Chapter 15
Naalimpungatan ko nang maramdaman kong may pumipisil sa sugat ko, nang tuluyan akong magising nakita kong nakahawak si Camille na katabi ko sa kama, napasinghal ako sa sakit saka ko inalis ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko at bumaling sa kanan, nasilip kong si Ian na lang ang natutulog sa lapag, na saan si Jordan?
"Ugh!"
Nanlaki ang mata ko at napaupo nang may marinig ako mula sa banyo, roon ko lang napansin na bukas pa pala ang ilaw, dahan-dahan akong umalis sa kama.
Nang makarating kami sa isang lounging house para matulog, pinili namin 'yong pinakamaliit at pinakamura, kasi alam naman naming wala kaming pambayad at mag-one two three lang kami katulad sa kainan.
Hindi ako sigurado kong nandoon si Jordan, pero nang mapagtanto kong nandoon nga s'ya, agad s'yang napasulyap sa'kin, pero mas napansin ko ang nagduruga n;yang tagiliran, ngayon ko lang naalala na madalas s'yang humawak do'n nang makarating kami rito, may tama s'ya pero hindi man lang n'ya sinasabi sa'min.
Nakaupo s'ya sa toilet bowl, nasa lapag ang lahat ng damit n'ya, topless s'ya at nang hihina, napapangiwi s'ya sa sakit.
"Mukhang masakit 'yan ah," sabi ko sabay pasok sa loob, lumuhod ako sa harapan n'ya para suriin ang sugat, napangiwi ako nang para na 'tong namamaga at may pasa paligid.
"Bumalik ka na ro'n at matulog---"
"Hindi gamutin natin ang sugat mo," giit ko habang nakatingala ako sa kanya.
Do'n ko napansin ang proportion ng mukha n'ya, makapal na kilay, matangos na ilong, 'yong mga labi n'ya kakaiba ang shape dahil may parang hiwa sa magkabilang dulo, wala na rin ang lipstick n'yang itim at eyeliner, mas mukha na s'yang tao para sa'kin, ngayon ko lang din napansin na may cliff chin pala s'ya, para s'yang Mexican white, pinagpapawisan ang mukha n'ya.
Umiwas ako sa mga titig n'ya, "doctor ang mga magulang ko, may knowledge ako about sa pang gagamot at first aid, turo sa'kin nila papa, mas maganda na malinisan s'ya."
Hindi s'ya nakipagtalo sa'kin bagkus tumango lang s'ya.
Agad kong nagmadali, tumayo ako, pinapanood lang n'ya ko sa bawat kilos ko, binuksan ko ang maliit na kabinet sa may salaminan ng banyo, pasalamat ako dahil may mga gamut do'n, saktong mga kailangan ko ang nandoon.
Kumuha rin ako ng towel na naka-sabit sa loob, lumabas ako para basain ng maligamgam na tubig sa lababo ng mini kitchen ng silid namin, muli kong bumalik, binigyan ko s'ya ng isa pang panyo.
"Kagatin mo na lang," kinuha n'ya at agad na kinagat ang binigay kong bibig.
"Dadahan-dahanin ko lang huh," tumango s'ya, ako ang naawa sa kanya, kaya dahan-dahan kong dinampi para mapunasan ang gilid ng sugat, napaatras ang katawan n'ya sa ginagawa ko pero wala naman s'yang aatrasan, pabilis ang pagtaas-baba ng balikat n'ya, rinig na rinig ko ang mabilis na paghingi n'ya, nanggigil s'ya sa panyong kagat n'ya.
Nang matapos ako nakahinga s'ya ng maluwag, kinuha ko naman ang alcohol at nilagyan ang panyong hawak ko, muli kong tumingin sa kanya, lalo s'yang pinagpawisan, kita ko rin ang putil ng pawis sa balikat pababa sa katawan n'ya.
"Mas masakit 'to, tatagan mo ang loob mo," giit ko.
Muli s'yang tumango, walang pag-aalinlangan kong tinapal ang panyong hawak ko sa sugat n'ya, nabigla siguro s'ya kaya napahawak ang isa n'yang kamay sa balikat ko, nabigla ako nang pisilin n'ya 'yon, nasaktan ako sa ginawa n'ya pero tiniis ko, ilang segundo saka ko tinanggal uli, para na s'yang manghihina.
"Kaya pa ba?"
Umungol s'ya habang kagat ang panyo at tumango.
"Tatahiin natin ang sugat mo para magsara," balita ko sa kanya.
Kitang-kita ko ang takot sa mga mata n'ya sa sinabi ko, ibang-iba ang itsura n'ya ngayon, malayong-malayo, sa iritado, matapang at maitim n'yang aura ay nawala.
Matagal at parang nag-aalangan bago s'ya tumango.
Tinahi ko ang sugat n'ya, ilang beses n'yang marahang inuuntog ang ulo sa sandalan n'ya, napapasipa s'ya sa sakit ng pagtahi, pero nakatapang n'ya para tanggapin ang mga sakit na 'yon, hingal na hingal s'ya nang matapos ko s'yang tahiin at lagyan ng benda sa sugat, bumagsak sa lap n'ya 'yong panyo, hingal na hingal s'ya, hinayaan ko na lang s'yang umupo at magpahinga ro'n.
Nililigpit ko ang ginamit ko nang hawakan n'ya ang laylayan ng damit ko, kaya napasulyap ko sa mukha n'ya.
"Sa-salamat."
Ngumiti ako sa kanya, "wala 'yon."
Nakabuka ang bibig n'ya na parang may sasabihin, "ah..."
"Magpahinga ka na," sabi ko pabalik.
"Gusto ko sana humingi ng tawad." Muli kong binalik ang tingin sa kanya. "Na nilayo kita sa kanila, dapat pala hindi ako nangilam."
"Wala 'yon."
"Pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata mo, iniisip mo pa rin sila kahit na hindi mo sabihin." Tumayo s'ya at humawak sa lalabo ang isang kamay.
Huminga ako ng malalim, masyado bang halata na malungkot para mapansin n'ya.
Sobrang lapit n'ya, pagnadulas ako pwedeng mapayakap ako sa katawan n'ya dahil ang liit at masikip sa loob ng banyo.
"Sobrang mahalaga sa'kin ang kapatid ko kaya ayaw kong mawalay s'ya sa'kn, baka kong mapa'no s'ya," giit ko.
Sandaling katahimikan bago s'ya magsalita, "hindi lang naman ang kapatid mo ang mahalaga sa 'yo." Nagtaka ako sa makahulugan n'yang sinabi. Magtatanong pa sana ako nang may ituro s'ya, nagtaka ako kaya sinundan ko ang direksyon ng daliri n'ya.
Unti-unting namilog ang mga mata ko nang makita ko sila sa isang madilim na kalye, nakaparada ang van, nasa labas si Ted habang nakikipagtalo kay Gaile, hindi ko marinig ang sinasabi nila, lahat sila'y may galos, ginagamot naman ni Jesse si Altom habang pinapatahan naman ni Quinn si Conan, para silang hologram.
Bumukas ang pag-asa na buhay sila, kompleto at ligtas, pero paano sila nakatakas sa grupo nila Night? Bigla na lang naglaho ang hologram nila Ted. Kahit pa paano'y natuwa ako at gumaan ang pakiramdam ko.
"Magpahinga ka na, salamat uli, wag kang mag-alala makikita mo rin sila, makikita mo rin s'ya." Another clueless sentence from him. Tuluyan na s'yang nakalabas ng banyo.
Nanatili akong nakatayo sa loob, bago ako tuluyang bumalik sa labas pagkatapos kong magligpit, nakita ko s'yang nakahiga at katabi ni Ian sa lapag, nakapikit na ang mga mata n'ya, hindi ako sigurado kong natutulog na s'ya o nagtutulog tulugan para hindi ko na s'ya magawang tanungin pa tungkol sa mga pinagsasabi n'ya.
Palagi na lang s'yang ganito, magsasabi ng mga bagay-bagay pero iiwan ka ring nagtataka, ang gulo.
Humilata na ako sa kama at muli ko na namang naramdaman ng liko ko ang hindi ga-anong kalambutang kama, pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sariling dalawin ako ng antok sa pangalawang pagkakataon.
YOU ARE READING
Project Null
Science Fiction(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
