Update 45

4.7K 62 10
                                    

Dedicated kay lalalamadeline! Thank you for appreciating this story! Love love ♥

Please read my newest work, For You It's Separation, For Me It's Waiting.

Click the external link or check it on my works. Salamat po!

O sige, here's Update 45!

Si Calvin. Ay langya! Ang gwapoooo! Hahaha.  ------> 

X X X X X X X X X X X X X X 

Trina's POV

"Saan ka kagabi?" Bungad ko kay Calvin pagkabukas niya ng pinto ng bahay niya.

"Ako? Gumala kami. Bakit?" Sagot niya.

Pumasok ako ng bahay at dire-diretso ako sa sala nila.

"Text ako nang text sayo kagabi tapos di ka nagrereply! Nakakainis ka! Sinong kasama mo?! Babae?!"

"Di ah! Yung magkapatid kasi, nagyaya. Magcelebrate daw kami."

Umupo ako sa sofa. "Magkapatid? Sino?"

"Sina Charles at Julius. Nagkabati na sila." Sabi niya at umupo na rin siya sa tabi ko.

"Talaga?! Pa'no nangyari yun?" Gulat na gulat na saad ko.

"Nagkita sila sa sementeryo. Dun sa puntod ng mga magulang at kapatid nila. Tapos yun, nag-usap sila, nagkapatawaran. Yun. Tapos niyaya na kami ni Klein magcelebrate. Hehe."

"Ah, akala ko, babae na kasama mo kagabi." Sabi ko.

"Ayan ka na naman eh. Wala ka ba talagang tiwala sa akin?"

"Meron naman. Kaya lang kasi--"

Humarap siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Goddess, habulin ako ng mga babae, oo. Pero hindi naman ako manloloko. At saka, hinding-hindi kita lolokohin. Mahal kita eh. Hindi ako titingin sa ibang babae. Sayo lang. Kaya please, huwag mo na akong pagdudahan, okay?"

Napabuntong-hininga ako saka marahang tumango. "Oo na, sorry."

Ngumiti siya.

"Pero, balik tayo dun sa magkapatid. Buti naman at nagkabati sila sa wakas. Sabi ko na nga ba, darating din ang panahon na maghihilom din ang sugat sa puso nilang dalawa."

"Oo nga. Langya talaga, close na close silang dalawa dati. Magkasundo sila sa lahat ng bagay. Tapos nagulat na lang kami na bigla silang nagkawatak-watak nang dahil sa aksidente. Pero buti na nga talaga at nagkaayos na rin. Sigurado, tuwang-tuwa sina Tito at Tita at pati na rin si Hannah."

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon