Chapter 3
"Ate kain na tayo, labas ka na dyan," tawag sa'kin ni Conan mula sa labas ng silid ko.
Muli s'yang kumatok, "kong wala kang balak kumain, matutulog na ko, pero kong sakaling magutom ka iinit muna lang 'yong lasagna."
Hindi ako lumabas ng silid ko nang makauwi kami ni Conan sa bahay pagkatapos ng pagtatalo namin ni mama sa ospital, namumugto pa rin ang mga mata ko, pero kahit na nasabi ko na lahat sa kanya ang nararamdaman ko, nandito pa rin sa puso ko ang bigat sa pakiramdam.
Gusto kong marinig din 'yong dahilan n'ya, alam ko naman na hindi lang 'yon, gusto kong habulin n'ya kami ni Conan at pigilan pero hindi 'yon ginawa ni mama.
Nang wala na akong marinig na ingay mula sa labas, tumayo ako at umalis sa kama kong saan ako naka-upo kanina, pag-ganitong mabigat pakiramdam ko, gusto kong magpalamig, gusto kong kumain, stress eating.
Kahit na naka-suot ako ng gray sweatpants ko at puting loose shirts, sinuot ko na lang ang rubber shoes kong puti at ang university jacket kong kulay maroon.
Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan, sinilip ko ang pintuang tapat sa silid ko, patay na ang ilaw sa silid ni Conan kaya maingat akong lumabas ng bahay, tanging susi at wallet ko na may lamang pera.
Ilang minuto kong naglakad hanggang sa makarating ako sa isang convenience store malapit sa'min, niyakap ako ng kakaibang lamig sa loob ng store, agad kong dumiretso sa mga drinks, kumuha ako ng kulay puting mogu-mogu, lays, skittles, chocolates and more chips.
Nang mabayaran ko sa counter at mai-plastic, lumabas ako ng store at na upo sa lamesa't upuang naroon, umupo ako sa upuang naka-harap sa kalsada, nilabas ko na rin ang mga pinamili ko at nag-umpisang kumain, hindi ako gutom o busog basta gusto ko lang ngumuya.
Napabuntong-hininga ako, ano bang klaseng buhay meron ako?
May iilang kotse ang dumaraan sa kalsada wala rin akong makitang naglalakad na grupo, ako nga lang ang tao rito, nang mapansin kong may nag-park na isang lumang itim na kotse sa harapan ko, isa-isa lumabas do'n ang limang lalaki na hindi ko naman napansin.
Patuloy pa rin ako sa ginagawa ko nang---
Bang!
Nanlaki at napayuko sa kinauupuan ko dahil sa lakas ng putok ng baril sa loob ng store, tumapon pa ang iniinom kong mogu-mogu dahil hawak ko s'ya at sa pagkakagulat.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, muli akong nagulat nang maka-rinig ako ng sunod-sunod na pagkakabasag ng mga gamit sa loob.
Dahan-dahan akong tumayo dahil sa ginawa ko natabig ko ang lamesa kaya natapon 'yong mga pagkaing pinamili ko sa sahig, hindi ko na napansin dahil sa nangyayari.
Naglakad ako lapit sa pintuan ng store, gulong-gulo na 'yong counter, 'yong baklang cashier mabilis na nilalagay lahat ng pera ro'n sa bag na binigay ng lalaking naka-itim at may naka-tutok ang baril sa kanya.
Ow, shit! Ilang nakakatakot na pangyayari ba ang dapat kong makita ngayong araw?
Napansin kong naka-tingin sa'kin ang isa sa kanila, kinalabit n'ya ang isa sa mga kasama n'ya at parang tinawag ang ilan, bigla akong tinuro gamit ang baril n'yang hawak.
Wala silang suot na mga maskara kaya agad ko silang nakilala, sila 'yong tinatawag na rebel guys sa unibersidad namin dahil puro gulo ang dala, ilan na rin ang records nila sa school pero dahil anak sila ng dean at ilan sa kanila anak ng opisyal ng gobyerno, walang gumagalaw sa kanila dahil iba sila kalaban.
Nanlaki ang mga mata ko nang isa sa kanila nag-umpisang maglakad papalapit sa pintuan.
Takbo! Ano ba tumakbo ka!? Sigaw ko sa isip ko dahil nabato na naman ako sa kinatatayuan ko.
Dahan-dahan kong napaatras saka ako tumakbo ng mabilis palayo sa kanila, pero hinabol ako ng isa sa kanila, dahil nangangatog ang mga tuhod ko sa takot, nadapa ko sa kalsada, hingal na hingal ako habang naka-dapa ro'n.
"Sa'n ka pupunta ngayon?"
Parang lalabas na dibdib ko ang puso ko sa sobrang kaba, tinignan ko ang paligid, patay sindi ang stoplight sa intersection, sarado na rin ang mga tindahan, ang tanga ko malamang alas-dose na ng gabi, sinong matinong tao ang lalabas ng ganitong oras? Wala ring tao kong di kami lang, kaya kong papatayin nila ako o gawan ng masama, walang makaka-alam.
Humarap ako sa kanya at dahan-dahan na tumayo, naka-ngisi s'yang naka-tingin sa'kin, namumula ang mga mata n'ya para s'yang naka-drugs.
"Gusto mong sumama sa'min at magpaka-saya?" Ngisi n'yang tanong.
Iiling-iling ako sa takot, muli kong lumunok bago sumagot, "hi-hindi na, uuwi na ako, baka hinahanap na ko sa'min."
"Eh bakit ka nasa labas? Bakit ka tumatakbo kanina, may humahabol ba sayo?"
Humakbang s'ya papalapit, ako naman ay umatras, napansin ko rin na naka-labas na ang grupo n'ya sa store at nang makita kami ay lumapit din, naka-ngisi silang lahat sa'kin.
"Wag kayong lalapit! Isusumbong ko kayo sa mga pulis!" Parang gusto ko nang maiyak sa takot.
"Bakit wala naman kaming ginagawang masama sa 'yo ah," wika ng mas matangkad sa kanila, s'ya rin 'yong naka-tutok ang baril sa cashier na bakla.
"Sama ka na sa'min," muling yaya ng isa na naka-kita sa'kin.
Lalapit pa sana sila nang magulat kaming lahat nung dahan-dahan lumutang sa eri 'yong lalaki, namilog ang mga mata ko, pa'no n'ya nagawa 'yon? Null din ba s'ya? Imposible?
Sa isang mabilis pangyayari parang isang malakas na hangin at tumilapon s'ya, nagpagulong-gulong s'ya sa kalsada bago s'ya huminto, tumakbo ang mga kasama n'ya, gulat na gulat din sila sa nangyari.
Tinulungan nilang maka-tayo ang kasama bago sila sumakay sa kotse at iwan ko.
Ngunit muli na naman ako nakaramdam ng takot nang maramdaman kong may naka-tingin sa'kin, agad kong tumingin sa likod ko, napaatras pa ako sa gulat nang makita ko ang lalaki sa harapan ko, sobrang tangkad n'ya, sa tingin ko'y aabot lang ako hanggang balikat.
Dahan-dahan s'yang naglakad papalapit sa'kin, do'n ko nasilayan ang buo n'yang mukha, ang hanggang leeg na itim at mahaba n'yang buhok, napansin ko rin ang tattoo n'ya sa kanang pulso na pabilog na linya at mga tuldok na hindi ko maintindihan ang ibig sabihin, ang puros itim n'yang damit, ang matangos n'yang ilong, ang maputla n'yang balat, ang makapal n'yang kilay at maninipis at mapupulang labi.
Nanlaki ang mata ko nang matandaan ko kong sino s'ya, "ikaw 'yong Null na tumulong sa'min?" Nauutal kong tanong, ibig sabihin s'ya rin ang may gawa nu'n sa lalaki kanina kaya lumutang at tumilapon.
Pinangarap kong maka-harap ko ang isa sa kanila para maipaghiganti ko si papa pero ngayong nasa harapan ko ang isa sa kanila, naduduwag ako.
Lalapit pa sana s'ya, nakaka-takot ang seryoso n'yang mukha kaya napatakbo ako, pero parang pakiramdam ko bumagal ako at nakaramdam ako ng sobrang lamig lalo na sa mga paa ko.
Nang sulyapan ko ang mga paa ko, naninigas na 'to sa kalsada na parang yelo.
"Bakit mo ginawa sa kanya 'yon?"
"Hindi s'ya pwedeng maka-alis, wala kong choice kong di gawin 'yan sa kanya."
May nagtatalong boses sa gilid ko kaya sinulyapan ko sila, dalawang lalaki ang papalapit sa'kin.
Ow shit! Marami silang Null, may isa pang babaeng may kakaibang ayos ang naka-sunod sa kanila.
"Pero wala tayo rito para takutin s'ya!"
"Hindi ko s'ya tinatakot!"
"Ano ba tumigil kayo!"
"Pakawalan ninyo ako!" Sigaw ko pero parang walang nakaka-pansin sa'kin dahil tatlo na silang nagtatalo sa harapan ko.
Bigla na lang may humawak sa kanang braso ko, sinulyapan ko kong sino 'yon, isang babae na halos kasing edad nila, kasing edad ko, "bita---"
Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko nang mandilim ang paningin ko.
YOU ARE READING
Project Null
Science Fiction(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
