Update 41

4.7K 61 14
                                    

Dedicated kay chaybeeel~ Thank you for reading! Feel na feel mo talaga na ikaw si Mandy. Ikaw na teh! Hahaha. Love love ♥


Nga pala, may isa akong story na ongoing din. He Changed My Life ang title nun. Maikli lang yun kaya sana mabasa niyo. Thank you! Just click the external link or check it on my works!

X X X X X X X X X X X X X X X X X X

Charles' POV

"Miss, nasaan yung babaeng isinugod dito kanina?" Tanong ko sa isang nurse nang makarating ako dito sa ospital. I also described Maxene's features and the clothing she wore.

"Nandun po sa emergency room. This way po." Iminuwestra niya kung saan banda ang emergency room.

Nagpasalamat ako at patakbo kong tinungo ang emergency room.

Pagdating ko doon, nadatnan ko si Heidi, yung babaeng nakasama ko sa summit sa Cebu. Nakaupo siya sa mga upuan na nakahilera sa labas ng emergency room.

"Heidi?" Medyo gulat na saad ko.

Lumingon ito at napatayo. Halata rin sa kanya ang pagkagulat. "Charles? What a coincidence! Anong ginagawa mo dito? Don't tell me... ikaw yung kausap ko kanina sa phone?"

Tumango ako. "Anong nangyari sa kanya? Asan siya?" Sunud-sunod na tanong ko.

"Nandun pa sa loob. Umupo ka muna." Sabi niya.

Umupo ako sa tabi niya.

"Anong nangyari sa kanya?" Ulit kong tanong.

"When the concert ended, aalis na sana kami ng mga kasama ko nang makita namin siyang walang malay sa upuan niya which is nasa harap ko lang. Kaya ayun, dinala namin siya agad dito. Takot na takot na nga kami kasi parang hindi na siya humihinga. I checked her phone kung sino ang pwedeng tawagan and yung name mo ang unang nakita ko. Hindi ko inexpect na ikaw pala yan." Paliwanag niya.

Napahilamos ako sa mga palad ko. Nanlumo ako sa kwento niya.

Kasalanan ko ito. Kung hindi sana ako umalis, kung hindi ko siya iniwan doon, hindi sana mangyayari sa kanya ito. I should have been there. I was so stupid.

Naramdaman kong tinapik-tapik ni Heidi ang balikat ko, maybe comforting me.

"Girlfriend mo siya?" Tanong ulit ni Heidi.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon