Chapter 35
Nang makatakas ako sa mga guwardiya agad akong tumakbo at nakisabay sa mga ibang Null na gusto ring makatakas. Napahinto ang ilan nong magsidatingan ang ilang guwardiya para hulihin ang mga nakawalang Null. Bago pa man nila ako maabutan ay agad akong pumasok sa kabilang pasilyo at sa pagkakataon na 'yon ay wala akong masyadong kasabay sa pagtakbo para makalayo sa mga kalaban.
Ngunit hindi ko inaasahan nong biglang may bumangga sa 'kin. Natumba ako sa sahig nong maramdaman kong may bumanga sa paanan ko at may dumagan pa sa 'king katawan.
"Aray!"
Narinig ko namang may napamura nong bumagsak siya pero agad siyang gumulong palayo sa 'kin.
"Naku, sorry Charlie!" Sigaw ni Nyra.
Dahan-dahan akong tumayo at agad na lumapit kay Jacob na nakasalampak sa sahig, lumapit din si Nyra sa 'kin para pagtulungan namin siya na maibalik sa wheelchair nito. Bigat na bigat kami sa kanya ngunit naibalik namin siya.
"Dali!" Sigaw ko at tinulak agad ni Nyra ang wheelchair ni Jacob kong na saan siya. Sumabay ako sa pagtakbo sa kanya pero napahinto kami sa kalagitnaan nong humarang sa dulo si Celeste.
Ang sama ng pagkakatitig niya sa 'kin.
"Hindi pa tayo tapos, hayop ka!" Sigaw niya.
Agad kaming umatras pero bago pa man kami makalayo bigla ring humarang sa kabilang dulo ng pasilyo si Billy. Napapagitnaan kami at hindi namin koong saan kami pwedeng dumaan para makatakas sa kanila. Nagulat na lang kami nong biglang sumugod si Celeste sa amin pero bigla na lang siyang bumulagta sa sahig at napasigaw habang hawak ang ulo niya.
"Tama na!" Sigaw niya.
Naging alerto ako nong makita kong papasugod si Billy sa amin ngunit agad siyang ginamitan ni Nyra ng kapangyarihan niya. Biglang na lang naglabasan ang mga ugat galing sa mga halamang malapit sa amin. Umangat ang katawan ni Billy kahit na nagpipigil siya, palibot ang ugat nito sa katawan niya at kahit anong gawin niya'y wala siyang magawa. Nanggigigil si Nyra at halos pumuti na ang mga mata niya dahil sa galit na pinapadaloy niya kanyang kapangyarihan sa kanyang kalaban.
Halos mapilipit na ang balat at buong katawan ni Billy sa sobrang higpit ng pagkakapulupot ng halamang ugat sa katawan nito.
"Tama na yan!" Sigaw ko kay Nyra pero hindi niya ako pinakinggan at hindi ko alam kong saan nang gagaling ang galit niya para gawin niya ito kay Billy. Sa kabilang banda naririnig ko pa rin ang paghingi ng tulong ni Celeste at patuloy ang pamimilit ng katawan niya sa sahig habang hawak-hawak pa rin niya ang kanyang ulo.
Itinago ko ang mukha ko gamit ang mga braso ko nong bigla na lang sumabog ang katawan ni Billy sa ginawa ni Nyra. Nagtalsikan ang iba't ibang parte ng katawan nito sa sahig at mga dugo nito sa aming mga damit. Kasabay nu'n ang biglang pagtahimik ni Celeste nong makita ko siya, nakanganga ang bibig niya at nanigas ang katawan niya sa sahig habang nakatirik ang mga mata niya.
Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko sa kaba at takot sa kapangyarihan na meron ang dalawang kasama ko. "Anong ginawa ninyo sa dalawang 'yan?"
Wala akong nakikitang awa sa mukha ni Nyra habang tumutulo pa sa kanyang mukha ang dugong tumalsik na galing kay Billy.
"Dapat lang 'yan sa kanila, dapat lahat sila'y mamamatay katulad ng ginawa nila sa ibang Null sa guild at ang ginawa nila sa mga magulang ko." Puno ng paghihinagpis si Jacob.
