Chapter 36

220 17 0
                                        

Chapter 36

Ramdam ko pa rin 'yong kalabog ng puso ko sa loob ng dibdib ko at taas-baba ang balikat ko para lang habulin ang hininga ko. Nababalutan kami ng kadiliman sa lugar na 'yon, tumingala ako sa kalangitan at bituin na lang ang naroon. Mga nagtaasang puno ang nakapalibot sa amin at wala na kami sa gusaling 'yon pero naroon pa rin 'yong takot ko makawala lang sa kanila. Napakatahimik at tanging kuliglig ang naririnig ko.

Nagulat na lang ako nong may yumakap sa 'kin, "na-miss ka namin."

Bumalik ako sa realidad at tama nga wala na ako ro'n. Hindi na ako pwedeng mangamba. Bumitaw siya kaya humarap ako sa kanya, nasisilayan ko ang ngiti ni Alto na tuwang-tuwa na makita ako at katabi niya si Ian.

Isa-isa ko silang tinignan, may ilan silang kasama galing sa guild noon, naroon si Gaile na kausap sila Nyra at Jacob na animoy kinukumusta. Napasulyap ako kay Jordan at hanggang ngayon hawak pa rin ang baril na ginamit niya kay Night. Seryoso siyang nakatitig sa 'kin bago niya binawi.

"Kumusta ka na? Anong ginawa nila sa inyo?" Nag-aalalang tanong ni Ian.

Bago pa man ako makapagsalita, nanguna si Jordan kaya napasulyap kaming lahat sa kanya.

"Mamaya na natin 'yan pag-usapan at do'n na natin 'yan sa sanctuary pag-usapan ang mga bagay na 'yan. Kailangan nating makabalik agad at baka mahanap nila tayo agad." Seryosong sabi ni Jordan.

"Tama, hindi imposibleng mahabol nila tayo," pagsasang-ayon ni Jacob.

Naglakad na sila paunahan kaya sumunod na lang ako sa kanila.

"Pero paano naman 'yong ibang naiwan?" Tanong ko sa kanila.

"Naghati-hati kami at baka ang iba'y nakuha nila. Kong sakaling may maiwan gagawa pa rin tayo ng paraan para makuha natin silang lahat." Sagot ni Gaile.

"Si Conan, kumusta na 'yong kapatid ko? Anong nangyari sa inyo nong magkahiwa-hiwalay na tayo?"

"Malalaman mo rin pagdating pero ayos lang ang kapatid mo, nagiging iyakin nga lang siya simula nong magkahiwalay tayo," malungkot na sagot ni Ian.

Ang dami ko pang tanong sa kanila ngunit pinigilan ko na lamang ang sarili ko. Alam kong maipapaliwanag din naman nila sa 'kin kong anong nangyari sa kanila dahil mukhang ayos lang sila. Parang mas mukha pa silang mabuti kesa sa aming mga nahuli. Hindi pa rin mawala sa isip ko si Conan.

Patuloy lang kami sa paglalakad, unti-unti ko ng nararamdaman ang pagod ko at gutom. Siguro halos labing minuto kaming naglalakad sa kakahuyan bago kami huminto sa harap ng tampak na dumi ng mga natuyong dahon. Pinagtulungan nilang alisin 'yon hanggang sa lumitaw ang triangle na kulay puti na para bang lalagyan at gawa ito sa metal. May pintuan ito sa gitna. Lumapit do'n si Gaile at may hinawakan sa gilid. Ilang segundo lang nong makita kong dahan-dahan umaangat ang roll up na pintuan nito. Dahan-dahan akong sumilip at nakita kong may hagdan ito pababa.

"Halika na," yaya ni Ian nong makitang nag-aalangan akong sumunod sa kanila.

Pinagtulungan nila sila Jacob na buhatin na nakaupo sa wheelchair. Si Ian ang nakahawak sa unahan at si Alto naman ang sa likod nito. Maingat silang bumababa. Sumunod naman si Nyra, Gaile at ilang kasamahan namin. Huminto si Jordan at napasulyap sa 'kin.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya.

"Ligtas ba dito?" Tanong ko sa kanya imbes na sagutin ko ang tanong niya sa 'kin.

"Sila ang umampon sa amin nong walang-wala na kami at alam kong mas mapagkakatiwalaan sila kesa sa mga kumuha sa inyo." Sabi ni Jordan bago siya bumaba at saka naman ako sumunod.

Kosang sumara ang roll up na pintuan na bakal nong makapasok na kaming lahat. Nong makababa na kami sa hagdan unang sumalubong sa amin ang mahabang pasilyo, sa dulo ro'n may isa pang bakal na pintuan at salamin sa gitna. Hindi ko maaninag sa kabilang silid nu'n o kong ano man ang meron do'n. Lahat kami'y huminto sa pintuang 'yon bago naman uli magbukas ang pintuan. Habang papataas ang pintuan una kong nakita ang mga pares ng sapatos na meron do'n.

Tuluyang umangat ang pintuan at napasulyap ako sa mga taong naghihintay sa amin. Mukha silang bata ngunit mas matanda ang edad dahil na rin sa mga matured nilang mukha. Nakangiti ang lalaking nasa gitna at hindi ko naman makitaan ng ekspresyon ang mga kasama nito.

"Welcome to sanctuary!" Maligaya niyang bati sa aming bagong dati.

Nasa sanctuary na kami? Unang na isip nong marinig ko ang tungkol sa sanctuary ay parang guild ang itsura nito na para bang paraiso sa mga Null na katulad namin. Hindi ko akalain na mas tago pa pala ito sa inaakala ko. Hindi rin siya mukhang paraiso dahil hindi ito nalalayo sa lugar nila Percival na hawak ng gobyerno para sa mga katulad namin. Makabago at puno ng teknolohiya ang lugar na ito. Sa pagkakataon na 'yon nangamba ako.

"Bago natin magkausap-usap lalo sa mga bagong bisita, mas magandang dalhin muna natin sila sa mga magiging silid nila at bigyan din sila ng makakakain para makapagpahinag rin." Paliwanag nong lalaki.

"Sumunod kayo sa amin," sabi nong babae maputi ang buhok, may bangs at straight na hanggang balikat. Mas matangkad siya sa 'kin at lalo na kay Gaile. Sumunod kami ro'n nila Nyra habang tulak-tulak niya si Jacob.

Sandali akong napasulyap kila Jordan at hindi sila sumunod sa amin saka ako tuluyang sumunod sa mga kasamahan ko. Wala akong makitang nakakamangha sa lugar kong di puro lang din pasilyo hanggang sa makarating kami sa parang mataas na parte nong gusali at wala rin akong makitang bintana para masilayan ang labas. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa takot na baka mauulit na naman ito katulad sa mga kalaban.

Sumakay kami sa loob ng elevator at ilang minuto lang nong lumabas kami. Pasilyo na naman ang bumungad ngunit sa pagkakataon na ito may mga nakakasalubong kaming mga kabataan at napasulyap ako sa gilid namin dahil may mga bintanang salamin kong saan matatanaw mo ang babang palapag at tumingala naman ako nong makita kong ganu'n din ang nasa taas.

Para itong napakalaking gusali na nasa ilalim ng lupa dahil may ilang sobrang bato at nagkakapalang lupa na pinagkakabitan ng gusali na kitang-kita. May nakapasok ng ugat sa lupa at mga halaman ngunit parang hinayaan lang nilang mangyari 'yon.

Muli kaming pumasok sa isang pasilyo ngunit mas maluwag kumpara sa kaninang dinadaanan namin. Hilera ng mga pintuan, huminto kami sa isa sa mga 'yon, "iyang tatlong magkakasunod sunod na silid ang magiging silid ninyo simula ngayon," binuksan niya kong na saan nakatapat si Nyra.

Bahagya akong sumilip at kompleto ang gamit sa loob. May nakabukas na pinto do'n papunta sa banyo.

"Pwede bang samahan ko muna si Jacob kasi hindi niya kaya ng mag-isa at kailangan na may tutulong sa kanya," sabi ni Nyra.

"Ayos lang kong 'yon ang gusto mo." Sagot nong babae.

"Paano nabuo ang sanctuary?" Bigla kong tanong sa kanya.

"Mamaya ipapaliwanag namin ang dapat ninyong malaman, sa ngayon magpahinga na muna kayo at pagkatapos ninyong makapaglinis ng mga katawan may maghahatid din ng mga pagkain ninyo sa bawat silid." Sabi niya.

"Salamat," sabi ni Nyra, malayo na siya sa nakakatakot na Nyra katulad kanina habang pinapatay niya si Billy at napakaamo na naman ng mukha niya.

"Walang anuman," sagot nong babae habang nakangiti ng tipid.

Nong makapasok si Nyra sinara nong babae ang pintuan ngunit pinigilan ko siya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Hindi ba ninyo kami i-lock dito katulad ng ginawa nila?" Tanong ko sa kanila dahil na-trauma na talaga ako sa lahat ng nangyari.

Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin, "alam mo bang hindi namin kailangan ng mga katulad mong walang tiwala sa sanctuary, kong ganyan din lang iniisip mo sana nong una pa lang hindi ka na tumuloy, maayos kaming tumutulong sa lahat ng Null, alam ko ang takot at pangamba mo dahil nararamdaman ko 'yon. Umaalingasaw pero 'wag mo kaming itulad sa kanila. Willing kaming palabasin ka kong ayaw mo rito."

Napalunok ako at hindi nakapagsalita. Tinitigan lang niya ako gamit ang malalamig niyang mga mata bago niya ako iwan do'n na nakatayo.

-----

Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Wattpad mababasa ang kwento na ito. Kong malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad sa totoong author nito. Maraming salamat. 

Project NullWhere stories live. Discover now