Chapter 7

611 27 0
                                        

Chapter 7

Nang maka-layo ako sa kanila at dumiretso sa hagdan pero natigil ko sa paglalakad nang huminto mismo sa harapan ko ang dean namin na si Mrs. Cruz, inayos n'ya ang suot n'yang makapal na salamin, katabi n'ya ang dalawang police officer.

"Ms. Natividad," bungad sa'kin ni ma'am.

"Good afternoon po," bati ko sa kanila.

Bigla kong kinabahan sa mga titig nila sa'min.

"Buti naabutan ka namin, ipapatawag ka sana namin sa conference dahil kakausapin ka nila," turo n'ya sa dalawang pulis na katabi n'ya gamit ang hawak n'yang nakatuping papel.

Naningkit ang mga mata ko sa pagtataka, "para po saan?"

"Tungkol 'to sa nangyari kagabi sa intersection malapit sa inyo, mas maganda siguro kong sa conference na lang tayo mag-usap," sabi ni Mrs. Cruz.

Ow shit!

Wala kong nagawa kong di ang sumunod sa kanila.

Habang naglalakad ko at naka-sunod sa kanila, iniisip ko ang mga palusot na pwede kong isagot sa kanila, punyeta talaga anong gagawin ko?!

Malapit na kami sa pintuan ng conference nung lumabas do'n ang grupo ng rebel guy na naka-harap ko rin kagabi, napatingin sila sa'kin, halos lumayo sila at natatakot na dumikit nang makasalubong ko mismo na s'yang pinagtaka ko, para silang takot na takot sa'kin.

Hindi ko na sila nakita hanggang sa makapasok ko sa loob, namilog ang mga mata ko nang may mapagtanto ko, iniisip ba nilang ako ang may gawa nu'n sa kanila?

"Ms. Natividad dito ka umupo."

Bumalik ko sa wisyo nang tawagin ko ni Mrs. Dean at ituro kong saan ko uupo.

Sa loob ng mumunting silid, matatanaw sa bintanang salamin ang kabuuan ng field sa labas, may nag-practice ng soccer at may iilang naglalakad sa labas na mga estudyante.

Sa oblong na lamesa may mga swivel chair na itim sa palibot nu'n, nakaupo sa harapan ko ang tatlo sa kanang parte ng lamesa kaya sa kaliwa ko.

Pinakalma ko ang sarili ko at umaktong kalmado pero sa totoo lang nangingig ang tuhod ko sa kaba.

"May ilang katanungan lang sila officer Benjamin at officer Kelly, sana sumagot ka ng maayos at totoo," sabi ni Mrs. Cruz.

Tumango ako, "opo."

"Na saan ka ba kagabi around 12 midnight?" Tanong ni officer Kelly, s'ya 'yong pulis na medyo payat at maputla ang balat, istrikto kong maka-tingin ang mga mata n'ya.

Shit! Shit! Shit! Sabi na nga ba! Sigaw ko sa isipan ko, napakuyom ako na naka-patong sa'king lap, kalma lang Charlie!

"Lumabas po ako sa'min para bumili at kumain sa convenience store malapit lang sa'min."

Tumango-tango ang officer na si Benjamin at nag-take down notes sa maliit n'yang notebook, medyo malaki ang pangangatawan at mas matangkad kay officer Kelly, banot din s'ya at may wrinkles sa mukha na nagsasabing matanda na s'ya, malaki rin ang eyebags n'ya sa mata dahil siguro sa pagpupuyat at naka-stress na trabaho bilang pulis.

"May nakapag-sabi na sinaktan mo raw si Karlos sa kakaibang paraan," maka-hulugang sabi ni officer Kelly.

Hindi ko na itago ang pagkabigla sa'king narinig, "teka lang officer anong ibig ninyong sabihin?"

Huminga ng malalim si officer bago nagsalita, "ang grupo nila Karlos kagabi nagsumbong sila at may ginawa ka raw kay Karlos," mahinahon n'yang sabi.

Nalintikan na, hindi ko may gawa nu'n at si Quinn ang Null hindi ako, pero hindi ko pwedeng sabihin 'yon sa kanila.

Project NullWhere stories live. Discover now