Chapter 34
Dumudugo pa ang ilong ko dahil kay Celeste nang hatakin ako ng mga doctor at guards palabas ng silid na 'yon, tulala lang akong sumunod sa kanila at hinayaan kong saan nila ako dadalhin.
Wala akong nararamdaman na sakit, nagtataka na naman ako kong pa'no ko 'yon nagawa at para bang normal na ang lahat sa'kin.
Dinala nila ako sa isang silid, may isang doktorang nakaupo sa harap ng lamesa n'yang salamin na may mga papel at laptop sa gilid, sa likuran n'ya makikita ang malaking wide screen TV na may pinapalabas na balita tungkol sa krimen na nangyari kahapon, sa gilid ng silid naman nakalagay ang isang shelves na may mga boteng puno ng iba't ibang likido at sa kabila naman isang cabinet na puno ng mga files.
Napasulyap s'ya sa'kin at binitawan ang ginagawa n'ya, ngumiti s'ya sa'kin.
"Maupo ka," sabi n'ya, tumingin s'ya sa likod ko, "pwede na ninyo kaming iwan, ako nang bahala sa kanya."
Saka umalis ang dalawang guard na naghatid sa'kin ditto at alam kong magbabantay lang sila sa labas.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa kanan, wala sa sariling pinaglaruan ang daliri ko sa kamay.
"Kamusta ka na Project Null Charlie?" Tanong n'ya saka ko s'ya tinignan.
Mukha naman s'yang mabait pero lahat naman sila mapagpanggap.
Hindi ko s'ya sinagot.
Muli n'yang binuklat ang metal cardboard na hawak n'ya, may nakaipit doon na mga papel, hindi ko alam kong para saan at pinapanood ko lang s'ya sa ginagawa n'ya.
"Ayon sa result mo," tumingin s'ya sa'kin bago n'ya pinagpatuloy, "maraming nagbago sa katawan mo, merong part na hesitant ka sa kapangyarihan mo bilang null, pero kong pag-aaralan pa natin lalo, lalawak ang kaalaman mo tungkol sa'yo---"
"Pag-aaralan pa ninyo ako? Ano ako baboy para sa eksperimento ninyo?" Hindi ko maiwasang hindi na naman magalit dahil sa ginagawa nila sa'kin, oo nga't hindi ako napapagod o walang nararamdaman sakit, pero hindi 'to normal, walang normal sa'kin o kahit kaninong null, ang isip ko pagod na pagod na.
Wala akong makitang ekspersyon sa mukha n'ya at kalmado lang na akala mo hindi ko s'ya kayang saktan.
"Hindi mo pwedeng ilabas ang galit mo ditto, kong kanina naka-off 'yang bracelet na suot mo ngayon naka-on ang monitor n'yan kaya kong may binabalak kang ikakapahamak mo, wag mo na ituloy," payo n'ya.
Muli akong napasulyap sa bracelet kong suot na nag-blink, oo nga kanina nakaya kong makipaglaban kay Celeste na hindi ako nakukuryente dahil alam kong 'yon ang parusa namin pag may hindi kami ginawang maganda, kaya pala.
"Para rin naman sa inyo 'tong ginagawa namin."
"Para pakinabangan ninyo kami," sabay ngisi ko sa kanya, pinunasan ko ang dugo sa ilong ko gamit ang likod ng kanang kong kamay.
Kalmado pa rin s'ya, inayos n'ya ang suot n'yang salamin, "gusto mo bang malaman kong anong klaseng null ka?"
Natigilan ako sa sinabi n'ya, nang malaman kong null ako hindi ko alam kong anong klaseng kapangyarihan ako.
"Sa totoo n'yan medyo nalito ako sa kapangyarihan na meron ka."
Mas nagtaka ako sa sinabi n'ya, kumunot ang noo ko habang hinihintay ang susunod n'yang sasabihin.
"Up to this moment ikaw pa lang nakikitaan namin ng ganito, first ever camouflage null."
"Anong ibig sabihin nu'n?"
"You can hide your powers, pinapanood ka namin kanina na ginagamit mo 'yong kapangyarihan mo but our system can detect if you're null and one more thing interesting about your power, you're not telekinesis null or weapon null that can use weapon to their enemy, you can disguise using their power, what I mean is, ginagamit mo ang kapangyarihan mo para kontrolin ang kapangyarihan nila laban sa kanila, and that's makes you very special Project Null Charlie, you can explore your power..."
Hindi ko na gaanong narinig ang mga sumunod n'yang sinabi dahil napaisip ako sa paliwanag n'ya.
Pagkatapos ng pag-uusap na 'yon, pinalabas na n'ya pagkatapos pa n'yang ipaliwanag ang ilang bagay tungkol sa kapangyarihan ko, ako naman napapaisip na hindi ko akalain na ga'nun pala ang kakayahan ko.
Ihahatid na ako ng dalawang guard sa silid ko, lumabas kami sa isang lugar kong saan halos nakatambay ang mga null, papasok na sana kami sa kabilang pasilyo nang biglang namatay ang ilaw sa buong gusali, lahat ng naroon ay nagulat sa biglaang pagkawala ng kuryente.
Kami rin ay napahinto sa paglalakad, napansin ko ring biglang lumuwak at nalaglag ang bracelet ko sa kamay kaya napasulyap ako sa sahig na ngayon naroon na ang bracelet ko, nagtaka ako sa mga nangyayari, bumalik ang liwanag at kuryente sa buong gusali, doon ko lang napansin na lahat ng bracelet na suot ng null ay nasa sahig na.
Kitang-kita ang pagkagulat sa mga guard at ilang doctor na nagbabantay sa palapag na 'yon, nagkatinginan sila at nakiramdam, nakakatawa ang mga takot sa mga mata nila, nakita ko rin ang pagbabago ng ekspresyon sa mga mukha ng mga null na narito, napangisi ako, mula sa pagiging miserable, napalitan ito na ngisi rin sa mga mukha nila na para bang pursigido nilang gawin kong ano man ang binabalak nila.
"AHHHHHH!" Bigla na lang sumugod ang isang null na lalaki sa isang sundalo na malapit sa kanya gamit ang kapangyarihan n'yang magbago bilang bato.
Dahil doon nag-umpisa nang magkagulo ang lahat, may ilang nakikipag-agawan na sab aril, may ilan nang naka handusay sa sahig at ilang nakalambiting null sa kisame na para bang butiki.
Napatakip ako sa tenga nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril.
May humawak sa balikat ko, nakita ko na lang na hinihila na ako ng dalawang guard na maghahatid sana sa'kin pero mabilis akong umaksyon, hindi ako marunong gumamit ng baril pero agad kong hinugot ang isa sa kanila at pinaputukan ang paa nong nasa kaliwa ko, dahil doon tumalsik ang ilang dugo sa sahig at sa damit ko, natumba s'yang sigaw ng sigaw sa sakit, bago ko man itutok sa isa ang baril agad n'ya itong inagaw at siniko ako sa dibdib.
Nahirapan akong makahinga dahil sa ginawa n'ya, naatrasan ko ang isang null na nasa sahig, pero agad akong tumayo, tumakbo ako palayo sa kanila, may ilan na ding nagtatakbuhan sa mga silid nila.
Hindi ko alam na mangyayari 'to, ang akala ko ba mahigpit ang sistema ng Sirius? Pero kong ano man 'yon, ito na ata ang pagkakataon namin para makatakas, kailangan kong makatakas.
YOU ARE READING
Project Null
Science Fiction(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
