Update 48

4.9K 74 11
                                    

By the way, please click the external link on the side. Give this story a shot. "For You It's Separation, For Me It's Waiting". Thank you!

This would be the THIRD to the last update. :(

Intense na ba? Hahaha.

Eto na!

X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X

Mandy's POV

Basta na lang akong tumakbo nang makita ko sina Yabang at Ate.

Takbo lang ako nang takbo. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Patuloy lang din sa pagtulo ang mga luha ko. 

Maya-maya, napagod na rin ako sa kakatakbo. Kaya naglakad na lang ako. Napadpad ako sa isang bakanteng lote. May isang nakatumbang kahoy sa lilim ng isang puno. Umupo ako doon.

Hindi ko na naiintindihan ang nararamdaman ko.

Nasasaktan ako..

Nagagalit ako..

Nanghihinayang ako..

Sobrang na-shock ako sa lahat ng nalaman ko.

Bakit nila tinago sa akin ang lahat?

"Mandy!"

Nakita ko si Yabang na papalapit sa kinaroroonan ko.

Automatic na tumayo ako at mabilis na naglakad para lang makalayo sa kanya.

Hindi ko pa siya kayang harapin. Gusto ko lang mapag-isa.

"Mandy, sandali!"

Mas binilisan ko pa ang lakad pero naabutan niya pa rin ako.

Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako paharap sa kanya.

"Mandy.."

Pinilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa akin pero nilipat niya ang mga kamay niya sa mga kamay ko at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak dito.

"Mandy, please listen to me." Sabi niya.

Umiling ako. "A-ayoko.. T-tama na.. T-tama na.. Bitiwan mo ko.." Pinilit ko na namang alisin ang mga kamay ko mula sa kanya pero hindi ko magawa dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

"Please..." Pagmamakaawa niya.

Hindi na ako sumagot. Nag-iwas na lang ako ng tingin.

"Sorry kung marami kaming tinago sa iyo." Pagsisimula niya.

"Matagal na kaming hiwalay. Simula pa nung naospital siya pagkagaling sa concert. It was a mutual decision. Pinalaya niya ako dahil sa nararamdaman ko para sayo." He continued.

Hinaplos niya ang pisngi ko. "Mandy, look at me."

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

Gayunman, nagawa ko pa ring tingnan siya.. sa mga mata niya.

"Mandy, mahal kita. Mahal na mahal kita."

Mas lalo akong napaiyak dahil sa mga katagang iyon. Iyon ang mga salitang matagal ko ng gustong marinig mula sa kanya.

"Akala ko nung una, natutuwa lang ako sa'yo. Natutuwa lang ako sa pagiging masungit mo. I found you cute. Pero habang tumatagal ang pagtira mo sa bahay ko.. I realized how you made my life complete. How you made me happy. How you made my life alive. And how much I've fallen for you." He continued.

"Hindi ko iyon inintindi nung una dahil sa ate mo at dahil kay Julius. Ayokong masaktan sila. Tinago ko ang nararamdaman ko. Tiniis ko lahat. Tiniis ko ang matinding selos kapag kasama mo si Julius. I only want you for myself. Gusto ko na ako lang ang kasama mo, ang kayakap mo. Gusto ko na ako lang ang humahalik sayo. Gusto ko na ako ang magiging dahilan ng mga ngiti at tawa mo."

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon