Update 33

5K 66 23
                                    

Dedicated kay SeoKyuMaknae. Thank you po sa pagbabasa! Love love ♥

X X X X X X X X X X X X X X

MANDY'S POV

"Sungit, gising na. 6:30 na. May pasok ka pa." Narinig kong sabi ni Yabang habang tinatapik-tapik ang braso ko.

"Tsk! 5 minutes!" Tinakpan ko ng malaking unan ang tenga ko at tumalukbong ako sa kumot ko para hindi ko marinig ang boses niya.

Inalis naman niya ang kumot at unan ko. "Kanina pa tapos na ang 5 minutes mo. Gising na."

"Aisssh! Ang kulit!!!" Naiinis na sabi ko.

Narinig ko naman na tumawa si Yabang. "Dalian mo, male-late ka niyan."

"Oo na! Oo na! Psh." Bumangon na ako at naglakad nang nakapikit patungo sa banyo para maligo. Parang bangag lang.

*boogsh!*

"Aray!" Napahawak ako sa noo ko. Ansakit nun ah! Napatingin ako sa pinagbanggaan ko. 

o___o Pader?? Asan ang pinto ng banyo?! Dito lang yun ah!

"Anong ginagawa mo diyan? Nandun ang banyo o. Hahahaha." Sabay turo ni Yabang sa kinaroroonan ng banyo habang tumatawa na parang walang bukas. Nandun lang pala sa right side ko yung banyo. Tsk. 

"ALAM KO!!! BAKIT NANDITO KA PA HA!?? LUMABAS KA NA NGA!!!" Singhal ko sa kanya. Nakakainis. Ang sungit-sungit niya sa akin kagabi tapos ngayon pinagtitripan na naman ako. Psh.

"Hahaha. Sungit talaga! Oo na, aalis na. Dalian mo diyan." Saka siya lumabas ng kwarto.

"Kainisss!!!!" 

Pagkatapos kong maligo, magbihis, mag-ayos, at kung ano-ano pa, dumiretso na ako sa dining area para kumain.

Nadatnan ko si Yabang na nagluluto ng ulam. 

"Upo ka muna diyan habang hinahanda ko itong ulam natin." Sabi niya ng mapansin niya ang presensiya ko.

Hindi na ako umimik. Nakakainis siya. -___- 

Kinuha ko muna ang diyaryo na nakalapag sa mesa at nagbasa muna nun habang hinahanda ni Yabang ang almusal namin. Inuna ko agad ang Obituary section. Ewan ko ba pero gustong-gusto kong basahin ang mga pangalan na nandun. Nagbabakasakali lang kasi na may kakilala ako.

Inilipat ko pa sa ibang pahina.

Hmmm.. na-feature pala ang varsity basketball players ng university sa Sunday Specials nila. Wow, napanalunan pala nila ang Championship games. Galing-- T-teka.......... SUNDAY? Tiningnan ko ang front page ng diyaryo para tingnan ang petsa ngayong araw. Sunday nga!!!!! 

O_______O 

>_______< 

"YABAAAAAANG!!!!!!!!!!!" 

"O bakit?" 

"DI MO BA ALAM NA SUNDAY NGAYON??!!! BAKIT MO AKO GINISING NG GANITO KA AGA!???! WALANG KAMING PASOK NGAYON!!!!!!"

"Ha? Sunday ba ngayon? Sorry. Uhm.." Nag-isip pa siya sandali. "Sige, para hindi sayang ang suot mo, samahan mo na lang ako sa pupuntahan ko. Okay?" Then he patted my head. 

Agad ko naman iniwas ang ulo ko sa kanya. 

"Tsk!!! Nakakainis ka talaga kahit kailan!"

"Sorry na nga eh. Di ko naman sinasadya. O sige na, huwag ka ng sumimangot. Sige ka, magtatampo ang pagkain sayo."

"Ewan ko sayo!" Nagsalin na ako ng kanin at ulam at nagsimulang kumain.

* * *

Napansin kong tahimik na naman si Yabang. Kanina pa siya ganito actually. Actually, kagabi pa pala. Ano na namang problema nito? Weird. Makikita mo siyang masaya tapos maya-maya magiging tahimik siya. Di naman siya ganito. Hindi naman siya silent type of person. 

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon