamaneho.
Parang natakot at nanlalaking nakatitig ang mga mat ani Jesse sa'kin.
Ako ang nakaramdam ng hiya, pero sino naman kasing matinong hahawak ng sugat at bukol, masakit kaya.
Ilalapit na sana n'ya ang kamay n'ya muli sa'kin pero muli kong nilayo, "wag nga kasi dahil masakit!"
"Hayaan muna s'ya Jesse s'ya na nga tinutulungan s'ya pa galit," pagpaparinig ni Gaile kaya napasulyap ko sa likod n'ya.
Binaling ni Jesse ang ulo kay Ted, tumango naman si Ted, binaling naman ni Ted ang atensyon n'ya sa'kin.
"Hayaan mo s'ya, alam na n'ya gagawin n'ya." Sabi ni Ted saka umupo ng maayos.
Napasulyap muli ko kay Jesse, nabigla ko nang makita ko nang malapitan ang pagbabago ng kulay ng mata n'ya, naging puti ang buong mata n'ya, bahagya kong natakot pero huli na nang maidampi n'ya ang palad sa noo kong may bukol at sugat.
Sa una'y masakit at mahapdi nga pero unti-unting nawala 'yon, nakaramdam ko ng kaginhawaan sa ginawa n'ya, muling bumalik sa dati ang kulay ng mata n'ya, nilayo ang kamay n'ya at ngumiti.
Agad kong kinapa at hinimas ang noo ko, wala na kong maramdaman na bukol at sugat, kaya ba s'ya tinawag na nurse ng grupo, dahil s'ya ang gumagamot sa sugat o galos nila gamit ang kakayahan n'ya bilang Null.
Nakaramdam ko ng guilty dahil sa sinigawan ko s'ya kanina, "sa-salamat," sabi ko, saka s'ya bumalik sa pagkakaupo n'ya.
Ilang oras pa kaming nasa biyahe nang sumigaw si Gaile.
"Pahinga na muna! Total nasa labas na tayo ng Green Bay."
Pagkasabi n'ya saktong huminto ang van sa lugar na hindi ko alam basta ang alam ko malapit kami sa palayan at sapa naman sa kabila, wala rin kong makitang mga bahay, may iilang puno, sa di kalayuan ay may mga bundok at gubat na kailangan daanan.
Isa-isa silang lumabas, nilabas din ni Alto ang dalawang bag ng eco bag ng mga pagkain, sumunod ko at iniwan si Conan sa loob.
Nakita kong naghahanda sila at isa-isang nilabas para pumili ng pagkain.
"Hayyy salamat makakapag-almusal din!" Masayang sigaw ni Alto.
Pero napansin kong pumunta malapit sa sapa si Ted kaya sa kanya ko sumunod, nakatalikod s'ya kaya hindi n'ya ko napansin.
"Kailangan ba talaga naming sumama sa inyo?"
Humarap s'ya nang marinig n'ya ang tanong ko.
"Oo," mabilis n'yang sagot.
"Pa'no mo masisigurong ligtas kami ng kapatid ko sa inyo? Hinahabol kayo ng mga grupong hindi ko alam kong anong tawag sa kanila, ayokong madamay do'n, mas maganda kong malayo ang kapatid ko sa inyo," diretsahan kong sabi.
"Bakit kong hindi ba kami dumating makakatakas ba kayo sa kanila?"
Para kong sinampal ng katotohanan sa tanong n'ya.
Huminga s'ya ng malalim bago nagsalitang muli, "sabihin nating alam ng kapatid mo kong pa'no n'ya gamitin ang kapangyarihan n'ya may possibilities na mahuli at masundan kayo, lahat sila may Null detector na pagginamit mo ang kapangyarihan mo bilang Null kahit na malayo ka sa kanila ng sampung metro, ma-detect at malalaman nilang kong na saan ang location mo."
"Kaya nga kami palipat-lipat, limang buwan na naming 'tong ginagawa at limang buwan na rin kaming magkakasama," sinulyapan n'ya 'yong grupo na nagkakasiyahan kaya napatingin din ko sa kanila.
"Lahat kami tinuring na patay na ng mga pamilya namin, tinakwil, hindi nila kami maintindihan at kahit na sino walang makakaintindi sa'min, pero lahat kami may iisang masalimoot na kwento, hindi lahat ng nakikita o nakakaharap mong Null eh orihinal na Null, may iilang galing lang sa eksperimentasyon."
"Si Conan ba tunay ba s'yang Null o isa s'yang Null+?"
Napasulyap ko dahil nabigla ko tanong n'ya bahagya rin kong nagtaka, "anong ibig mong sabihin?"
Napasulyap din s'ya sa;kin, napaka-kalmado ng mga mata n'ya para bang wala s'yang problema, ro'n ko rin napansin ang brown n'yang mata na mas lalong napapansin dahil nasisinagan ng araw.
"May ginagawa ang gobyerno sa mga Null, bigla na lang nawawala o kaya'y mababalitaan na patay kahit wala namang bangkay kasi lahat sila dinadala sa camp, pinag-aralan nila na lahat ng Null ay may iba't ibang katangian, hanggang sa nalaman nilang may iilang kabataan katulad natin na kayang dalhin ng ordinaryong kabataan ang dugo ng Null at do'n lumabas ang Null+."
"Nasa 43 bilang ng Null lang ang na diskubre nila, nalaman nila 'yon sa kakaibang dugo na meron sila, hanggang sa malaman din nilang may mga kakaibang kakayahan at kalakasan ang mga Null, sa first generation ng Null maraming namatay, natakot dahil kakaiba o isinumpa sila hanggang sa bumaba ang bilang nila sa 30, nangamba ang gobyerno na mawala sila kaya nag-aral at nagpadalubhasa. Inalagaan nila ang mga natira at hinayaan na magkaroon ng pamilya at mamuhay ng normal kaya nagkaroon sila ng mga anak na tinatawag ngayon na second generation nila."
"Hanggang sa ilang taon ang binilang, kumuha sila ng bata sa bahay-ampunan para pag-aralan ang katawan at kong kaya nilang dalhin ang dugo ng Null, maraming namatay at iilan lang ang nabuhay, pati ang nagkaroon ng Null ay nagkaroon ng kapangyarihan kaya sila tinawag na Null+."
"Sila Alto, Quinn at Gaile Null+ sila maliban sa'min ni Jesse na totoong Null. Galing sa bahay ampunan ang tatlo na dinala sa camp dahil walang umaampon sa kanila, matindi ang nangyari sa kanila sa loob ng camp siyam na taon na ang nakakalipas, palaboy-laboy sa kalye saka nag-krus ang mga landas naming."
"Siyam na taon na ang nakakalipas na may isang doctor daw ang nagpalaya sa kanila pero kapalitd ng kanyang buhay ang pagpapatakas sa lahat ng Null at Null+ na nakuha ng gobyerno, kaya muli namang hinahanap ng gobyerno ang mga nakatakas para ibalik sa camp at kompletuhin ang pag-aaral."
Kinabahan ko sa mga nalaman ko, hindi ko alam kong kailangan ko bang maniwala sa kwento n'ya pero wala sa mukha n'ya na nagbibiro s'ya o gawa-gawa lang 'yon.
"Kaya pa'no nakuha ni Conan ang pagiging Null n'ya?"
Muli n'yang binalik ang tanong sa'kin,
Napaisip din ko, tama pa'no naging Null si Conan?
Sasagot sana ko nang---
"Halika na kayo, sumabay na kayo sa agahan!" Masayang kaway sa'min ni Alto.
YOU ARE READING
Project Null
Science Fiction(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
