Chapter 14
Nanatili kong nakasalampak sa gitna ng kalsada, wala namang dumadaan na kotse, napakadilim ng paligid at napakalamig ng simoy ng hangin, nagniningning ang bituin sa madilim na kalangitan. Hindi ko rin alam kong ilang oras na kaming naroon sa lugar na 'yon.
Katabi ko si Camille, suot na n'ya ang coat ni Ian, nilalagyan n'ya ng telang pinunit sa coat ni Ian para takpan ang sugat ko sa braso, hindi ko na nga maramdaman ang hapdi nu'n dahil mas ramdam ko ang pag-aalala ko sa kapatid ko, sa kanila.
Magkatabi sila Ian at Jordan sa waiting shed, tinabihan naman ako ni Camille nang matapos s'ya sa ginagawa n'ya.
"Hoy pagpasensyahan muna si Jordan, mukha lang s'yang siraulo at walang pakialam sa buhay, pero ang totoo n'yan may pakialam s'ya sa iba, may dahilan s'ya kong bakit n'ya 'yon ginawa, may tiwala kaming hindi n'ya kami ipapahamak kasi nakikita n'ya ang kapahamakang paparating, nakikita n'ya ang nakaraan mo at kong maari kaya n'yang kontrolin ang mangyayari sa susunod, past and future, hawak n'ya ang oras."
Napasulyap ko sa kwento ni Camille saka s'ya ngumiti sa'kin.
"Camille hayaan mo s'ya kong anong gusto n'yang paniwalaan, hindi ko kailangan ng tiwala ng isang 'yan!"
Sinamaan ko ng tingin si Jordan na nakatingala sa kalangitan, nagkipit-balikat lang si Ian at ngumiti ng pilit.
"Hayaan muna lang ang isang 'yon, basta ga'nun lang 'yon, alam mo bang Null kaming tatlo?"
Hindi na n'ya hinintay pa ang sagot ko at muli s'yang nagpatuloy sa kwento n'ya.
"Kaya kong magpatulog sa isang hawak lang."
Kaya pala humihilik si Percival kanina, buti nga sa isang 'yon.
"Si Ian naman kaya n'yang mabukas ng portal o dimension para magpalipat-lipat, pero hindi n'ya madalas gamitin 'yon kasi hindi pa rin n'ya makalimutan 'yong pagkamatay ng kapatid n'ya at hanggang ngayon sinisisi pa rin n'ya ang sarili, bata pa lang s'ya nang aksidente n'yang madiskubre ang kakayahan n'ya, dahil do'n nakapagbukas s'ya ng portal, saktong nabuksan n'ya ang sa kalye kaya nasagasaan ang bunso n'yang kapatid na babae."
Nag-isip si Camille, "hmm pa'no ba kami nagkita-kita? Ah! Basta sa carnival na kami lumaki, walang pamilya, tinuring naming pamilya ang bawat isa, tinakwil na nila kami at parang akala nila mga halimaw, ang hirap ano, ikaw anong kakayahan mo bilang Null?"
Parehas din sila ng karanasan nang grupo ni Ted pero nabigla ko sa tanong ni Camille.
Umiling ko at halos matawa sa tanong n'ya, "hindi ako Null or Null+, kapatid ko lang hindi pa nga namin alam kong pa'no n'ya nakuha 'yon? Kaya imposible maging katulad ako ninyo."
Naningkit ang mga mata n'ya at napakunot-noo, "talaga ba? Nakakapagtaka naman kong ga'nun." Makahulugan n'yang sabi.
Tumayo na s'ya kaya sumunod ako, "ano na Jordan, nagugutom na ako, saan tayo pwedeng magpahinga at kumain? Hindi naman tayo pwedeng dito tayo mag-umaga!"
"Tama si Camille kahit din naman ako nagugutom na, hindi ko na kayang magbukas ng bagong portal kong sakaling utusan mo ko uli, alam mo naman kong ilang portal ang nabuksan ko ngayong araw." Reklamo ni Ian.
Bakit ilang beses lang ba nila pwedeng gamitin kapangyarihan nila? May limitasyon din ba ang mga katulad nila?
"Tss! Ang aarte ninyo talagang mga babae! Sa susunod iiwan na namin ni Ian!" Iritado n'yang balik saka s'ya nag-umpisang maglakad, sumunod naman si Ian sa kanya.
"Halika na," sabay hila sa'kin ni Camille kaya nagpatangay naman ako.
Tama nga s'ya, kahit din naman ako nararamdaman ko na ang gutom at pagkulo ng tyan ko, nang hihina na rin ko dahil sa mga nangyayari pero kailangan kong makipagsabayan, as if may magagawa ako, kong magpapaiwan ako makikita ko ba sila Conan? Hindi rin naman, kaya sa ngayon ito na muna ang plano ko.
YOU ARE READING
Project Null
Science Fiction(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