Natauhan kami nong makarinig kami ng ingay sa dulo ng pasilyo, "halika na!" Ako na ang tumulak sa wheelchair ni Jacob at sumabay sa pagtakbo si Nyra sa amin. Kumanan kami sa kabila at kumaliwa. Patuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa makita namin ang ibang Null na kinakalampag ang pintuan na hanggang ngayo'y sarado pa rin para makalipat kami sa kabilang pasilyo. Napansin kong isa-isang nagsasara ang mga pintuan ng pasilyo para hindi makawala ang iba.
"Hindi tayo pwedeng maghintay, kailangan nating gumawa ng paraan!" Sigaw ni Nyra.
"Dito! Dito!" Sigaw ko at pumunta naman kami sa isang pasilyo bago pa man kami masarahan nong pintuan.
Halos malapit na kaming makalapit sa kabilang pasilyo nong makarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko.
'Charlie!'
Walang boses ngunit narinig ko ang pamilyar niyang boses sa isip ko. Alam kong siya 'yon dahil siya man lang ang madalas gumawa nu'n.
"Anong problema?" Tanong ni Nyra.
"Halika na!" Sigaw ni Jacob.
Hindi ko na nagawa pang kumilos nong mapabitiw ako sa hawakan nong wheelchair ni Jacob.
'Charlie, 'wag mong gagawin 'to, may paraan pa, 'wag mong ibubuwis ang buhay mo para lang dito.'
Hindi ko siya maintindihan, sino siya para sabihin niya sa 'kin 'yon? Pero nararamdaman kong nandito lang siya malapit at para bang pinapanood niya ako mula sa malayo. Para bang may sariling mga buhay ang mga paa ko nong humarap ako sa dulong pasilyo at nakita ko siyang nakatayo ro'n.
Nakita ko si Ted na nakatingin sa 'kin ng seryoso. Nakatayo sa likuran niya ang kanyang kapatid na si Percival at ang mga kasamahan niya. Si Percival lang ang nakangisi sa kanila at para bang handa na niyang hulihin isa-isa sa amin.
"Maawa kayo sa mga sarili ninyo at wala ng tutulong sa inyo. Useless lang ang pagtakbo-takbo ninyo dahil hindi kayo makakatakas sa amin!" Sigaw ni Percival mula sa dulo. Mataas pa rin ang tingin niya sa kanyang sarili.
Sumenyas siya kay Night at papalapit siya sa direksyon namin. Napaatras ako at ganu'n din ang dalawa ko pang kasama. Bago pa man siya tuluyang makalapit sa amin isang malakas na pagputok ng baril ang umalingawngaw sa buong silid at bigla na lang bumulagta si Night sa sahig. Namimilipit at sumisigaw sa sakit habang hawak ang balikat niya.
"Lintik hulihin sila!" Sigaw ni Percival.
Pagsulyap ko sa kabilang pasilyo kong saan nang gagaling ang ingay na 'yon, laking gulat ko na lang nong makita ko ang grupo nila, para bang nabuhayan ako ng dugo at hindi ko akalain na andito sila.
"Halika na!" Sigaw ni Nyra.
Para bang bumagal ang mga oras na 'yon. Sigaw sila ng sigaw na para bang niyaya kaming makapasok kong na saan sila. Saka ko lang naalala na nagmamadali kami nong makita kong papasara na ang pintuan.
"Charlie, dali!" Sigaw ni Alto.
Mas lumalakas ang kalabog ng dibdib ko sa kaba. Tumulong na ako kay Nyra ang itulak ang wheelchair ni Jacob habang humahabol sa likod namin sila Ted. Kaunti na lang at malapit na kaming makapasok. Tuluyan na kaming naipasok si Jacob, hinila ako ni Jordan nong madulas ako sa sahig bago pa man magsara at maipit ang paa ko. Hingal na hingal ako at napabitaw kay Jordan nong makita kong kinakalampag nila bakal na pintuan.
"Bukas na ang pinto, halika na bago pa man magsara," wika ni Ian at agad kaming napasulyap do'n sa portal na binuksan niya.
Pumasok kami ro'n at nakita kong nakatitig ang mga mata ni Ted na puno ng pag-aalala ang mga mata niya bago pa man magsara ang portal.
-----
Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copy. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo mababasa Wattpad ang kwento na ito. Kong malaman ninyo o nabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad. Maraming salamat.
YOU ARE READING
Project Null
Science Fiction(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
