Chapter 46
Tinitigan lang ako ni Zaquea ng makaramdam ako ng kong ano sa 'king tyan, na para bang umiikot ang aking sikmura at umaakyat ang kinain ko sa 'king lalamunan. Hindi ko napigilan ang sariling dumuwal lahat ng kinain ko'y sinuka ko. Para akon sumakay sa bus at nagkaroon ng motion sickness. Batang sumusuka sa biyahe dahil nakakahilo ang masyadong paggalaw ng sasakyan. Napaluhod na ako sa sahig at pati ang dugo'y nasusuka ko.
Pinigilan ko ang sarili ko ngunit hindi ko magawa. Nakita ko na lang ang pares ng sapatos niyang nakahinto sinukahan ko. Nanlilisik ang mga mata ko at hindi ko man lang nagawang labanan siya. Dahil sa nangyayari sa 'kin unti-unti akong nanghihina.
"Walang nakakita na mangyayari ito, kahit si Jordan hindi nakita mangyayari ito," wika niya, "huwag kang magpapaniwala sa mga taong nakapaligid sa 'yo lalo na ang mga katulad nating Null, mas tuso pa tayo sa kanila."
Hinawakan ko ang paa niya at hindi siya agad nakaimik. Kong anong ginawa niya sa aki'y binalik ko. Sinipa niya ako kaya napahiga ako sa paanan nong kalabang patay na, nakita ko na lang na para siyang maduduwal, wala na akong nararamdaman na kahit na ano at siya naman ngayong ang sumusuka. Pinunasan ko ang labi ko gamit ang likod ng kanan kong palad.
Dahan-dahan akong tumayo at pinapanood siyang sumuka sa sahig.
"Anong pakiramdam na nilalamon ka ng sarili mong kapangyarihan?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi siya makaimik at makapagsalita.
Bigla na lang may tumunog sa intercom at maririnig ang tunog mula sa mga speaker na nakasabit sa pader. Narinig ko na lang ang pamilyar na boses do'n.
"Tumigil ka na, Charlie."
Pinakiramdaman ko ang sarili ko at hinanap kong saan ako pwedeng tumapat hanggang sa makita ko ang isang CCTV na animoy nakatutok talaga sa 'kin. Naglakad ako at lumapit do'n. Nakatingala ako para makita rin nila ako ng maayos.
"Ibalik ninyo si Conan sa 'kin, ibigay mo si Conan sa 'kin at mananahimik ako."
"Wala ka ng magagawa, Charlie. Tumigil ka na at i-surrender ang sarili mo sa camp. Matatapos lang ang lahat ng ito kong susuko ka na at manahimik."
"Hangga't nabubuhay ang camp at hindi titigil ang panggagamit ninyo sa mga Null hindi mananahimik ang lahat. Puros kasinungalingan ang nilalamon mo sa utak namin at hindi ka pa nagsasawa hanggang ngayon. 'Wag mo na lang isipin na ikaw ang nagpalaki sa 'kin pero hindi ko maituturing na isa kang ina dahil sa ginawa mo sa 'kin at kay Conan. Hindi kita mapapatawad, lahat kayo," nanggigigil kong wika habang nakatitik sa camera.
"Hindi mo naiintindihan ang lahat."
"Huwag mo kong gawing tanga! Dahil alam ko na ang lahat, hindi mo ko mauuto katulad ng ginawa mo sa 'kin at kahit na anong mangyari kukunin ko si Conan palayo sa 'yo!"
Sandaling katahimikan at nakarinig ako ng mga samu't saring bulungan ngunit hindi ko sila naiintindihan.
"Wala na akong pakialam sa 'yo Charlie, ang camp na ang bahala sa 'yo at kahit kailan simula ngayong araw hindi ka na makakalapit kay Conan."
Natigilan ako sa sinabi niya, "ano?" Napakunot-noo ako at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Napailing ako, "hindi! Hindi mo pwedeng gawin 'to sa 'kin! Ibigay mo ang kapatid ko!" Natatakot ako na baka maging katulad ko siya at paglaruan para gawing sundalo ng gobyerno.
Napansin ko na lang na dahan-dahan na gumagalaw ang magkabilang gilid ng pader at para bang maiipit ako ano mang oras. Napasulyap ako sa kanan ko nong makita kong bumukas ang portal do'n at alam kong magagawa kung di bumalik sa sanctuary. Agad akong tumakbo papasok sa portal. Bago pa man ako maipit ng dalawang pader. Halos mapahalik ako sa sahig nong magsara ang portal. May tumulong sa 'kin na tumayo at nakita ko na lang si Jordan na hawak ako sa braso.
Nag-aalala ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin, gustong kong maiyak at gusto kong magsumbong pero kinontrol ko ang sarili ko.
"Tulog na sila," nakita ko na lang si Camille, nasa paanan niya sila Percival na wala pa ring malay, pati si Ted at ilang mga null na galing sa camp.
Napakagulo at maraming nasira sa sanctuary na iniwan ng mga kalaban. Napabitaw ako kay Jordan nong may tumulak sa 'kin at narinig ko ang mga naging reaksyon nila Alto.
"Whoa, pwede bang ayusin muna natin ito bago tayo magkagulo-gulo!" Saway niya.
Nakita ko na lang si George at nanlilisik ang mga mata niya habang kiniwelyuhan niya ako.
"Ikaw ang may kasalanan kong bakit ito nangyari!" Sigaw niya sa 'kin.
"Itigil mo na 'yan George!" Saway naman ni Rich.
"Hindi! Kailangan niyang matutunan kong anong ginawa niya!" Sigaw niya sa mga kasama namin saka niya tinuon ang atensyon niya sa 'kin, "kita mo kong anong ginawa mong gulo sa sanctuary? Ikaw, pinagpipilitin mo ang bulok mong prinsipyo at paniniwala. Ang akala mo alam muna ang lahat, pero hindi, hindi porket napakalaki ng dapat mong itulong para mapabagsak sila, napakabaluktot ng paniniwala mo at wala kang nagawang tama simula ng dumating ka rito." Saka niya ako binitawan ng padabog.
Natakot ako sa kanya at naghalo-halo na ang emosyon kong nararamdaman ngayon. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kay Conan, kailangan ko siyang makuha kahit na anong mangyari.
Sinulyapan ko sila Gaile at hindi ko alam kong nag-aalala sila sa 'kin. Sugatan sila at hindi makalapit sa 'kin. Nahihiya ako dahil tama naman talaga si George, madali akong naniwala at ako ang may kasalanan kong bakit nangyari ito.
"Hindi tayo dapat nagsisisihan sa nangyari, ito ang gusto nilang mangyari, ang magkagulo tayo pero hindi natin 'yon hahayaan at kailangan nating magtulungan." Sabi ni Rich habang pinapalibutan nila siya, "kong ito ang gusto nilang mangyari, siguro kailangan na nating lumabas at sumugod sa kanila. Kailangan na nating lumaban pabalik at pabagsakin silang tuluyan. Kailangan nating gumawa ng plano laban sa kanila."
Napayuko ako ang akala ko walang lalapit sa 'kin, nabiga na lang ako nong lumapit si Jordan sa 'kin.
"Halika na kailangan mong magamot at magpahinga," inalalayan niya akong makatayo at tinulungan maglakad palayo sa kanila, "huwag mo na lang pakinggan si George."
Nakarating kami sa pasilyo nong itulak ko siya palayo sa 'kin.
"Ano bang problema mo?" Nakakunot-noo niyang tanong.
Hindi ako sumagot at naglakad ako palayo sa kanya. Ngunit sa dami at hindi ako sanay sa paggagamit ng kapangyarihan ko ng ganu'n katagal. Bigla na lang akong bumagsak paupo sa sahig at agad niya akong dinaluhan. Tinulak ko uli siya ngunit nahuli niya ang kamay ko kaya natigil ako at tumulo na lang ang luha ko.
"Ano bang problema mo?" Tanong niyang uli.
Gusto kong magsabi ngunit hindi ko makaimik. Napahagulgol na lang ako dahil sa mga nangyari at pag-aalala kay kay Conan. Hindi siya umimik at naramdaman ko na lang na yinakap niya ako sa loob ng kanyang bisig. Hinayaan niya akong umiyak sa dibdib niya at binuhos ko lahat ng pagod ko ro'n.
-----
Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Wattpad mababasa ang kwento na ito. Kong malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad sa totoong author nito. Maraming salamat.
YOU ARE READING
Project Null
Science Fiction(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
