Update 21

6.5K 87 31
                                    

Dedicated to Sherina_Trio! Thank you for supporting! Love love ♥

X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X

Mandy's POV

"Sungit...." Bungad sa akin ni Yabang pagkabukas ko ng pinto.

"A-ano?" Sagot ko sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso! Aisssh! >_<

"Labas tayo.."

Eh? Labas? Anong klaseng labas? Saan kami lalabas? D-date ba gusto niya? Agad-agad? Aish! Kung ano-ano na naiisip ko!

"Tara.." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng bahay. Eeeh! Hindi pa nga ako pumayag eh!

Nang makaabot na kami sa labas ng bahay...

"Marunong ka bang magbike?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako.

"Aaah.. ganun ba.. O sige, maglakad na lang tayo tutal malapit lang naman. Tara." Nagsimula na siyang maglakad palabas ng bahay.

Patakbo akong humabol sa kanya. "T-teka! Saan ba tayo pupunta?"

Humarap siya sa akin at ngumiti. "Diyan lang sa tabi-tabi."

Diyan lang sa tabi-tabi?! Ayan na naman siya eh. Hindi nagsasabi kung saan kami pupunta. Tss.

Gayunman, sumunod pa rin ako sa kanya.

(Sa theme park..)

Napadpad kami dito sa isang theme park. Malapit lang ito mula sa bahay ni Yabang. Nalalakad lang.

Medyo marami-marami rin ang mga tao ngayon. Sabado kasi.

Pumasok kami sa Jollibee dito sa theme park. Marami-rami rin ang mga tao dito ngayon. Sabado kasi. Ayy paulit-paulit.

Mukhang mahihirapan kaming makahanap ng vacant table nito ah.

"Anong gusto mo?" Tanong ni Yabang sa akin. Nasa counter na pala kami. Di ko namalayan.

"Burger, extra large fries, chicken pasta, at coke float." Sagot ko.

"Ang dami naman--"

"Mag-order ka na nga lang diyan. Naghihintay si ate oh." Yung cashier yung tinutukoy ko. "Hanap lang ako ng mauupuan." Sabi ko sabay alis.

 * * *

Trina's POV

"♫ And I aaaam teeeelling youuu.. I'm not going~ You're the best maaan I've eeever known! ♪"

Ganda ng boses ko diba? Jessica Sanchez levels! Hahaha. Di pala siya yung nanalo sa American Idol? Ngayon ko lang nalaman. Oh my, I'm so latest. LATE-st.

Nagkakaraoke lang ako dito sa house. Alam niyo yung online karaoke? It is where you can sing for free, record it and share performances online! Oha! Charot ang aking english. Hahaha. Well, may isa lang akong tip kung gusto niyo itong i-try..

HUWAG NA HUWAG NIYO ITONG GAGAWIN SA MGA INTERNET CAFE UTANG NA LOOB KUNG AYAW NIYONG MAGAYA SA AKIN! MAMUMURDER KA NG MGA TAO DUN AT MASISIPA KA PALABAS NG INTERNET CAFE KUNG GAGAWIN NIYO YUN. TRUST ME!

Nagpatuloy lang ako sa pagkanta. "♫ No, no, no, noooo way! No, no, no, noooo way that I'm living without youuu! ♪"

Maya-maya, narinig kong may nagdoorbell. Pumunta ako sa may pintuan. Tiningnan ko muna sa intercom kung sino yun bago ko binuksan ang pinto. Naks, sosyal ng bahay ko diba?? Hahaha.

Isang papable na delivery boy ang tumambad sa pinto ko. Super gwapo niya pramis! At may dalang buoquet of roses?

Binuksan ko ang pinto.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon