Chapter 33
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan, nanatili akong gising buong magdamag, nakaupo sa iisang sulok at nakatitig sa pader na akala mo may kakaibang nangyayari pero wala naman.
Hinang-hina na ako at hindi nila ako pinalabas para maghapunan, hindi ko alam kong anong oras na, kong inabutan ba ako ng gabi, hindi na rin ako makapag-isip ng tama, siguro nga mas magandang sabihin na wala nang pumapasok sa isip ko.
Napasulyap ako sa dalawang guard na mukhang kukunin ako, may isa pang doctor na pumasok, nanlalabo ang paningin ko sa kakaiyak kagabi, nanghihina, walang tulog at nagugutom. Naghalo-halo na ang emosyon at nararamdaman ko ngayon, para bang ano mang oras pwede nang bumigay ang katawan ko.
Hindi sila nagsasalita, lumapit ang parehas na guard para kunin ang magkabilang braso ko, pinapatayo nila ako, hindi na ako nakipagtalo kahit na gusto ko silang tanungin kong saan nila ako dadalhin, basta na lang nila ako hinila patayo, ramdam ko ang mabigat kong katawan, isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng bumigay nang tuluyan ang katawan ko at bumagsak akong nakadapa sa sahig.
Narinig ko ang doctor na nag-histerikal sa nangyari at hanggang sa bawian na ako ng lakas.
Sana nga mawala na ako.
Nakaramdam ako ng kaginhawaan sa pakiramdam at para bang nanumbalik ang lakas ko.
Sa pagdilat ng aking mga mata una kong nakita ang pamilyar at puting kisame ng silid kong saan nila ako kinukulong.
"May iba ka pa bang nararamdaman?" Narinig ko ang malambing na boses sa tabi ko.
Napatingin ako sa kaliwa kong saan may upuan doon sa tapat ng higaan, nakaupo si Zaquea at ang mata n'yang singkit ay nakatitig sa'kin.
Hindi ako sumagot sa kanya.
Dahan-dahan akong umupo, wala na nga akong nararamdaman na kahit na ano, s'ya ba ang may gawa nu'n? Kong ga'nun parehas sila ni Jesse ng null power?
"Sa susunod wag mo nang papabayaan ang sarili mo, maraming nag-aalala sayo."
"Oo nga ano, kaya pala ako nandito," sarkastikong balik sa kanya.
Hindi ko lubos maisip na ang katulad n'ya ay mapapasama sa grupo nila Percival o katulad din s'ya ni Ted na maamo sa panlabas at may tinago ring tunay na ugali sa likod ng maskara nila.
Tumayo na s'ya, papaalis pa sana s'ya nang muli s'yang humarap sa'kin, tinuro n'ya ang pagkain ng tray sa lamesa at muli ako tumingin sa kanya.
"Magpalakas ka, marami ka pang pagdaraanan sa loob ng Camp na 'to bago mo magagawa ang plano mo, magiging katulad din kita, sa una hindi mo magugustuhan ang sistema nila pero dahil gusto mong mabuhay magbabago lahat nang pananaw mo, makikita mo na lang ang sarili mong susunod sa utos nila lalo na kong para sa mahal mo."
Nang iwan s'ya ng katanungan sa isip ko, hindi ko alam kong sino ang pinapatungkol n'ya sa'min kong ako ba o s'ya.
Saka n'ya ako tuluyang iniwan.
Muling umalingangaw ang pagsara ng silda ko.
Napasulyap akong muli sa lamesa kong saan may pagkain, saka ako lumapit at nilantakan 'yon, bigla akong bumalik sa tamang pag-iisip, nasa labas pa si Conan, hangga't nabubuhay ako, si Conan na lang dahilan para makatakas ako at ilayo s'ya sa ina n'ya.
Pagkatapos kong kumain at makapangpahinga, halata talagang binabantayan nila kami, may pumasok na isang babaeng guard, binaba sa kama ko ang isang pares ng bagong damit at isang combat shoes.
"Magpalit ka, bilisan mo at hihintayin kita sa labas," sabi n'ya.
Lumapit ako sa bagong pares ng damit, itim na pants at itim na fitted blouse, ano naman kaya ang ipapagawa nila sa'kin? 'Yon ang tanong ko, pero bago pa man magalit ang guard sa'kin, agad na akong nagpalit.
YOU ARE READING
Project Null
Science Fiction(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
