Update 17

6.6K 113 37
                                    

Dedicated kay Quincy! Thank you for the support, at sa dedic mo ng Happily Ever After... Sana! Love love ♥

X X X X X X X X X X X X X X X X

Charles' POV

Napansin kong hindi nanonood si Mandy. Nakatungo lang siya at kain lang siya nang kain ng popcorn.

Mukhang takot na takot siya ah. Ang sarap na namang pagtripan.

"Huy!" Pabulong na sabi ko.

"Ayyy anak ng!!!" Mandy

"Magugulatin ka naman masyado." Sabi ko.

Inirapan niya lang ako. Tsk. Ang sungit talaga kahit kailan. Akala ko ba friends na kami nito?

"Ba't di ka nanonood? Takot ka?"

"Pangit ang pinili mong palabas." Asus, in denial pa. Halata namang takot siya eh.

"Weh? Takot ka lang eh!"

"Pakialam mo---" Hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Sssh.." Nag-gesture ako na tumahimik siya. Dinilat ko ang mga mata ko na animo'y gulat na gulat. Umarte ako na parang may nakita akong multo.

"H-ha? B-bakit?" Haha! She trembling! Gusto ko na talagang tumawa!

"M-may..... a-ano.... s-sa likod mo.." Sabi ko na tila natatakot.

"O-oy Kuya Charles, h-huwag kang magbibiro ng g-ganyan.." 

Hahaha! Mukhang naninigas na siya sa kinauupuan niya ah. Ang cute talaga ng itsura niya. Kaya nga ang sarap niyang pagtripan eh.

"H-hindi ako nagbibiro Mandy.... meron nga---"

*Bggsssssh!!!* [a/n: Tunog yan ng nagswitch off na TV, DVD player, at nagsipatayan na mga ilaw. Mwehehe. Ayyy sorry naman talaga sa sound effects.]

"AAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!!!!!!!" Napasigaw kaming lahat.

Ahh shoot! Brownout!

"Langya!! Brownout! Oy Klein, asan ka?" Calvin

"Nandito. Bakit?" Klein

"D-di kita makita! Langya! Nasaan ba kasi yung cellphone ko! Ang dilim! Langya namang buhay to oh! Tas horror pa pinanood natin. Tsss." Calvin

Tssss. Duwag.

"Bahala ka sa buhay mo. Magmasid-masid ka.. baka may tumabi na sayo na hindi namin nakikita." Klein

"Langya! H-huwag ka ngang manakot diyan---" Napatigil sa pagsasalita si Calvin nang may biglang sumigaw.

"Mommy! Ate! Huhuhu!"

Si Mandy!

"BF? Okay ka lang? Asan ka?" Trina

"Mandy? Anong nangyari?" Klein

"Mandy? Langya! Umiiyak ka ba?" Calvin

Kinapakapa ko si Mandy. Ayun, nahawakan ko ang braso niya. "Mandy? are you alright?"

Naramdaman kong yumuyugyog ang katawan niya. Patay. Umiiyak yata.

"T-takot na takot ako. M-may m-multo! Mommy!"

Aish! Nakakakonsensya naman oh. Grabe naman pala siya matakot. Sana pala di ko na siya pinagtripan. Baka mahimatay 'to dahil sa takot ako pa may kasalanan.

Kukuha muna ako ng kandila para mailawan kaming lahat dito. Nag-aalala na ako ng sobra dito kay Mandy.

"Teka, kukuha muna ako ng mga kandila ha? Sandali---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong niyakap.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon