Chapter 44
Agad na nilapitan ng mga null naming kasama si Zaquea at nilagyan ng tali sa mga kamay.
"Anong gagawin ninyo sa 'kin?" Tanong ni Zaquea, puno ng takot ang mga mata niya habang isa-isa niya kaming tinitignan.
"Wala siyang ginagawang masama, anong gagawin ninyo sa kanya?" Tanong ko sa kanila nong makatayo ako. Napapalibutan nila ako at nakaharang si George para hindi ako tuluyang makalapit kay Zaquea.
Bigla na lang niyang hinarang ang palad niya at hindi pa niya nagagamit ang kapangyarihan niya sa 'kin nararamdaman ko na ang kapangyarihan niya kaya bahagya akong napaatras. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin.
"Huwag mo kong subukan, Charlie. Umalis ka kong ayaw mong madamay, hindi natin sigurado kong anong balak niya, kong sakaling may mangyari sa atin ikaw ang may kasalanan nito at alam mo na kong anong mangyayari sa 'yo." Pagbabanta niya.
"Please tulungan muna natin si Jordan, nauubusan na siya ng dugo!"
Napasulyap kaming lahat kay Jordan na wala nang malay at lupaypay na sa bisig ni Ian. Hindi ko alam kong sino ang uunahin ko at naroon pa rin ang tensyon sa pagitan namin. Tumulong na ang ilang Null na buhatin si Jordan para dalhin ito sa pagamutan. Muli akong humarap sa kanila at nakita kong nilalayo na nila si Zaquea sa 'kin.
"Hindi ninyo kami tinulungan habang nasa labas kami, nakuha ang ilan sa amin tapos tulong lang galing sa akala natin kalaban nagagalit kayo, kong hindi nga dumating si Zaquea dahil wala pa rin ang lintik ninyong tulong pwede kaming mamamatay do'n!"
"Hindi ka mamamatay kong marunong kang gamitin ang kapangyarihan mo!" Sigaw ni George pabalik at wala na akong pakialam kong pinagtitingan na nila kami.
Nagiging irrational na ako at hindi ko alam kong ano pa bang ang tamang pag-iisip.
"Iba ako sa inyo, hindi ko alam na isa akong null kaya paano ko gagamitin ang kapangyarihan ko! Dapat kinamumuhian ko kayo dahil sa una pa lang kayo ang naging dahilan kong bakit namatay ang tatay ko." Hindi ko napansing tumutulo na ang luha ko sa galit at inis na nararamdaman ko ngayon.
"Hindi ninyo ako maiintindihan dahil wala kayo sa kalagayan ko."
"Pero hindi porket kasalanan ng isa kasalanan ng isa," biglang singgit ni Richmond.
"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Katulad din 'yan sa kondisyon na nangyari ngayon at kay Zaquea, pero ang lakas ng loob mong magsabi ng kanya, napaka-impokrito ninyo!"
Nakita ko na lang ang sarili kong lumipad ang katawan ko malayo sa kanina at nagpaikot-ikot ako bago pa man ako bumulagta sa sahig. Nanghihina ako at naramdaman ko ang kuryenteng dumadaloy sa katawan ko dahil sa ginawa ni George.
Habang pinipilit kong tumayo naramdaman ko na lang may tumutulo mula sa ilong ko. Nakita ko na lang na may pulang likido at agad akong sumulyap sa direksyon nila. Nakita ko na lang na nakaangat ang mga kamay ni Quinn at nakatutok ang isang patalim sa mismong leeg ni George na nakalutang sa eri. Nakatutok naman ang kamay ni Marvin sa kamay ni kay Quinn. Nakatutok naman ang kamay ni Gaile kay Marvin at lumalabas na ang spark ng kuryente ro'n. Si Alto naman ay parehas nakatutok ang kamay niya kay Richmond.
Wala silang imik at nagpapakiramdaman. Nakatayo si Conan sa likuran ni Alto at hindi rin makapaniwala sa nangyari. Lalo na ang ibang null gulat na gulat sa nangyari.
"Alam namin na dapat magkakakampi tayo, pero hindi ko nagustuhan ang ginawa ninyo sa kasama namin," wika ni Gaile.
"Hindi nakakaintindi ang kasama ninyo," wika ni Marvin, "hindi naman dapat tayo nagkakaganito, pwede natin pag-usapan ng maayos."
"Pero bakit kailangan saktan si Charlie?" Inis na tanong ni Alto.
"George, Marvin, hayaan ninyo sila at walang dapat maglaban," mahinahon na wika ni Richmond.
Sabay-sabay nilang binaba ang mga kamay nila. Tumakbo namang lumapit sa 'kin si Gaile at tinulungan niya akong makatayo pero hindi ko magawa. Nanlilisik pa rin ang mga titig ni George sa 'kin at samantalang awa naman ang nakuha ko kay Richmond.
"Tulungan na ninyo sila" utos ni Rich.
"Hayaan mo ko!" Sigaw ni Gaile sa mga gustong lumapit kaya walang nakalapit sa amin.
Si Conan ang lumapit sa 'kin na para bang mangiyak-ngiyak at si Alto. Tinulungan nila akong makatayo at makalakad habang nanginginig pa rin ang tuhod ko dahil sa nangyari. Tuluyan na kaming nakaalis do'n ngunit na ro'n pa rin ang atensyon nila sa amin.
DINALA nila ako infirmary agad naman akong tinulungan ng mga animoy nurse sa sanctuary na pawing mga null din katulad namin ngunit mas tumutulong sila sa pang gagamot dahil do'n sila magaling katulad ni Jesse na madalas na do'n tumulong.
"Magpahinga ka muna," sambit ni Gaile habang hinahaplos ang buhok ko.
Pasalamat ko dahil kay Jesse tumigil na rin sa pagdurugo ang ilong ko at pananakit ng katawan ko. Napasulyap ako sa kanang gawi ko para sulyapan si Jordan na nakahiga sa kabilang kama, wala pa ring malay ngunit ginamot na rin siya ni Jesse at nagpapagaling na ang sugat niya sa kanyang braso.
"Sorry sa nangyari parang ginulo ko pa ata ang sanctuary," sabi ko sa kanya.
"Wala kang kasalanan kaya 'wag mo na lang isipin," sabi pa niya.
"Ate pagaling ka na," wika ng kapatid kong mangiyak-ngiyak pa rin.
"Iyakin ka pa rin, para namang mawawala ako," biro ko sa kanya ngunit hindi siya natawa ro'n.
"Magpahinga ka na at baka may hindi lang pagkakaintindihan," sabi naman ni Alto.
Tumango naman ako at hindi na nagsalita pa.
"Kailangan siguro ng masinsinang pag-uusap bago tayo magkaintindihan." Sabi ni Gaile.
"Hindi nga ako makapaniwala na tinulugan nong babae sila Charlie eh." Komento naman ni Ian sa tabi ni Alto.
"Alam kong nakita nila 'yon, imposibleng hindi, kong hindi pa nila naintindihan ang pagtulong ni Zaquea ano pa bang tawag sa ginawa niya? Nararamdaman kong iba si Zaquea sa mga kasamahan niya." Sabi ko.
"Sana naman hindi siya katulad ni..." Hindi naituloy ni Alto ang sasabihin niya at sinadya niyang hindi banggitin ang pangalan ni Ted pero nagkakaintindihan kaming 'yon ang gusto niyang iparating.
Sandali kaming natahimik bago sila magpaalam.
"Alis na kami, hindi kami pwedeng magtagal dito at magkita-kita na lang tayo paglabas mo. 'Wag mong pilitin ang katawan mo 'pag hindi kaya," dagdag pa ni Alto.
"Oo, salamat uli."
"Halika na," inakbayan ni Gaile si Conan na para bang ayaw pang umalis sa tabi ko ngunit napilit naman hanggang sa tuluyan na silang umalis. Wala na rin si Jesse dahil ang iba naman ang aasikasuhin nila.
Muli akong napasulyap kay Jordan na wala pa ring malay na nakahiga sa katabing kama.
-----
Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Wattpad mababasa ang kwento na ito. Kong malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad sa totoong author nito. Maraming salamat.
ESTÁS LEYENDO
Project Null
Ciencia Ficción(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
