Update 34

5.2K 67 24
                                    

Dedicated ito kay LaughAndCry. Thank you for reading! Love love ♥



X X X X X X X X X X X X X X X 


CHARLES' POV

"...Oo, hindi nga siya ang dahilan ng pagkamatay ni Hannah, pero sa mga kamay niya namatay ang kapatid mo. Mahirap yun. Hindi ka dapat sumuko na lang basta. Kasi sa mga pagkakataong ito, ikaw na natitira niyang pamilya ang kailangan niya."

Patuloy lang na nagrereplay sa isip ko ang sinabi ni Sungit kanina.

Psh. Alam ko naman yun eh. Kaya lang, nakakainis lang talaga kasi ang pagiging ma-pride ni Julius. Ako kasi yung klase ng tao na di namimilit ng iba. Kung ayaw nila, edi huwag. I won't force them.

"...Kasi sa mga pagkakataong ito, ikaw na natitira niyang pamilya ang kailangan niya."

Ako? Kailangan niya ako? Psh. Mukhang di naman. Ipinagtabuyan nga ako diba?

"Alam kong gusto rin ng pamilya mo na nasa harap natin ngayon na magkaayos kayo."

Yeah right. Ipinangako ko yun sa kanila. Pero mahirap eh. Aish! Sumasakit ulo ko. Di ko alam ang gagawin ko. Si Sungit kasi kung ano-ano pinagsasabi.

Napagdesisyunan kong sabihin na lang sa kanya kasi malalaman at malalaman lang din naman niya yun. I was kinda nervous though. It was like taking the risk. Baka kasi mahirapan siyang i-sink in sa utak niya. Baka magalit na rin sa akin. Masira pa yung pagkakaibigan namin. Siyempre, boyfriend niya ang pinag-uusapan dito.

Tsk. Honestly speaking, naiinis pa rin talaga ako kapag naiisip kong boyfriend ni Sungit si Julius. Di ko matanggap. Ewan ko.

Pero, buti na lang naintindihan din naman siguro ni Sungit yung mga inamin ko sa kanya tungkol sa amin ni Julius, at nakapagbitiw pa siya ng mga salita na gumugulo na naman sa isipan ko.

I just realized, may sense naman pala siya minsan. Hehe. Puro kasungitan lang pinapakita niya sa akin pero ngayon ko lang siya narinig magsalita ng ganun. Nakakatuwa talaga siya. I smiled with that thought.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon