Chapter 11

585 24 0
                                        

Chapter 11

Nakilala namin si Lola Zen, tinulungan nila Quinn, Ted at Alto na magtulak ng kariton si lola samantalang nasa kotse naman kaming mga babae sa at si Conan habang ako naman ang nag-drive ng kotse, sinundan namin sila kong saan ang direksyon ng daan.

Humingi sila ng tulong kay lola kong pwedeng magpahinga kahit sandali sa kanila, hindi ko naman sila masisisi dahil mahaba-haba at malayo-layo na rin ang nilakbay nila, sabi n'ya may maliit s'yang bahay sa bukid na hindi naman ga'nong malayo.

Habang nag-drive napapatitig ko kay Ted, masaya s'yang nagtutulak habang nakikipagkulitan kay Alto, hindi nila pwedeng ipakita ang tunay na Null sila kailangan naming magpanggap na kami'y grupo ng kabataan na mahilig lang mag joy ride at kong saan-saan pumupunta, baka matakot si lola sa'min kahit na ko ang normal sa kanila.

Ilang minuto ang nakalipas nang marating namin ang sinasabi n'yang bahay. May munting kubo sa gitna ng bukid na napapalibutan ng iba't ibang pananim ng gulay, may iilang nagkalat na manok, may lamesang gawa sa kawayan, sa gilid ay may malaking puno ng manga ay may palayan din sa kanan.

Isa-isa kaming bumaba at tinulungan si Lola, sabi n'ya galing daw s'ya sa bayan para ibenta ang mga manok at ibang gulay kaso wala namang bumili, nakaramdam ko ng awa kay lola dahil matagal na raw patay ang asawa n'ya at hindi sila nabiyayaan ng anak, nasa late 50's na si lola kaya makikita ang kulay puting buhok n'ya at kuba n'yang likod.

Pinaupo n'ya kami sa harapan ng mahabang lamesa na gawa sa kawayan.

Tinulungan namin s'yang ilagay do'n ang mga dala n'ya.

"Ngayon na lang uli ko nakakita ng mga turistang dumaan dito, hindi ko na matandaan ang huling may bumisita at humingi rin ng tulong sa'kin," masaya n'yang kwento kaya napangiti ko.

"Pero lola hindi kami pamilyar na lugar, malayo pa ba ang siyudad dito?" Tanong ni Alto habang binabalatan ang saging ni hindi man lang nagpaalam kay lola.

Sinamaan s'ya ng tingin ni Gaile ngunit hindi pinansin ni Alto 'yon at nagpatuloy lang s'ya.

"Ang siyudad na malapit dito ay Maple City pero hindi ko alam kong ga'no kalayo 'yon, hindi ko na matandaan dahil bata pa ko nang makarating ako ro'n." Sagot ni lola.

Tumango-tango naman si Alto habang ngumunguya ng saging, kanina pa s'ya kumakain, hindi pa ba s'ya nabubusog?

"Mas maganda kong tulungan na lang ninyo kong maghanda ng makakain ninyo ngayong tanghalian---"

Agad kaming tumanggi, "naku wag na po lola!"

"Ayos lang kami at hindi kami magtatagal."

"Naku lola nakakahiya."

Sabay-sabay naming sabi, nakakapagod para sa edad n'ya ang magluto kahit na tulungan namin s'ya.

"Ano po bang pagkain ang lulutuin mo lola?"

Lahat kami ay napasulyap kay Alto na parang s'ya lang ang sumang-ayon sa plano ni lola, napangiwi ko habang sila ay ang sama ng tingin sa kanya, pero nagkipit-balikat lang si lola.

"Sige na masaya kong nakakatulog sa iba, siguro 'yon ang misyon ko sa mundo ang tumulong sa nangangailangan," masaya n'yang giit.

Sa huli pumayag kami sa gusto nila pero maaring hindi mapapagod si lola, balak n'yang magluto ng tinolang manok, inihaw na manok, pinakbet at nagsaing din kami ng bigas, may kanya-kanya kaming trabaho, marurunong din naman magluto ang mga kasama ko, pero napansin ko Alto pasilip-silip lang sa ginagawa namin habang kumakain ng saging, napailing na lang ko.

Nang matapos kaming magluto at maghanda ng kakainin naming sa lamesa, natuwa kami sa nagawa naming, ga'nun din si lola, pinupuri n'ya kami sa mga niluto naming.

Project NullWhere stories live. Discover now