Chapter 40

207 17 0
                                        

Chapter 40

Nakita ko na lang ang sarili kong nakatayo sa loob ng isang silid kong saan puno ng mga incubator at nasa loob nu'n ang mga sanggol. May mga naglilibot na mga tao sa loob habang nakasuot ng cooperate attire at may nakapatong na kulay asul na hospital gown sa damit nila, face mask at net sa kanilang ulo. Pinagmamasdan nila at kinikilatis ang mga sanggol na nadadaan nila.

May mga kasama silang mga doctor dahil naka-face mask hindi ko gaanong maaninag ang kanilang mukha kaya hindi ko rin sila makilala. Samu't saring nurse at doctor ang nasa loob para tignan ang mga sanggol. Saktong huminto sila sa harapan ko at hindi nila ako napapansin. Siguro'y isa na naman sa mga panaginip ko. Napasulyap ako sa ilang bantay sa silid na 'yon na armado ng mga matataas na kalibre ng baril.

"Lahat ng sanggol na nakikita ninyo'y galing sa mga normal na nilalang. Mga sanggol na iniwan sa mga opsital at walang nag-claim na magulang ibig sabihin hindi sila Null katulad ng na unang heneresasyon." Pamilyar ang boses ng nagpapaliwanag sa mga bisita kaya nakatitig lang ako sa kanya kahit nakatalikod siya sa direksyon ko.

"As you can see, nong ma-discovered ang mga Null kakaunti lang sila at gustong paramihin ng gobyerno ang tulad nila. Nasa kabilang room ang mga anak nila at itong mga bata rito ay espesyal na napili para sa operasyon. Paparamihin natin ang uri nila at ang mga batang ito'y tuturukan ng mga dugo na galing sa mga tunay na Null." Dagdag pa niya.

Namilog ang mga mata ko sa 'king narinig ngunit mukhang wala lang sa mga taong ito ang sinasabi ng doctor na babae.

"Still confused ang gobyerno kong saan sila nang galing dahil bigla na lang silang nagsilutangan na para bang mga isda sa dagat. Naghahanap pa rin kami ng marami katulad nila at kong maari hindi pa sila sinasa-publiko dahil baka magulat ang bansa na meron pa lang tulad nila. Gumawa na kami ng mga paraan kong sakaling hind imaging successful ang mga plano, pwedeng makipag-mate ang Null sa mga normal na tao katulad natin at maaring matawag na Null+ ang offspring na mabubuo nila. Maaring Null to Null para makita kong pwede bang mag-combine ang dalawa nilang kapangyarihan sa isang offspring."

Napatango lang sila at nagkakaintindihan sa ipinapaliwanag nong doctor.

"Ano naman ang meron do'n?"

Nagulat ako nong ituro ako nong babae pero napansin kong hindi siya nakatingin sa 'kin. Sabay-sabay silang napasulyap sa mismong likuran ko kaya sinundan ko rin kong saan sila nakatingin. Nakita kong may espesyal na kwarto ngunit may nag-iisang incubator do'n at sanggol sa loob. Napaka-espesyal ang kanyang silid at marami ring nagbabantay sa kanya. Naglakad sila papalapit sa pintuan nito ngunit hindi sila pumasok do'n.

"Ang pinaka-espesyal sa lahat, isa rin siya sa mga sanggol na iniwan ng ina niya sa ospital, isa lang siya sa mga normal na sanggol na gagamitin sa experimentation at isa siya sa unang batch ng mga sanggol na hindi namatay pagkatapos ng unang trial."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nong lalaki.

"Maraming batch ang halos dumating dito pero siya pa lang ang nakakausad sa maraming trials na ibinagay namin sa kanya. Ilang beses na namin siyang tinurukan ng mga dugo gamit ng iba't ibang Null pero lahat 'yon ay walang reaksyon sa kanya. Hindi siya nagkakasakit at hindi ito ni-refuse ng katawan niya. Wala ring nagpapakitang Null+ siya dahil hanggang ngayon binabalikan namin lahat ng impormasyon ngunit ni isa ro'n walang pinapakitang natanggap ba ng normal ang batang ito ang dugo na binigay namin sa kanya."

Nagulat at nagtaka ang mga kasama niya. Kahit din ako'y nagulat sa 'king nalaman at hindi makapaniwala.

"Siya ang tinatawag naming camouflage null dahil naitatago niya ang pagiging null niya at wari'y parang bitamina lang ng katawan niya ang mga dugong nakukuha niya. Siguro'y may tamang panahon o siguro 'pag nasa tamang edad na siya bago lalabas ang tunay niyang kakayahan dahil marami pa siyang pagdadaanan na prosesa."

Natigilan ako sa 'king kinatatayuan at naalala ko 'yong sinabi ng doctor na babae noon sa 'kin sa camp pagkatapos kong kalabanin si Celeste.

"Up to this moment ikaw pa lang nakikitaan namin ng ganito, first ever camouflage null."

"Anong ibig sabihin nu'n?"

"You can hide your powers, pinapanood ka namin kanina na ginagamit mo 'yong kapangyarihan mo but our system can detect if you're null and one more thing interesting about your power, you're not telekinesis null or weapon null that can use weapon to their enemy, you can disguise using their power, what I mean is, ginagamit mo ang kapangyarihan mo para kontrolin ang kapangyarihan nila laban sa kanila, and that's makes you very special Project Null Charlie, you can explore your power..."

Hindi ito maari, bulala ko sa 'king isipan.

Bigla na lang nagbago ang lugar, wala na kami sa silid kong saan puno ng incubator ng mga sanggol at nakatayo na ako sa pasilyo. Nagkakagulo ang lahat at umaalingawngaw ang wangwang sa buong pasilidad. Do'n lang bumalik sa realidad ang pag-iisip ko at nagtataka kong anong nangyayari kahit na punong-puno ng katanungan ang pag-iisip ko.

Huminto sila sa isang silid at napahinto ako ng mapansin ko ang mga basag na kagamitan sa loob. Mga walang malay at duguang doctor sa sahig. Nagkalat na mga gamot at basag na salamin ng binata nong silid na 'yon. Laking gulat ko nong makita ko batang bersyon ko sa loob. Punong-puno ng dugo ang katawan ko lalo na ang mga kamay ko. Nanlilisik ang mga mata kahit na nasa five years old pa lang ako. Hindi ako pwedeng magkamali alam kong ako 'yon dahil may mga litrato sa bahay na ganu'n ang itsura ko. Ngayon mas lalo akong nalito. Paano ako napunta ro'n? Ang pagkakaalam ko never akong napunta sa camp facilities na ito.

Agad na rumespunde ang mga doctor at nurse. Tinurukan nila ang nagwawalang batang bersyon ko at bigla na lang bumulagta sa sahig. Kinuha nila ito at binuhat palabas ng silid. Nakita ko na lang si Mrs. Ramirez at ang aking ina sa pagkakataon na 'yon malaki ang tyan niya. Punong-puno ang takot sa mga mata ng aking ina samantalang wala ka namang makikitang emosyon kay Mrs. Ramirez.

"We need to do something, malapit sa 'yo ang bata, mukhang kailangan muna natin siyang ilabas dito at magkunwaring nabubuhay siya ng normal kasama ng ibang normal na tao. Habang tumatagal nagiging agresibo siya sa kanyang kapangyarihan at hindi na niya ito makontrol. Kahit din tayo'y hindi makontrol ang kapangyarihan na meron siya. Mas magandang ampunin mo muna siya at mapalakihin na parang tunay na anak." Paliwanag ni Mrs. Ramirez sa 'king kinalakihang ina.

"Pero hindi pa tapos ang mga trials at nag-uumpisa pa lang ang lahat."

"Matatapos natin 'yan sa takdang panahon sa ngayon kailangan niyang magpahinga. Gumagawa ng paraan ang sanctuary laban sa atin at kailangan natin makuha ang ilan pang hawak nilang Null. Hindi pwedeng madamay ang ilang Null na hawak natin sa gulong gusto nilang mangyari at lalo na ang batang 'yon. She can let us para makontrol natin ang bansa at ilang kalapit na bansa'y yuyuko sa ating kakayahan na mamuno sa buong mundo dahil hawak natin silang lahat." Dagdag pa ni Mrs. Ramirez.

Muli'y nagbago ang ayos ng lugar nasa loob na ako ng silid. May dalawang doctor ro'n at isa na ro'n si Mr. Ramirez and this time may kasama siyang pamilyar na batang lalaki. Nakasuot ito ng specs at katulad ko nakasuot din siya ng parang pangtulog na ternong damit.

"Sige na anak gawin muna sa kanya 'yong inuutos ko," sabi ni Mrs. Ramirez sa batang lalaki na pinapalapit sa nahihimbing na batang bersyon ko sa kama.

"Pero hindi ko na siya magiging kalaro 'pag nakalimutan na niya ako." Sabi ng batang lalaki.

"Oo pa rin at kailangan lang siya kunin ng mama niya. Tulungan lang natin siya para makalimutan lahat ng lungkot niya para happy na siya."

"Ganu'n ba 'yon?"

"Oo."

"At saka kapag lumaki na kayo ng pareho magkikita pa rin naman kayo rito eh, kaya sige na burahin muna ang alaala niya katulad ng inutos ko sa 'yo Ted," sabi niya sa bata, "pakita mo kay mama kong gaano kagaling ang baby ko." Saka niya pinisil ang pisngi ng batang si Ted.

"Opo," sagot ng bata.

Binuhat siya ni Mrs. Ramirez at tinabi sa batang nakahiga sa kama. Sumulyap pa ito sa kanyang ina bago tuluyang hawakan ang ulo nong bata. Sa isang iglap bigla na lang naging kulay puti ang buo niyang mata hudyat na ginagawa na nito ang ipinag-uutos sa kanya ni Mrs. Ramirez.

-----

Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Wattpad mababasa ang kwento na ito. Kong malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad sa totoong author nito. Maraming salamat.  

Project NullWhere stories live. Discover now