Update 35

5K 64 23
                                    

Merry Christmas and a prosperous New Year, friends~ Kain lang nang kain ng mga handa niyo diyan. Hehehe.


X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X

MANDY'S POV

"Nandito na tayo." Sabi ni Yabang habang pinaparada ang kotse sa labas ng bahay namin.

Nandito na kami sa bahay ko. Namiss ko ang bahay ko. Dalawang buwan na rin mula nang huli ko itong makita. Puro alikabok na siguro ito malamang. Dalawang buwan nang hindi nalilinisan.

Hinatid ako ni Yabang pauwi. Kesa naman umuwi akong mag-isa habang ang dami-dami kong dala diba? Well, naging masaya naman ang aming biyahe dahil puro kami kwentuhan at tawanan.

Unang siyang lumabas ng kotse. Pinagbuksan muna niya ako ng pinto saka ako lumabas.

"Charles! Mandy! Nandito na pala kayo." Salubong sa amin ni Ate.

Inakbayan niya ako.  "Tara, pasok na tayo. Mamaya mo na kunin ang gamit mo. May naghihintay sayo sa loob." Nakangiting sabi niya.

Sumunod lang din kami sa kanya.

Pagpasok namin sa loob,

"Hi baby girl."

O_____O

"Mommy? MOMMY!!" Patakbo akong lumapit kay Mommy saka siya binigyan ng isang matinding yakap. Grabe! Si Mommy pala yung tinutukoy ni Ate na surprise!

Kumalas siya mula sa pagkayakap. "Oh baby girl, I missed you! How are you?"

"Okay lang. Masaya. You look great Mom! Buti naman naisipan mo nang umuwi."

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon