Chapter 28

473 21 5
                                        

Chapter 28

“Sorry.”

‘Yan ang una kong narinig galing sa kanya nang magising ang diwa ko, hindi ako makagalaw kong na saan ako nakahiga, gising ako pero hindi ko magawang buksan ang mga mata ko.

Ramdam ko ‘yong dalawang kamay n’ya na mahigpit na nakakahawak sa kanan kong kamay, sobrang lamig sa silid kong na saan ako, may kong anong nakapasak sa butas ng ilong ko, alam kong normal ang lahat, ramdam ko ang katawan ko at buong paligid ko, o baka mamaya nasa ilusyon na naman ako.

“Sorry,” muli ko na namang narinig ang boses n’ya.

Gusto ko s’yang sigawan, gusto kong magalit sa kanya, ano ba ‘tong pinapakita n’ya? Isa rin ba ‘to sa ilusyon, bakit ba s’ya sobrang nag-aalala?

“Hindi ko sinasadya, alam ko wala akong karapatan sa ‘yo, alam kong galit ka sa ‘kin, hindi mo rin naman papakingan ang paliwanag ko eh.”

Katahimikan ang namayani, gusto kong sumagot pero hindi ko magawa, nanatili akong nakikinig sa kanya.

“Alam kong hindi mo ko maintindihan, pero gusto ko pa rin humingi ng patawad, gagawin ko hanggang sa huli kong hininga.”

Ted isa na naman ba ‘to sa pagkukunwari mo? Bakit nasasaktan ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig n’ya?

Naramdaman ko na lang na may tumulong luha galing sa mata ko kahit nakapikit.

Naramdaman ko ang maingat n’yang paghawak sa pisngi ko at ang hinlalaki n’ya na pinupunasan ang luha ko sa mukha.

Umakyat ang hawak n’ya sa sindito ko, pamilyar ang hawka na ‘yon.

“Wag mong gagawin ‘yan.”

Isa pang pamilyar na boses ang narinig ko, inalis ni Ted ang pagkakahawak n’ya sa sindito ko.

“Wag na wag mong gagawin ‘yan, alam mo naman kong anong mangyayari pag nalaman n’ya, pagbumalik ang alaala n’ya alam mo kong ano mangyayari.”

Anong ibig sabihin n’ya?

“Alam mo kong anong pwedeng gawin ng kuya mo pag ginawa mo ‘yan.”

“Natatakot ka pa rin sa kanya?” Tanong ni Ted, hawak pa rin n’ya ang kamay ko.

“Ikaw takot ka rin naman sa kuya mo.”

“Umalis ka na noon, pero tignan mo nakabalik ka dahil sa kanya, kasi alam n’ya kong pa’no ka n’ya hahanapin, sa oras na mawala ka na naman at si Charlie, alam mo na mahahanap ka pa rin ng kapatid mo, tuso si Percival, alam natin s’ya, tuta s’ya ng Dr. Ramirez, alam kong si Percival ang papalit sa mama ninyo.”

Mas lalo akong naguluhan sa narinig ko, may mga hindi pa ba ako alam sa totoong nangyayari?

“Kaya kong balak mong ibalik alaala n’ya, wag mo nang ituloy dahil mas maganda na rin na inalis mo ang alaala n’ya noon at wala s’yang alam sa totoong nangyayari.”

Namayani ang katahimikan, hindi ko na rin naramdaman ang hawak ni Ted sa kamay ko, ramdam kong wala nang tao sa silid.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko, una kong nakita ang sobrang puting kisame, hinanap ko si Ted at ‘yong kausap n’ya pero hindi ko sila nakita, mula sa kama, upuan at mumunting lamesa, puros kulay puti.

Napasulyap ko sa pintuan nang bumukas ito, isang doctor na babae ang pumasok, “gising ka na, pwede ka nang magtanghalian,” sabi n’ya sa ‘kin.

Hindi ko alam pero nalilito ako, ang dami na namang tanong sa isip ko, totoo na ba ‘to?

Project NullWhere stories live. Discover now