Chapter 29

334 17 1
                                        

Chapter 29

Pagkatapos naming kumain, isa-isa nila kaming sinundo at dinala sa isa pang silid, sa silid na ‘to nagsama-sama ang mga kasing edad ko, may kanya-kanya kaming lamesa, papel, libro at ilang kagamitan tungkol sa kursong kinukuha namin sa kolehiyo, hawak-hawak ko ang ballpen at pinaikot-ikot sa daliri ko habang pinagmamasdan ang iba na busy sa pagbabasa at ilang pagsusulat na para bang normal lang ‘yon sa kanila.

Sabi ng doktorang naghatid sa’min ditto, ito raw ang oras para ipagpatuloy ang pag-aaral na madalas naming ginagawa sa labas, puros kulay puti ang makikita mo sa mga kagamitan at silid, may mga libro rin sa bookshelves, white board at lamesa nang katulad ng nasa paaralan.

Ang pagkakaiba nga lang silid aralan ‘to para sa mga Null na nahuhuli nila, para pa rin kaming nasa kulungan kahit sabihin nilang kumilos kami ng parang normal katulad dati, pa’no ako kikilos ng normal kong alam kong nasa panganib ang buhay ko? Imbes na professor ang magbantay sa’min, doctor at mga sundalong may mga hawak na baril na sa oras na hindi kami sumunod sa kanila madali lang nila kaming papatayin.

Binitawan ko ang ball pen na hawak ko, inaalala ko pa rin si Conan? Kamusta na kaya sila? Pa’no kong hinahanap din sila? Pa’no kong nagsinungaling na naman sa’kin si Ted? Sabi nga ni Jordan wag akong magtitiwala sa kanya, kahit ba sarili hindi ko na rin pwedeng pagkatiwalaan dahil hindi ko na alam kong anong nangyayari sa’kin.

Napasulyap ako sa likuran, nakita ko sila Nyra at Jacob na tahimik na nag-uusap do’n, para nga si Nyra lang ang tahimik na nagsasalita at tulala si Jacob.

Tumayo ako at lumapit sa kanila, ngumiti si Nyra pero kitang-kita ang lungkot sa mga mata n’ya.

“Pwede bang sumali sa inyo?”

“Oo naman.”

Umupo ako sa bakanteng upuan malapit sa kanan ni Nyra.

Marami akong gustong itanong pero kailangan kong ingatan ang mga salitang lalabas sa bibig ko lalo na’t para kay Jacob na malubha pa ring nagluluksa para sa mga magulang n’ya, walang sino mang anak ang matutuwa kong papatayin nila ang magulang mo sa harapan mo mismo.

“K…Kamusta na kayo?”

Ngumiti lang si Nyra pero napansin ko ang pagtutubig ng mga mata niya hanggang sa mag-unahang tumulo ang mga luhang sa tingin ko matagal na n’yang pinipigilan, hindi ko maiwasang maawa at mahawa sa nararamdaman n’ya, pare-parehas kami.

Ano ba ‘tong kalbaryong dinadanas namin? Kailan ba ‘to matatapos? Sana isa na lang ‘tong masamang panaginip.

Hahawakan ko sana si Nyra nang makita kong nilayo siya ni Jacob sa’kin, hinila s’ya palayo sa’kin, nagtaka ako sa inakto n’ya, ang sama ng tingin n’ya sa’kin, nanlilisik ang mga mata n’ya na para bang may ginawa akong krimen.

“Wag kang makalapit-lapit sa’min,” matitigas ang mga salitang lumalabas sa kanya, nanginginig ang mga kamay n’ya sa galit at ang mga mapupula n’yang mga mata ay nakatitig sa’kin para bang may malaki akong kasalanan sa kanya.

“Ano ba Jacob? Hindi kasalanan ni Charlie kong ano ang nangyayari sa’tin ngayon?” Saway ni Nyra, “wag kang ganyan Jacob hindi ‘to ang oras para manisi tayo ng ibang tao,” hagulgol ni Nyra.

Natulala na lang ako sa kinatatayuan ko nang makita kong umiiyak na rin si Jacob, tinakpan n’ya ang mukha n’ya at halata sa nanginginig ng mga kamay at pagtaas-baba ng balikat n’ya ang sobrang-bigat ng nararamdaman n’ya, pare-parehas kami.

“Charlie.”

Narinig ko ang pamilyar na boses na tumawag mula sa likuran ko, dahan-dahan akong humarap sa kanya, nakikita ko sa mukha n’ya ang pag-aalala sa mga mukha n’ya, lumapit s’ya sa’kin at yinakap ako, may kasama pa s’yang isang doctor, ano bang ginagawa ni mama ditto?

Lumayo s’ya sa’kin, hinaplos ang luha sa pisngi ko at inaayos ang ilang hibla na tumatakip sa mukha ko, “mag-uusap tayo ah, halika na.”

Wala akong nagawa kong di magpatangay sa kanya, marami rin akong gustong itanong sa kanya, ito na ang pagkakataon ko para malaman ang mga kasagutan na ‘yon.

Binalik nila ako sa silid ko kasama s’ya, bago pa man ako umalis nakita ko sa mga mukha nila Nyra at Jacob ang pagtataka nang tawagin kong ‘mama’ samantalang nandito s’ya.

Nakaupo kami sa magkabilang upuan sa gitna ng hugis kahon na lamesa, nakatingin lang kami sa isa’t isa, hindi ko alam kong sino ba ang dapat mauna sa’min magsalita, ako ba o s’ya?

Hanggang s’ya na mismo ang bumasag ng katahimikan na namamagitan sa’min, “patawarin mo ko,” mahina n’yang saad.

“Bakit kailangan mangyari ‘to?”

Sa dami nang gusto kong itanong, ito ang tanging lumabas sa bibig ko, gusto kong magalit sa kanya, pero nanghihina na ako sa mga nangyayari, gusto ko na lang s’ya kausapin ng maayos.

“Bakit ka nandito? Anak mo ko mama, hindi gugustihin ng isang ina na mapahamak ang anak n’ya diba, ma sabihin mo sa kanila na pakawalan nila ako, ang mga kaibigan ko at lahat ng mga nanditong kinulong nila, bakit ka ba kasali sa kanila?” Litong-lito na ako.

“Ma,” pagsusumamo ko sa kanya kasi ayaw n’yang magsalita, nakayuko lang s’ya, nakita ko ang mga luhang pumapatak sa lamesa galing sa kanya.

Tumingala s’ya at pinagmasdan ako, “patawarin mo ko kong bakit ka nadadawit ditto, pero wala akong karapatan para iligtas ka o pakawalan nila… patawarin mo ko kasi pinalaki kita sa kasinungalingan, patawarin mo ko dahil wala akong magagawa, patawarin mo ko pero hindi ako ang tunay mong ina.”

Hindi ko alam pero para bang literal na huminto ang mundo ko nang sabihin n’ya ang mga huling katagang sinabi n’ya, may kong anong pumukpok sa ulo ko at hindi mag-function ang utak ko.

“Patawarin mo ko,” tumayo na s’yang humahagulgol.

“A…anong ibig mong sabihin?” Bago pa man s’ya makalayo at makalabas, tumayo ako, sumunod sa kanya, hinatak ko ang kamay n’ya pero binawi n’ya ‘yon, dahil siguro sa panghihina sa katotohanang nalaman ko, bumagsak ako sa sahig, tuluyan na namang bumagsak ang luha ko, “anong ibig sabihin nu’n?” Hindi ako makahinga, nanginginig ang mga kamay ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at pagmamadali n’yang lumabas, muli itong nagsara, nanginginig akong tumayo, “anong ibig sabihin nito!? Ano!?” Kinalampag ko ang bakal na pintuan, hindi ko alam kong maririnig nila ako sa labas sa kapal nito at ako lang ang nasasaktan sa ginagawa ko.

“Mga hayop kayo, pakawalan ninyo ako mga hayop kayo! Anong ibig sabihin nito! Ano! Ano! Wag ninyong paglaruan ang buhay ko, anong klaseng katangahan ‘to! Mga tangina ninyo, ano to! Ano to! Mga hayop hayop kayo! Hindi…hindi…”

Hindi ko alam na nabubuhay ako sa kasinungalingan, ang buong buhay ko ay kasinungalingan.

---------

Note: So ‘yon nga guys, ngayon na lang nakapag-update, sorry din kong sobrang tagal na tapos ang igsi pa ng chapter na ‘to, wala eh kailangan ko pang mag-re-read para medyo maayos pa rin ang kwentong ito kahit papaano, so ‘yon dahil nasa community quarantine ang lahat, wala rin akong trabaho at nasa bahay lang, ito rin ang rason para makapagsulat ako kasi alam kong walang sagabal, thank you sa mga naghintay, tatapusin ko na s’ya kong maari, so ‘yong mga reader dyan, mag-ingat po tayo at sumunod sa utos ng pangulo, wag na pong lumabas ng bahay at magbasa na lang po tayo ng wattpad, comment naman kayo dyan.

Project NullWhere stories live. Discover now