Chapter 30
(Alexander)
Wala kaming kalendaryo para malaman kong anong araw na o ilang araw na kaming nasa kagubatan at wala kaming orasan para malaman namin kong anong oras na ba, basta ang alam ko inabutan na kami ng gabi sa kagubatan uli.
Hindi ko na rin malaman kong ilang oras na rin iyak ng iyak si Conan habang kaga s’ya ni Quinn.
“Magpahinga na muna tayo,” signal ni Gaile sa’min.
Napasalampak na lang kami sa lupa at ang ilan sa’min ay napasandal sa puno kong saan sila malapit.
Sobrang dungis ko na mula mukha hanggang sa mga sapatos, lahat kami wala pang normal na tulog o pahinga at mas lalong wala pa kaming kain.
“Nilalagnat si Conan,” napasulyap kami kay Quinn nang magsalita s’ya, kitang-kita pa rin ang pasang nakuha n’ya kay Ted nong isang gabi na nakipagtalo s’ya bago kami magkahiwalay.
Agad naman na lumapit si Jesse sa kanya para aluhin ang bata, bwisit! Lagot kami nito sa ate n’ya sa oras na malaman n’yang hindi namin ‘to inalagaan ng maayos.
Isa-isa kong napasulyap sa grupo ako at grupo ni Ian, lahat kami nag-stick na dapat magkakasama kami, salit-salitan kami sa pagpapatahan kay Conan, ilang beses ko s’yang pinatawa at kiniwentuhan ng mga joke kong alam pero kahit ako hindi na natutuwa, may ilang Null na napasama sa’min at ‘yong iba hindi ko alam kong saan napunta, nagkawatak-watak kami.
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hanggang ngayon napapaisip pa rin ako, bakit kami humantong sa ganito?
Kamusta na kaya si Charlie? Ang ibang Null na nakuha nila? Mas lalong kamusta na ang gagong si Ted? Bakit ba n’ya nagawa sa’min ‘to, pinagkatiwalaan namin s’ya. Gago talaga!
Napasulyap ako kay Jordan, sa buong paglalakbay namin s’ya ang pinakatahimik sa’min, minsan kinakausap n’ya si Conan para patahanin pero mas madalas s’yang tahimik para bang napakalalim ng iniisip n’ya, minsan nakikita ko na lang s’yang balisa at hindi mapakali, gusto ko s’yang tanungin, napakaraming katanungan, napakamisteryoso n’ya maliban kay Ted, oo nga pala, parehas sila.
Dapat sana nong nakinig din ako sa kanila.
***
“Kailangan na nating umalis ditto.”
Bumalik ako mga kubo para tawagin ang grupo ni Ian, hindi ko rin kasi makausap si Camille at mas lalo na si Jordan dahil sa aura n’ya, nang marinig ko ang boses ni Jordan sa loob. Pinapatawag sila sa’kin kasi sasali kami sa isang contest, gusto ko pa naman sumali.
“Bakit naman tayo aalis? Okay naman tayo ditto ah,” narinig ko ang boses ni Ian na may halong pagtataka.
Natigilan ako sa kinatatayuan ako at nanatiling nasa labas ng kubo nila.
Matagal bago may nagsalita uli.
“May nakikita ka na namang hindi maganda ano?” Tanong ni Camille.
Napatanong ako, ano bang kapangyarihan ni Jordan bilang Null, katulad na s’ya ni Ted, nakaka-sense ng kapahamakan o…
“Hindi na tayo ligtas ditto.”
Sa wakas narinig kong nagsalita si Jordan, ang walang buhay n’yang boses.
“So kailangan natin silang bigyan ng babala---”
“Pero diba sabi nila ligtas tayo ditto, walang sino man ang pwedeng makapasok ditto.”
“Hindi ang mga normal na tao kong di ang mga katulad din natin ang magpapahamak satin. Kailangan na nating umalis mamayang gabi bago pa tayo mapasama sa mga kukunin nila…”
“May magagawa pa ba tayo?” Tanong ni Camille.
“Wala na tayong magagawa, huli na ang lahat at kahit ano man ang gawin natin ga’nun at ganun pa rin ang mangyayari, hahabulin pa rin nila s’ya.”
Hanggang sa tumahimik na ang buong silid.
Natapos ang palaro at gabi ng parangal at pagsasaya, tuluyan kong nilagok ang alak na nakuha ko, nagkunwari akong walang alam, gusto kong magsalita o sabihin ‘yong narinig ko kila Jordan pero ayokong alisin ang saya sa mga mukha nila.
Ngayon na lang namin naramdaman na normal uli kami, na wala kami kinatatakutan noong nakaraang nasa kalsada kami, nakikipaghabulan sa mga null police, ngayon na lang kami nakakain ng normal, nakatulog sa maayos na higaan at makapagpahinga kahit papaano, pero bakit bigla na lang mawawala?
Napangiti ako nang makita ko si Ian na niyaya si Jesse na sumayaw nang magbago ang tugtug, naging slow at soothing sa tenga, isa-isa ring nagkaroon ng mga couple sa gitna.
Nakita kong si tumayo si Quinn, tumayo na rin ako para magpahinga, ngayon ko lang napansin na wala si Ted samin.
Sumunod lang ako kay Quinn, gusto ko na rin magpahinga, sana hindi totoo ‘yon, gusto ko s’yang alisin sa isip ko ang narinig ko kanina pero hindi ko magawa.
Atomatiko akong napasulyap sa direksyon ng mga nakatayo sa madilim na parte ng kumpulang kubo, walang katao-tao, may ilang nakaharap sa direksyon ko at ilang nakataliko, pamilyar ang isa sa kanila, si Ted, pero habang papalapit kami sa kanila mas lalo kong namumukhaan ang ilan sa kanila.
“Ted!”
Napatakbo na kami ni Quinn sa kanya, pero natigilan ako nang mapansin kong iba ang aura ni Ted, sila ‘yong grupo ng mga null na humahabol sa’min, anong ginagawa nila ditto?
“Hi,” kaway sa’kin nong isang babaeng mas matangkad sa’kin na pinaglalaruan ang isang kutsilyong galing mismo sa loob ng pulso n’ya.
“Ted?”Naibulong ko ang pangalan n’ya.
“Wag kayong mag-alala, hindi namin kayo gagalawin, nakausap na namin si Thaeddeus eh,” sabi nong isang lalaking parang sporty college student sa school sa laki ng katawan n’ya, weird s’ya magsalita dahil parang hindi s’ya sanay sa pananagalog.
Saka sila tumalikod at naglakad palayo, kinain sila sa kadiliman, saka kami rin tinalikuran ni Ted, kaso bago pa man s’ya makalayo, hinila s’ya ni Quinn at agad s’yang nakatanggap ng suntok.
Natumba si Ted, pero bago pa man s’ya makatayo, agad na uli s’yang inambahan ni Quinn, nawala ‘yong lasing dahil sa alak na ininom ko, hinatak ko si Quinn pero bago ko pa naman s’ya maagaw, sinuntok s’ya ni Ted kaya sabay kaming natumba sa lupa.
“Tigilan ninyo ako!” Sigaw ni Ted sa’min.
“Anong ibig sabihin nito?” Tanong ko sa kanya, gusto ko rin s’ya suntukin katulad ng ginawa ni Quinn pero pinipilit ko s’yang intindihin, baka may paliwanag s’ya ditto, lahat ng bagay may paliwanag s’ya, para s’yang si Quinn may dahilan bago magalit, pero ano ang nangyayari sa kanila?
“Kong ako sa inyo umalis na kayo hangga’t kaya pa ninyo tumakas na kayo para hindi kayo madamay,” saka s’ya tumalikod at iwan kami.
Habang kami ni Quinn nakasalampak pa rin sa lupa, nakatingin sa paglayo n’ya sa’min.
***
‘Yon na ang huli naming pag-uusap, hindi namin nalaman kong ano ang dahilan n’ya at nong sabihin ko kila Gaile tungkol do’n, hindi ko na rin ang galit at inis nila kay Ted.
-----
Note: Dapat bukod ang chapter or POV ng ibang character pero nakakatamad magdagdag ng another story kaya ditto ko na lang isisingit, para rin maintindihan ninyo kong anong nangyayari sa kanila habang wala sila or hindi nila kasama si Ted or ni Charlie, o sa madaling salita malaman natin ang buhay ng ilang Null habang nasa labas sila, kong ligtas pa ba sila or baka mamamatay na sila sa gutom at pagod. Thank you sa magnaghintay, enjoy.
YOU ARE READING
Project Null
Science Fiction(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
