Chapter 4
Nagising ako sa ingay sa paligid ko, sa pagdilat ko una kong nakita ang mabagal na ikot ng ceiling fan sa kisame at ang brown na kulay ng kisame.
Bigla na lang natahahimik ang paligid ko, umupo ako sa kama kong na saan ako, unti-unting namilog ang mga mata ko nang madatnan ko ang limang mukha ang naka-titig sa'kin, suot ko pa rin ang damit ko, nilibot ko ang tingin ko, parang ang dilim ng ilaw na gamit sa maliit na silid.
Naka-upo ang lalaking naka-itim sa sofa malapit sa kama, habang ang apat naman ay talagang naka-tayo palibot sa kama ko.
"Na saan ako? Sino kayo, bakit ninyo ko dinala rito?" Muli na naman akong yinakap ng kaba.
Mga Null sila walang duda sila rin 'yong mukha nong bago ako mawalan ng malay, sila rin ba ang may gawa nu'n sa'kin.
"Wala kaming gagawin masama sa 'yo," sabi ng lalaking naka-suot ng bilog na specs.
"Pa'no ko maniniwala sa inyo, kong mga Null kayo," balik ko.
Lahat sila'y natahimik, umiling ang babaeng kakaiba ang itsura.
"Sabi ko sa inyo hindi magandang ideya na dinala natin s'ya rito, para saan pa? Pag pinala natin s'ya sa malamang baka tumakbo 'yan sa police station o kaya magtawag 'yan ng swat team para lang ipahuli tayo, Ted," masungit na wika ng babae.
Sinundan ko s'ya ng tingin, naglakad s'ya sofa kong saan naka-upo 'yong lalaking naka-itim, napapa-ngiwi pa rin ako sa itsura ng babae.
Pulang-pula ang buhok n'yang mahaba na bahagyang kulutan ang dulo, pero shave ang kanang bahagi ng ulo n'ya kaya kalbo ang kalahati, itim na itim ang eyeliner at lipstick n'ya, may piercing sa ilong at sa ibabang bahagi ng labi n'ya, hindi bagay sa suot n'yang leggings, loose shirt na itim at naka-patong na pulang long sleeve na pula at itim n'yang angkle boots ang suot n'yang itim na gloves sa kamay.
"Kailangan pa rin natin s'yang maka-usap, sa tingin ko naman makaka-intindi naman s'ya eh," sabi naman ng lalaking naka-specs, kalmado s'ya, sa aura n'ya kahit wala s'yang suot na salamin mukha talaga s'yang matalino. Matangkad at patay s'ya, ang singkit n'yang mukha at makinis at maputi n'yang balat papasa n'yang miyembro ng isang boys, para ring pang shampoo commercial ang buhok n'yang nag-bounce pag gumagalaw s'ya.
Tinignan ko ang isang lalaki, highlighted ang buhok n'ya na kulay puti na para ring nag-silver pag-tumatama sa sinag ng ilaw at medyo wavy, pinag-masdan ko ang mata n'yang nagbabago mula sa itim at nagiging puti at muling babalik sa itim, naka-ngiti s'ya at kumaway sa'kin.
At ang pang lima ang babae nilang kasama na inosenteng naka-tingin sa'kin at bahagya rin akong binigyan ng ngiti, bumabagay ang maliit n'yang katawan sa brown n'yang buhok na hanggang likod ang haba, napaka-inosente nang mata n'ya at mukha, pa'no s'ya naging Null?
"Ano bang kailangan ninyo sa'kin?"
Nahinto sila nang magtanong ako at muling na sa'kin na naman ang atensyon.
Huminga ng malalim ang lalaking naka-specs bago nagsalita, "wala kaming gagawing masama sayo, hindi kami katulad ng iba na kinamumuhian mo," maka-hulugan n'yang wika.
"Tss, Ted hindi mo kailangan sabihin 'yan lahat sila kinamumuhian tayo," komento ng babaeng maigsi ang pasensyang naka-upo sa sofa.
"Manahimik ka nga!" Saway ng lalaking highlighted ang buhok.
"Ikaw na lang ang pag-asa namin."
Natahimik ako sa sinabi ng lalaking naka-salamin, "dalawang beses ka nang tinulungan ni Quinn---"
"Bakit ginusto ko bang tulungan ninyo ko, bakit hindi na lang ninyo ako hinayaan na mamamatay do'n?" Matigas kong sabi.
"Hindi, hindi mo kasi naiintindihan, Charlie."
ESTÁS LEYENDO
Project Null
Ciencia Ficción(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
