Chapter 32
(Jordan)
~*~
"Kahit na anong mangyari wala kang magagawa para mabago mo ang dapat ay nakatakda, mauulit pa rin 'yon pero sa ibang sitwasyon at pwedeng lumala," bilin ng ama ko bago ako tumalikod at umalis sa opisina n'ya.
Tumakbo ako pasilyo hanggang sa maglaho at magbago ang buong lugar, nakikita ko na lang ang sarili kong tumatakbo sa masikip na pasilyo habang hawak ko ang kamay ng isang dalagang kasing edad ko at patay-sindi ang ilaw sa buong laboratory, umaalingaw-ngaw din ang sirena sa buong gusali, hudyat na nagkakagulo.
Dahil sa'min, dahil sa'kin, gusto ko lang naman s'yang iligtas.
Muling nagbago ang sinaryo, sa pagdilat ng mga mata ko nakita ko ang sarili kong nakaupo sa loob ng isang tent, napapalibutan ng mga kong ano-ano, nakaupo sa isang tabi si Ian.
"Wala pa tayong costumer," wika n'ya, "labas na muna ako."
Nanlaki ang mata ko nang makita ko s'ya sa isipan ko na paparating s'ya, kasama n'ya sila, bigla ako nakaramdam ng kaba nang may nakasunod na panganib sa kanila.
Napasulyap ako sa pagbukas ng tent, pero hindi ko pinahalata, ni minsan hindi pa ako nagkamali sa mga nakikita ko, nandito nga s'ya, pinag masdan lang n'ya ako na para bang ako na ang pinakakakaibang nilalang sa mundo, oo nga pala, pa'no n'ya ako maalala, kinuha nila sa kanya ang alaala n'ya.
Muling nagbago ang lahat, pero sa pagkakataon na 'to bumalik ako sa laboratory na kinalakihan ko, may narinig akong umiiyak, napasulyap ako sa isang sulok kong saan may babaeng nakayuko, maigsi ang buhok n'ya at nakasuot ng pamilyar na kasuotan ng mga taong pinag-aaralan ditto sa laboratoryo.
Lumapit ako para malaman kong sino 'yon, narinig ko s'yang nagsalita.
"Ayoko na ditto, kailangan kong makita si Conan," nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pamilyar n'yang boses.
"Charlie?" Bulong ko.
Bigla s'yang tumigil at dahan-dahan na tumingala sa'kin, napaatras ako sa takot nang makita kong lumuluha s'ya ng dugo, may tumulo ring dugo mula sa ilong at bibig n'ya.
"Tulungan mo ko," lalong bumulwak ang dugo sa bibig n'ya.
Lalapitan ko pa sana s'ya nang maglaho ang lahat.
~*~
Agad kong napadilat dahil sa panaginip ko, kahit sa panaginip ko nakikita ko s'ya, agad akong umupo, ang dami ko nang nakikitang panganip na paparating, ang kailangan ko lang gawin ay maging ligtas ang lahat ng kasama ko, kahit pinipigilan ko, bigla na lang silang lumilitaw at bigla na lang sumagi sa isip ko ang sinabi ng ama ko noon bago ako napalayo sa kanya.
"Kahit na anong mangyari wala kang magagawa para mabago mo ang dapat ay nakatakda, mauulit pa rin 'yon pero sa ibang sitwasyon at pwedeng lumala."
Pero wala akong magagawa, lahat ng plano ko nagbabago dahil sa kanya, alam ko nang mangyayari ang lahat ng 'to, gusto kong baguhin ang nakatakda, ang nakalinya sa kanyang palad, pag ginawa ko 'yon may ilang magsasakripisyong buhay.
Napasulyap ako kay Gaile na nakatayo sa labas ng kweba, animoy may iniisip na malalim.
Tumayo na ako at inalis ang pagkakayakap ni Ian sa'kin, lumabas din ako ng kweba, napasulyap s'ya sa'kin nang mapansin n'ya ako.
"Kailangan mong pangunahan kaming lahat, dapat may masusunod sa'tin," sabi n'ya.
Naalala ko kong pa'no n'ya ako titigan, syempre lahat ang galing sa Camp hindi makakaalala kong sino-sino ba kami sa isa't-isa, magkakakilala kami, pero inalisan sila ng alaala katulad n'ya.
YOU ARE READING
Project Null
Science Fiction(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
