Update 23

5.7K 72 36
                                    

Dedicated kay RicaMayReanzares! Thank you so much sa support! Love love ♥

X X X X X X X X X X X X X X X X

Charles' POV

Bago pa ako nakalabas sa horror house eh may naisip na akong idea. Buti na lang talaga at pinalabas ako ng bobong sundalo na yun.

Siyempre, hindi pwede na wala lang akong gawin. I need to save her. Kaya as what I have said, may naisip akong idea. I'm so brilliant.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagdial ako.

"Hello, is this the police station?"

* * *

"M-manong sundalo naman, h-huwag mo akong patayin utang na loob! A-ano bang kasalanan ko sa'yo ha?!" Pagmamakaawa ni Mandy sa sundalo.

"Wala." Sagot nito. Nakatutok pa rin sa ulo niya ang baril.

"Eeh wala naman pala eh! Pakawalan mo na ako!"

"Mamamatay muna tayong dalawa bago ko gawin yun. At pwede ba? Tumahimik ka na nga! Naaalibadbaran ako sa boses mo!"

Patuloy pa rin siya sa pagmamakaawa sa sundalo hanggang sa may narinig silang ingay mula sa labas.

"Napapalibutan ka na namin. Pakiusap, pakawalan mo na ang hostage."

Dahil sa pagkagulat, agad na pinulupot ng sundalo ang braso niya sa leeg ng dalaga at tinutok pa lalo ang baril sa ulo niya.

"A-aray!! T-tulungan niyo ako-- Uhmm!!" Tinakpan nito ang bibig niya.

"Diba sinabi ko sayo na huwag kang maingay!"

"Hmmmmm!! Hmmmm!" Pagpupumiglas niya.

Binitawan ng sundalo ang dalaga pero hindi pa rin inaalis ang pagkatutok ng baril sa kanya.

"Sisilip lang ako dun sa bintana. Huwag kang magkakamaling umalis diyan!!" Sabi ng sundalo kay Mandy.

Charles' POV

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon