Update 1

17.3K 283 57
                                    

Dedicated to asktherisk! Thank you sa support, Sammy! Love love ♥


X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X X


Mandy's POV

"Mandy, gising na! Tanghali na. Male-late ka sa school!" Sigaw ni Ate Maxene habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

  

Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto. 6:30 AM. Haaay, bakit ba kahit maaga pa ay sinasabi nilang tanghali na? Anong tingin nila sa 6:30 AM, alas-dose ng tanghali?

  

Bumangon ako at nagdasal sandali. Tumayo na ako ng kama at dumiretso sa banyo para maligo.

Nang nakaligo na ako at nakapagbihis na, bumaba na ako at pumunta ng dining area para kumain. Nadatnan ko si Ate Maxene sa dining table na nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng kape.

"Good morning ate." Bati ko at umupo ako sa tapat niya.

"Good morning. Kumain ka na." Sabi niya habang nagbabasa pa rin ng diyaryo.

Hinarap ko na ang hapagkainan. Hmmmm.. ang bango ng bacon at fried egg. Idagdag mo pa ang amoy ng sinangag! Nakakagutom. Nagsalin na ako ng kanin at ulam at nagsimula na akong kumain.

Ako nga pala si Mandy Mercado. Mandy for short. 19 years old na ako. Third year na ako sa kursong BS Pharmacy.

Nasa harapan ko naman ngayon ang ate kong si Maxene. Dalawang taon ang tanda niya sa akin. Isa siyang pharmacist. Kaya BS Pharmacy din ang kinuha ko kasi idol ko si ate eh. May pharmacy kami diyan sa labas ng bahay namin. Si ate ang namamahala dun. Minsan naman, tumutulong ako. Napakaganda, napakatalino, at napakabait nitong si ate. Pwede na nga siyang maging santa sa sobrang kabaitan. Naks. 

"Asan nga pala si ate Bilog, ate?" Hinahanap ko ang clerk namin na si Ate Teresa. Ate Bilog ang tawag ko sa kanya kasi bilog ang hugis ng mukha niya. Pinsan namin siya na nakatira dati sa probinsya. Sa amin na rin siya nakatira ngayon. 

"Nasa palengke. Inutusan ko na muna mamalengke." Sabi niya.

"Ahh.."  


Pumatlang ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa narinig naming may nagdoorbell.

"Ako na ang magbubukas." Tumayo si ate at pinuntahan ang gate.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon