Update 20

6.4K 102 37
                                    

Dedicated kay supergirlwearspants. Thank you for the support! Love love ♥

X X X X X X X X X X X X X X X X X X X

 

Mandy's POV

Ang bilis lang ng mga araw. Akalain mo yun.. One month and 5 days na pala akong nakatira dito sa bahay ni Yabang.

Sa loob ng mahigit isang buwan, naging close na rin naman kami kahit papano. Nasasanay na ako sa presensya niya.. Nasasanay na rin ako sa mga pang-iinis at pagmamalupit niya sa akin--- De, joke lang. Pero narealize ko na mabait naman talaga siya. Kaya lang, palagi lang niya talaga akong iniinis. =___=

Hindi na ako naiinis kapag kasama ko siya di tulad ng dati na makita ko lang ang pagmumukha niya, parang sasabog na ang ulo ko dahil sa inis.

Hindi ko na rin siya inaaway...Yata.

Mabait na rin ako sa kanya... Minsan..

Friends na rin kami. Bati na kami for reals, ganun. Improving na rin kahit papaano.

Kami naman ni Jules, getting stronger everyday. Kaka-monthsary lang namin nung isang araw. Ang sweet nga ng surprise niya sa akin eh.

Pumunta siya sa klase ko at pinaalam niya sa prof ko na pinapatawag daw ako ng dean. Pinalabas naman ako ng prof ko. Bigla akong kinabahan dahil dun. Sa loob-loob ko, tinawag ko na lahat ng santo at anghel at nagdasal na sana walang masamang mangyayari.

Only to find out na gawa-gawa lang pala ni Jules yun. Magka-cut class daw ulit kami kasi may ipapakita raw siya. Tsk. Oo na, siya na ang mahilig mag-cut class.

Saan kami nagpunta? Sa baywalk. Tumambay lang kami buong maghapon dun. Kwentuhan ganun. Anong pinakita niya? Sunset. Ang saya diba?

Sabi niya kasi sa akin, lubos-lubusin na raw namin ito dahil mawawala siya ng dalawang linggo. May seminar kasi sila sa Cebu at magiging super busy siya. About architecture yun kaya... I can't relate. Kagabi pa nga sila lumipad papuntang Cebu. Haay. Mamimiss ko siya! :(

Hmm.. Ang CK Brothers and si BF Trina naman.. Ayun.. Getting closer daw sila everyday. Madalas silang maghang-out at gumimik. Siyempre kasama kami ni Yabang diyan. Nanliligaw na nga raw yung dalawa kay BF eh. Ewan ko sa mga yun.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon