Chapter 18
Papalubog na ang araw, pero ang dilim na rito sa kagubatan dahil natatakpan ng ilang puno ang liwanag sa kalangitan, nang makaahon ako kanina sa tubig dahil basa rin ang damit ko, nagsuot na lang ako ng maroon shirt at pinahiram ako ni Jesse ng overall jumper, tinupi ko lang sa dulo.
Tulog si Conan loob ng kotse habang binabantayan s'ya ni Quinn, si Jesse, Camille at Gaile naman ay naghahanda ng hapunan naming, si Alto at Ian nagbibiruan dahil lasing pa rin hanggang ngayon, kadiri sila dahil ilang beses silang sumuka, bigla rin silang nawala kaya hinayaan na lang namin.
Sumagi sa'king alaala 'yong nangyari kanina sa ilalim ng tubig, umiling-iling ako, baka lasing s'ya or what kaya n'ya nagawa 'yon? Naramdaman ko na naman ang pamumula ng pisngi ko. Jusko naman!
Napabaling ako ng tingin kay Jordan at Ted, na seryosong nag-uusap, maya-maya lang naglakad sila sa loob ng kagubatan, malayo sa'min, hindi ko alam pero parang instinct na sundan ko sila.
Sinundan ko kong saan sila dumaan, pero malayo pa rin ako sa kanila para hindi nila ako mahalata.
Huminto sila kaya agada kong nagtago.
"Ano bang pakay mo sa kanya?" Narinig ko ang boses ni Ted, tama lang 'yong layo ko sa kanila.
Dahan-dahan ko silang sinilip, ang sama ng tingin nila sa isa't isa, ano bang pinag-uusapan nila? Bakit parang magkakilala na sila? Samantalang hindi naman sila ga'nun katagal magkakilala.
Lumapit si Jordan sa kanya, para bang nagsusukatan sila ng tapang sa pamamagitan ng mga titig, walang gustong bumitaw.
"Ako ba ang may pakay sa kanya o ikaw?" Balik na tanong ni Jordan.
Bakit parang ako ata kinakabahan sa kanila? Para bang anumang oras pwede silang magsuntukan, napakuyom si Ted para bang pinipigilan n'yang lumaban kay Jordan.
"Alam ko kong anong pakay at plano mo, wag ka nang magkaila, alam mo kong anu kakayahan ko, kaya nakikita ko na mangyayari, kong ako sayo wag muna ituloy dahil ako ang makakalaban mo, ano kayang mararamdaman nila pagnalaman nila ang tunay mong pagkatao?"
Hindi sumagot si Ted bagkus bigla n'yang kiniwelyuhan si Jordan at marahas na sinandal sa puno, ngayon ko lang nakita si Ted na ga'nun.
"Hindi porket alam mo ang lahat, alam muna kong ano ang katotohanan---"
"Na ano na kinuha mo 'yong alaala n'ya! Para saan?"
"Para protektahan s'ya! Hindi mo alam kong anong sinakripisyo ko para protektahan s'ya! Wala kang alam at wag kang magmalinis dahil alam mong parehas lang tayo!" Muli n'yang sinandal si Jordan sa puno, alam kong mas masakit 'yon sa una dahil halata sa mukha ni Jordan ang sakit nang mapangiwi 'to pero ininda pa rin n'ya.
"Wag kang magmaang-maangan at umaktong santo dahil hindi bagay sa 'yo, kong ako sa 'yo, lumayo ka sa kanya." Banta ni Ted kay Jordan.
Ngumisi lang si Jordan, "hindi ko kailangan magpakasanto Thaddeus, kilala ko sarili ko, hindi ko kailangan magkunwari," hinawakan ni Jordan ang kamay ni Ted at binabitaw ang pagkakahawak sa kanya, tinulak n'ya si Ted palayo sa kanya, "hindi din ako marunong sumunod sa utos ng iba dahil---"
---Bang!
Na bigla at nawala ang atensyon ko sa dalawa, napabaling ang ulo ko sa direksyon ng grupo namin, nag-echo ang tunog ng baril sa buong kagubatan.
Agad akong kinabahan at nagmadaling bumalik sa kanila, natigil ako sa kinatatayuan ko nang makita ko sila Jesse, Camille, Gaile, Conan, Alto, Ian at Quinn na nakatali ang mga kamay at may takip sa bibig.
"Anong---"
Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko nang may maramdaman akong nakatutok sa sintido ko.
"Wag kang kikilos ng ikakapahamak ninyong lahat at wag mong subukan na gamitin ang kapangyarihan mo," utos ng lalaking boses sa gilid ko.
Hindi ko makita kong sino s'ya, hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko, nakatingin lang ako sa mga grupong nakatali, kinakabahan ako, ano bang nangyayari?
'Yong tanong ko kanina, ngayon lang nasagot.
Hinuli kami ng grupo, nang sumunod ako kila Ted at Jordan saka in-ambushed ang grupo, mga kasing edad din naming sila, katulad ng grupo ko, nakatali na rin kami nila Ted nang kami na ang huling nahuli.
"Dalian ninyo!" Sigaw nong lalaking parang lider sa kanila.
"Ayos ka lang ba?" Narinig ko si Ted mula sa likuran ko.
Bigla kong naaalala 'yong pinagtatalunan nila ni Jordan, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kong ano ba 'yong pinagtatalunan nila.
"Oo," mabilis kong sagot.
Lima ang lalaking nagbabantay sa'min at may mga hawak na matataas na kalibre ng baril, kinakabahan ako na baka anumang oras barilin kami ng mga 'to. Hindi ko rin alam kong saan nila kami dadalhin dahil kanina pa kami naglalakad sa kagubatan.
Papalapit kami sa isang ingay, hindi pa malinaw pero may ingay sa di kalayuan, namilog ang mga mata ko nang makita ko ang grupo ng kabataan halos wala akong makitang ibang kulay ng suot nila kong di black, white and gray, may mga nagtatanim sa area ng mga gulayan at prutas, may ilan ding kumukuha at nilalagay sa basket. May ilang Christmas light at malalaking bulb na nakasabit para maging ilaw.
May ilang kasing edad ni Conan na nagtatakbuhan at nagbibiruan. Mas mapapansin ang mga maliliit na kubo, sa gitna ng kagubatan may nakita akong malaking bahay na parang mansion, pa'no nagkaroon ng ganun dito? May tower sa gilid at may tatlong lalaking parang nagbabantay do'n.
Patuloy kami sa paglalakad, mas malinaw ko silang nakikita, nagulat ako nang may isang babae ang nagpapalutang ng mga gamit, pasalit-salit ang tingin ko sa bawat isa sa kanila na nagpapakita ng kakayahan nila, mga Null sila.
Pero may ilang nahinto sa ginagawa nila at napasulyap sa pagdating namin.
"Sila na ba 'yon?"
Napasulyap naman kami sa isang lalaking nasa late 30's ang edad na maputi, katulad ng iba naka-itim din s'yang suot, medyo papatubo na ang bigote at balbas n'ya, katabi n'ya ang isang babaeng halos kasing edad n'ya, ang ganda n'ya para s'yang artista, naka-braid ang mahaba n'yang buhok at may ilang hibla ng buhok na tumatakas do'n na nakasabit sa tenga n'ya. Napansin ko rin ang tribal tattoo sa kanan n'yang kamay, ga'nun din ang sa lalaking kasama n'ya.
Ngumiti s'ya sa'min lalong lumalabas ang pagiging maamo n'ya, "alam kong nagtataka kayo pero maligayang pagdating sa guild. Pinakaligtas na lugar para sa mga Null at Null+ na katulad ninyo, ako nga pala si Christie at ito naman ang asawa kong si Laurence." Bati nila sa'min sabay turo n'ya sa katabi n'yang lalaki.
Nagkatingan kami ng grupo, wala pa rin nagsasalita o gusto man lang magtanong, pero katulad ko nagtataka at namamangha.
"Kalagagan ninyo sila at ihatid ninyo sa loob ng mansion," utos ng lalaki sa kanila, kaya isa-isa nila kaming kinalagan.
"Sumunod kayo sa'min sa loob, mas maganda kong maipapaliwanag namin sa inyo ng maayos, alam naming mga katanungan kayo, pero wag kayong mag-alala wala kaming masamang gagawin sa inyo." Sabi ng inosente, parang nadadala ako sa boses n'ya.
Nakita na lang naming ang mga sarili naming sumusunod sa dalawang matandang sumalubong sa'min sa loob ng mansion.
------------
Note: Leave some comment guys, and if you like this stories why not share from the others, next update would be on Thursday Night, thanks
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Project Null
Научная фантастика(Completed)Kinamumuhian n'ya ang uri nila pero hindi n'ya alam na isa pala s'ya sa mga 'yon.
