Update 28

5K 65 13
                                    

If gusto niyong magpadedicate, just post on my Message Board. Pero may mga qualifications ako syempre. 

> Reader ng IILWMSB

> Nakikita ko na nagvovote at nagcocomment sa mga updates

> And yun. Hihihi.


X X X X X X X X X X X X X X


JULES' POV

"O pare! Saan ka ba galing? Bigla ka lang nawala ah!" Salubong sa akin ng kaklase ko na si Kit pagkabalik ko ng kwarto namin.

"Naglasing ka ba? Amoy-alak ka ah!" Sabi naman ni Frank. Kaklase ko rin.

Hindi ko na muna sila pinansin. Dire-diretso akong humiga ng kama at pumikit. Ayoko munang may kausap.

"Anong nangyari dun?" Narinig ko na lang ang bulung-bulungan nila.

"Nga pala pare," Minulat ko ang mga mata ko nang magsalita si Kit. "Naiwan mo 'tong cellphone mo. Buksan mo na, baka kanina pa text nang text ang girlfriend mo, galit na yun ngayon. Hehehe." Inabot niya sa akin ang cellphone ko at kinuha ko naman.

"Lalabas muna kami pre. Gusto mong sumama?" Alok ni Frank sa akin.

"Kayo na lang." Sabi ko.

"Sige." Lumabas na sila ng kwarto.

Ni-turn on ko ang phone ko at nabigla ako na may 65 messages na pala ako. Galing kay Mandy lahat. Patay.

hello baby!

bkt di ka nagrereply? busy ka?

uy! hanggang ngaun, may gnagawa ka pa rin???

knina pa ako txt nang txt di ka nagrereply. may babae ka na jan no??!! >__<

NAKAKAINIS KA NA!!!!!!!!

Lahat yun paulit-ulit. Tsk. Galit na yun malamang. I dialled her number at tinawagan siya.

* * *

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon