Update 25

5.7K 70 23
                                    

Gwapong Charles here -------->


X X X X X X X X X X X X X X X X

Charles' POV

Busy ako sa paggawa ng plan for my new project nang biglang may kumatok sa opisina ko.

"Come in!" Saad ko.

"Sir," Bati ni Jillian. Secretary ko.

"Yes? Anong atin?" Tanong ko.

"Pinapatawag po kayo ni Mr. President sa office niya."

"Bakit daw?"

"HIndi ko po alam sir eh. Pumunta na raw po kayo sa office niya ngayon."

"Okay. I'll be there." Sinimulan ko ng ligpitin ang plan na ginagawa ko.

"Ah sir, paki-sign po muna ito." Iniabot niya sa akin ang isang folder.

Pagkatapos kong pirmahan ang mga pinapapirma niya, tumungo na ako sa office ni Tito Johnny, presidente ng kompanyang ito at tatay nina Calvin at Klein.

Kumatok muna ako bago pumasok.

"Mr. President," Bungad ko pagkabukas ko ng pinto. Hindi Tito Johnny ang tawag ko sa kanya kapag nasa trabaho kami, for formality sake lang.

"Charles," Tumayo siya mula sa inuupuan niyang swivel chair at iginiya niya ako sa parte ng office niya na may sofa at center table. Parang sala ganun. "Have a seat."

"What's up?" Tanong ko pagkaupo namin sa sofa.

"I called you because I want you to do something for me." Saad niya.

"Mukhang importante po yan ah. What is it?"

"There's a seminar for architecture students na nagaganap ngayon sa Cebu sponsored by the Philippine Institute of Architects. The association invited me to be one of their speakers however I won't be able to make it. I'm flying to New York tomorrow. Kaya naisipan ko na ikaw na lang ang papuntahin ko as my substitute."

"Ako? Are you sure Mr. President? You really think I can do it?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Yeah. Hindi ikaw ang pipiliin ko if I think you are not worthy of this. You are going to Cebu, Charles. Tomorrow. Nakahanda na ang ticket mo. Ipapabigay ko lang sa secretary ko mamaya. Good luck!" Nakangiting sabi niya. Yung ngiting nakakaloko. -___-

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon