Update 32

5K 78 20
                                    

Dedicated ito kay KimberlyUmpad~ Thank you for appreciating this story. Love love ♥


X X X X X X X X X X X X X X


MANDY’S POV

"ANO?? Binasted mo si Klein!?" Gulat na gulat na sabi ko kay Trina. Kinuwento niya kasi sa akin yung nangyari sa kanila.

"Oo nga." Sagot niya.

Nagkukwentuhan muna kami ni Trina dito sa canteen kasama ang kwek-kwek at coffee shake.

Hinihintay ko rin kasi si Jules. Inaya kong magliwaliw. Napapansin ko kasi these days mula nang bumalik siya galing Cebu ay parang malungkot siya o depressed na hindi ko maintindihan. Tinanong ko kung may problema ba pero sabi niya medyo pressured daw sa studies. Hindi ko na rin inusisa pa dahil baka lalo lang mastress.

Kaya ayun, bilang butihing girlfriend niya, ang tanging magagawa ko lang para sa kanya ay i-divert muna ang isip niya sa ibang bagay. Mag-eenjoy muna kami.

Nagsubo muna ako ng kwek-kwek bago nagtanong. "Bakit mo naman ginawa yun?"

Uminom muna siya ng coffee shake bago sumagot. "Eh kasi narealize ko na di na dapat na magsayang pa siya ng oras sa akin kasi in the end, hindi ko rin naman siya sasagutin. And it's time na rin naman na maghanap na siya ng iba. And way ko na rin yun na sabihin sa kanyang hanggang friends na lang talaga kami."

"Naku  BF, nasaktan mo yung tao for sure.. Tsk tsk tsk." Umiling-iling ako.

"BF naman eh! Mas lalo akong nagiguilty eh!"

"Biro lang. Matatanggap yun ni Klein for sure. Don’t worry." Sumubo ako ng ilang pipino. "So it means... si Calvin na nga ang pinili mo?"

Tumango siya. "Alam mo, ang saya-saya ko kapag kasama ko siya. Tapos ang tindi ng kilig na nararamdaman ko kapag sweet siya sa akin. Ang dami naming napagkakasunduan." Todong ngiti na sabi niya.



"So hindi mo yun naramdaman kay Klein?" Tanong ko.

"Hindi naman sa ganun.. masaya naman ako kapag kasama ko si Klein.. Kaya lang... Iba talaga yung nararamdaman ko kapag nandiyan si Calvin eh. Iba ang pintig na puso ko kapag nandiyan siya."

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon