Chapter 38

215 15 0
                                        

Chapter 38

"Ate! Ate, gising na!"

Na alimpungatan ako nong makarinig ako ng ingay sa silid ko at galaw sa kama. Hindi ako gaanong makahinga nong makaramdam ako ng bigat sa katawan, ilang beses na pag-alog sa 'kin at pinipilit na ginugulo ang aking pagtulong.

"Ano ba?" Pinilit kong idinilat ang aking mga mata, sa una'y hindi ko sila maaninag dahil sa liwanag ng ilaw sa kisame at nag-adjust pa ang mga mata ko, "ano ba 'yon?"

"Ate!"

May dumungaw sa mukha ko at nakita ko ang nakangising si Conan. Tuluyang nagising ang katawang lupa ko nong makita ko ang kapatid ko. Nakasuot pa siya ng pares ng pantulog at gulo-gulo pa ang kanyang buhok na animoy kakagising lang din niya.

"Conan, ikaw ba 'yan?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya kaya pinisil-pisil ko 'yon. Napangiwi lang siya at para bang naging lalong soipao ang kanyang pisngi. Bagong gupit din siya.

"Ah-te naman ehhh," hindi siya gaanong makapagsalita dahil sa ginawa ko.

Agad ko siyang yinakap ng mahigpit kaya pumaibabaw siya sa 'kin. Saka ko siya binitawan nong mapansin kong andito sila Quinn, Jordan, Alto at Ian sa silid ko. Nong umalis si Conan at naupo sa tabi ko.

Naupo na rin ako, "paano kayo nakapasok?" Tanong ko sa kanila.

"Bukas 'yong pintuan mo," sabi ni Conan.

Sandali akong natahimik at ngumiti na lang sa kanya. "Nakalimutan ko sigurong isara, ang laki muna ah," biro ko sa kanya.

"Ate isang linggo lang tayong hindi nagkita," sabi niya.

"Pero na-miss kita, buti hindi ka nila pinabayaan," saka ko ginulo ang buhok niya.

Hinarap ko naman ang apat pa niyang kasama na nakatingin sa aming kulitin, "maraming salamat."

"Walang anuman, sorry kong na istorbo namin ang mahimbing mong tulong nong nalaman niya kasing natuloy 'yong misyon at maikwento ni Ian na andito ka nagising talaga siya ng maaga para sa 'yo. Pinilit niya kaming dalhin namin siya sa 'yo," paliwanag ni Alto.

Umiling ako, "ayos lang, naiintindihan ko, maraming salamat uli."

Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap kay Jordan. Bigla ko na lang naalala 'yong nangyari kagabi at siya na mismo ang umiwas.

"Sa tingin ko kailangan nila ng panahon para magkausap at magkasama," sambit ni Jordan.

"Oo nga, alis na muna kami," paalam nila Ian.

"Sige."

"Sumunod ka sa amin, marami kang makikilala at kailangan mong sumabay sa almusal. Masaya 'yon," yaya ni Alto.

Tumango naman ako sa kanya at saka naman sila lumabas ng silid.

PAGKATAPOS kong maligo at makapagbihis ng damit. Laking pasalamat ko nga na meron ng damit na nakahanda sa kabinet ngunit maluluwag ng kaunti sa 'kin. Simpleng gray sweatpants, gray loose gray long sleeve at isang pares ng tsinelas ang suot ko. Sa silid naman ako ni Conan ang pumunta at nakasunod lang ako sa kanya dahil mukhang kabisado na rin niya ang lugar na ito. Kahapon ko pa napapansin na wala akong nakikitang pagala-gala na mga bantay o security guard sa buong facilities.

Pagkatapos niyang makapagbihis ng bago niyang damit pagkatapos niyang maligo, agad naman kaming dumiretso sa sinasabi niyang kainan. Pwede naman daw na hindi kami sumabay sa ibang Null pero nakasanay na raw nilang sumabay at makisalamuha sa ibang Null para makipag-kaibigan.

Tinulungan ko siyang itulak ang puting pintuan na gawa sa bakal ngunit hindi naman mabigat. Nong tuluyan kaming nakapasok bumungad sa amin ang samu't saring ingay sa loob. Napakaraming Null ang sabay-sabay na kumakain sa harap ng mahahabang lamesa. Masayang nakikipagkwentuhan sa mga kasamahan nila at nakikipagtawanan.

"Tignan mo 'yon ate," sabay turo niya sa itaas.

Pagkatingala ko hindi ko maiwasang mamangha. Nakikita ko ang langit at maaliwalas na ulap do'n. Nakasilip ang haring araw ngunit wala akong nararamdamang init sa loob ng silid.

"Weather room 'to ate at dining hall. Artificial lang 'yong makikita mo sa taas pero sumasabay din siya kong anong tunay na panahon at oras sa labas 'yon din ang ipapakita ng salamin ng kisame sa taas." Paliwanag niya.

Tumango-tango ako, "ganu'n, ang galing ah."

"Marami ka pang malalaman na magagadang lugar dito ate at hindi sila nakakatakot," dagdag pa ng kapatid ko.

"Charlie, Conan, dito tayo!" Sigaw ni Alto nong makita namin sa di kalayuan na kinakawayan nong makita rin kami sa tumpukan ng mga tao ro'n.

Hinawakan ako ni Conan sa kamay at hinila papalapit sa kanila. Nakita kong nakangiti si Gaile at hindi niya napigilang lumapit sa amin. Nong tuluyan siyang makalapit yinakap niya ako kaya kumalas sa pagkakahawak si Conan sa 'kin.

Kumalas naman si Gaile at may ngisi sa kanyang labi, "na-miss ka namin."

"Salamat, na-miss ko rin kayo sobra," sa pagkakataon na 'yon parang gusto kong maiyak dahil wala na ako sa nakakatakot na lugar na 'yon. Gumaan ang pakiramdam ko na kasama ko sila.

Hindi na siya nagsalita at hinila niya akong tuluyan sa mga dati naming kasamahan. Nakahanda na ang iba't ibang pagkain sa kanya-kanyang lamesa at punong-puno sila. May mga nakahanda na ring mga kutsara, tinidor at mga plato sa kanya-kanya niyang puwesto. Tumabi ako kay Gailet at napapagitnaan nila ako ni Conan. Nong makarating kami ro'n para maupo sa kanila'y nag-uumpisa na silang kumain.

"Kain na, jusko hindi ka magsasawa sa mga pagkain dito," alok ni Alto habang subo-subo ang spaghetti sa kanyang bibig.

Napailing naman si Gaile, "hayaan muna lang siya dahil patay-gutom naman talaga siya eh."

"Hindi ah!"

Narinig ko na lang ang pamilyar na sinaryong bangayan sa dalawang 'yon. Hindi ko alam kong anong pwede kong unahin sa kanila dahil tignan ko pa lang 'yong mga pagkain parang nabubusog na ako.

"Ito ate," nilagyan ako ni Conan ng lasagna sa plato ko.

"Salamat."

"Kain ka lang ate ng marami."

Tumango-tango na lang ako sa kanya habang nakangiti. Kakain na sana ako nong mapansin kong may nakatitig sa 'kin, atomatiko akong napasulyap sa direksyon ni Jordan at bago pa man akong mapasulyap sa kanya ay agad niyang tinuon ang sarili niya sa pagkain pero alam kong nakatingin siya sa 'kin kanina. Tuloy-tuloy ang pagsubo niya hanggang sa mabilaukan.

"Okay ka lang?" Tanong naman ni Camille sa kanya nong inabutan niya ito ng isang basong tubig.

Kinuha naman ito ni Jordan at napapasulyap siya sa 'kin habang umiinom ng tubig.

"Na-conscious ata siya kay Charlie kasi nandito na siya," biglang biro naman ni Ian.

Tumawa-tawa lang si Alto kaya sa kanya naman ako napasulyap.

"Pero nong wala pa si Charlie rito ang grumpy niya at hindi makausap ng maayos. Mas malala pa siya kay Conan eh hindi naman siya kapatid," panggagatong naman ni Alto sa biro ni Ian.

"Hoy tama na 'yan, kumain na lang tayo," saway ni Gaile.

Nagulat na lang kami ng biglang tumayo si Jordan at iniwan kami. Lahat kaming nasa lamesa na 'yon ay natigilan at natahimik.

"Hala, sino may kasalanan do'n? Nag-walk out," bulong ni Alto.

"Siraulo ka kasi," wika ni Ian.

"Kayo tumigil na kayo ah," saway naman ni Camille sa dalawa.

Bahagya akong napasulyap at sinundan si Jordan kong saan siya papunta hanggang lumabas siya ng dining hall. Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Hayaan mo muna 'yong tao," sabi ni Gaile, "kain ka na."

"Oo," pinilit ko na lang na ituon ang sarili ko sa pagkain kahit na ang dami kong tanong.

-----

Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Wattpad mababasa ang kwento na ito. Kong malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad sa totoong author nito. Maraming salamat. 

Project NullWhere stories live. Discover now