Chapter 21

457 21 6
                                        

Chapter 21

Sa pagdilat ng aking mga mata una kong nasilayan ang bughaw na kalangitan.

“Hoy babae tumayo ka riyan.”

Napakunot-noo ako at agad na napaupo nang marinig ko ang boses lalaki malapit sa’kin, nakaupo s’ya sa isang wheelchair, maaliwalas s’yang naka-tingin sa’kin, nakapahinga ang mga kamay n’ya sa magkabilang gilid ng wheelchair at ga’nun din ang paa n’ya sa patungan sa ibaba.

Naka-suot s’ya ng gray sweatpants, plain white t-shirt, jacket na itim at gray na tsinelas pang bahay, gulo-gulo ang buhok n’ya na para bang bagong gising.

“Sino ka at na saan ako?” Sabay tingin ko sa paligid.

Wala akong makita, para kaming nasa burol, punong-puno ng mga tanim na strawberry at sunflowers.

“Ako si Jacob ang magiging guide mo ngayong araw, itulak mo ko dali.”

Napataas ang isang kilay ko nang utusan n’ya ako.

Hinihintay n’yang gawin ko ‘yong inuutos n’ya kaya napasimangot s’ya sa’kin, “dali na, wag kang mag-alala nasa guild ka pa rin, ‘yon nga lang kinakausap kita sa panaginip mo, okay na ba?”

So Null din pala ang isang ‘to, “bakit tayo nag-uusap sa panaginip ko?”
Lumapit ako sa kanya at tinulak ang wheelchair n’ya.

“Kailangan kitang kausapin ayon na rin sa utos ni ama at ina, dahil baka mag-wala ka kong kakausapin at ipapaliwanag naming sayo sa normal na paraan,” paliwanag ni Jacob.
Mukha baa kong baliw sa kanya, insultuhin pa n’ya ako itutulak ko s’ya.

“Wag mong susubukan malalagot ka sa mag-asawa pag may ginawa kang masama sa kaisa-isang at gwapo nilang anak,” wika n’ya.

What?

Nawawalang kapatid ba ‘to ni Alto?
“Nope wala akong kapatid na baliw katulad ng kasama ninyo, pangit ang isang ‘yon.”

“Teka nga wag mong basahin ang nasa utak ko,” saway ko sa kanya.

“Masyadong magulo at maingay ang utak mo imposibleng hindi ko mabasa,” sabi n’ya.

“Sino bang ama at ina ang pinagsasabi mo?”

“Sila Christie at Laurence, ‘yong mag-asawang sumalubong sa inyo nong unang dating ninyo ng guild.”

So anak pala nila ang isang ‘to, mukhang maamo ang dalawang ‘yon pero ang isang ‘to hindi papasang anak nila.

“Bakit nga uli tayo nandito?” Pag-uulit ko sa tanong.

“’Yong pakikipaglaban mo kay Althea ang dahilan.”

Biglang sumagi sa’king alaala ang nangyari sa arena, tama.

“Ang kaisa-isang rules na nilabag ninyo sa pakikipaglaban na wag na wag gagamitin ng null power sa kada-isa ay sinaway ninyo.”

“Pero hindi ako ‘yon,” malinaw ang lahat na hindi ako isang null.

Tumawa s’ya na para bang nang iinsulto pero hinayaan ko na lang.

“Nakakasigurado ka ba dyan?”
Sa tanong n’yang ‘yon, muli kong inalala kong pa’no ko kinalaban si Althea at kong pa’no natapos ang lahat.

“Hindi mo pa hustong kilala ang sarili mo, Charlie, labing-siyam na taon ka na sa mundo ngunit nanatiling sarado ang isip mo, isa kang null at ang ginawa mo sa arena ang magpapatunay na isa kang null.”

Natigilan ako sa sinabi n’ya, napakalakas ng kabog ng dibdib ko, totoo ba ‘to, na isa akong null? Imposible. Ang lapit namin sa mga tanim ng sunflowers dahil sa paghinto namin.

Project NullHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin