Update 36

4.9K 65 28
                                    

Dedicated kay Elaine02_KPop. Thank you po sa pagbabasa. Huwag ka laging silent. Mag-ingay ka rin. Hihiihi. Love love.  ♥

X X X X X X X X X X X X X X

UPDATE 36 (Trip To Palawan)

At the airport...

MANDY'S POV

"Hello BF! We're here! Grabe, ang bigat-bigat ng dala ko!" Sabi ni Trina habang hila-hila ang dala niyang maleta.

Napag-usapan namin na dito na lang sa airport magkita-kita. Ngayon na kami pupunta ng Palawan. Excited nga ako na kinakabahan. Ewan ko.

"Bakit di mo padala yan sa boyfriend mo?!" Sabi ko habang napasulyap kay Calvin na mukhang abala sa cellphone niya.

"Can't you see? He's busy! Nakakainis na nga eh! Kanina pa siya text nang text diyan, hindi ako inaasikaso. HIHIWALAYAN KO NA TALAGA YAN!" Sabi niya sabay tingin ng masama kay Calvin.

"Edi hiwalayan mo na, dun ka na kay Klein." Sabi ko.

"LANGYA! SINONG NAGHIWALAY?! A-ah, hi Mandy! Nandiyan ka pala. Hehehehe." Ani Calvin na mukhang ngayon pa lang kami napansin.

"Hihiwalayan ka na raw niya not until ititigil mo na yang pagtetext mo diyan." Sabay turo kay Trina.

Inakbayan naman niya ito. "Naks naman, nagseselos si Goddess. Di naman chicks ang katext ko eh. Yung kapatid ko ang katext ko." Pinakita niya pa sa kanya cellphone niya. "See?"

"Bakit mo naman katext si Klein?" Tanong ko.

"Wala lang. Ganun talaga kami. Sweet. Hahahaha. De, tinatanong ko siya kung nasaan na siya. Ang tagal niyang dumating anong oras na. Langya, excited na akong mag-Palawan! Kaso ang sagot niya eh puro secret. Langya talaga, naglilihim na sakin."

Hinampas naman ni Trina si Calvin sa braso. "Ewan ko sayo! Ang bigat-bigat ng dala ko ni di mo man lang ako tinulungan!"

"Sorry na Goddess. Ako na magdadala niyan mamaya pramis." Pangiti-ngiti na sabi niya sabay taas-baba ng kilay niya.

Ako naman ang binalingan ni Trina. "O? Nasaan ang mommy at ate mo?" Sabi niya habang patingin-tingin sa paligid. 

Napatingin ako sa direksyon kung saan pumunta sina Mommy kanina. "Nag-CR lang sandali. Pabalik na siguro yun dito... O, ayan na pala sila." Sabi ko nang makita ko sina Mommy at Ate na naglalakad papunta sa amin.

"Hello Ate Max, hello Tita." Bati ni Trina sa kanila pagkarating nila sa kinatatayuan namin.

"Trina! Kumusta ka na?" Bati ni ate. Nagbeso-beso sila ni Trina. "You're looking great."

"As always yan ate Max! Ikaw? Gumanda ka lalo ah! Pero... bakit parang mas pumayat ka yata? Nagda-diet ka ba?" Trina

Tumawa lang si Ate. "Ikaw talaga." 

Automatic namang napatingin ako sa kanya. Oo nga, mas pumayat siya ngayon, medyo pumutla nga siya lalo na pag walang make-up. Mula yan nung bumalik sila dito. Akala ko nga may sakit siya pero sabi naman niya okay lang siya. Baka nga nagda-diet. Napapansin ko kasing kokonti lang ang kinakain niya. Sus, ang payat na niya para magdiet. 

Pinakilala ko naman sina Trina at Calvin kay Mommy. "Mom, eto si Trina, bestfriend ko, at siya naman si Calvin, boyfriend niya at pinsan ni kuya Charles." Sila naman ang binalingan ko.  "Guys, this is my mom."

"Hello po!" Sabay nilang bati kay Mommy.

"Hi! Finally, I've got to meet you. Buti naman at sumama talaga kayo. Kasi mas marami, mas masaya diba? At saka gusto ko talagang makilala lahat ng kaibigan ng baby girl ko." Masayang saad niya sabay akbay sa akin.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon